Ang Sinumpang Babae

909 44 10
                                    

"Vivi. Ok ka lang?" Tanong ni Pilar habang nasa sasakyan sila.

Isang mahabang buntong-hininga lang ang naisagot niya dito.

Hindi niya maintindihan. Sa sobrang sakit wala na siyang maramdaman. Dapat nagdradrama na siya ngayon. Nagwawala. Lumuluha ng dugo. Pero wala. Para lang manhid yung buong katawan pati na buong pagkatao.

Baka siguro di pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. Masyadong ding mabilis ang nangyari. Kanina lang masaya pa sila.

"Sure ka, ok lang?" Tanong naman ni Joey habang nagdri-drive. Kunot pa ang noo na halatang naguguluhan. Mukha siguro talaga siyang sabog sa oras na yon.

"Di ko alam.." Sagot na niya nang marahan.

"Ano ba kasing nangyari? Ba't nagkagulo."

"Si Ito niya, may na jontis na hitad." Si Pilar na ang sumagot

Kahit di niya gaano makita si Joey pero alam niyang napangiwi ito. "Kaya pala tinatawagan ako nila Buds."

Siya rin naman tinatawagan din. Walang tigil yung pagtunog ng phone niya. Malolobat na nga. Di niya lang masagot. Di niya kaya.

"Yun nga eh. Wala daw silang na sight doon. Nabasa ko yung text." Sabi naman ni Byron na katabi nito.

Baka dinala na sa hospital si Kristina kaya wala nang naabutan yung dalawa, naisip niya.

"Sakin din tumatawag saka nagte-text si Mami Rose. Hinahanap ka. Kaso windang ako. Ano sasabihin ko? My gosh." Sabi naman ni Pilar.

"Anu na, Vi?" Tapos tumingin sa kanya na parang naghihintay ng sagot.

Umiling nalang siya dito. Hindi na niya magawang sumagot.

"Aw okies. Okies. Dedmakels muna natin sila."

Huminga uli siya nang malalim.

May kasalanan din siya, may red flag nang winawagayway sa harap niya hindi pa niya pinansin.

Kaya pala Kristina Mahal parin ang nakalagay doon sa phone ni Ito, hindi parin pinapalitan. Kaya pala laging niyang nahuhuli na magkasama sa mga instagram stories. Kaya pala laging aligaga kapag may tumatawag.

Ilang buwan na yung nasa tyan ni Kristina, ganoon katagal yong tinago sa kanya.

"Dapat pala ni-jombag muna natin si Ito before tayo mag-escape-escape."

"Trulaley, By. Sayang. My gosh talaga! Kala mo matino. Nakaka-jirita! Sarap kurutin ng nail cutter sa balls." Gigil na gigil na sambit din ni Pilar. "Saka ang kapal din ng feslak nung babaitang yun. Cracklings naman inperson"

"Sa tru, bakla. Lumaklak lang gluta pero chakaneschiwa paren. Mula ulo, mukha paring paa." Si Byron naman. "Tapos yung ang chipipay pa yung mga bitbit na minions. Ang squammy pa."

"Trulagen. Sabihan bang kabit si Vivi natin na wiz naman knows ang naganap. Sarap buhusan ng antiseptic. Mga mukang germs."

"By..tama na...ikaw din Pilar." Aniya sabay buntong-hininga uli. Mukhang doon nalang dinala ng mga kaibigan ang ngitngit nila.

Pero tama naman. Hindi siya yung kabit. Hindi naman siya kabit kasi di naman siya jinowa. Kaya wala din siyang karapatang magalit.

Saka ayaw na niya ng gulo. Kahit naman siya ang piliin ni Ito, ganon parin. May anak na sila ni Kristina. Siya din talaga ang magiging panggulo kapag nangyari yon.

Ano ba naman kasi, landian lang dapat. Bakit may sakitan na ganito?

"Yung babae ba yung kanina? Vlogger yun diba? Yung laging nakabikini?" Tanong uli ni Joey. Gusto sana niya ding sawayin dahil sa pagiging Marites kaso wala na siyang energy pa.

"Napapanood ko lagi yun..aray..By naman. Nagdri-drive ako."

Mukhang nagkurutan na ang dalawang mag-jowa, naisip niya. Sanaol.

"Umayos ka kasi! Anong nakabikini ka dyan."

"Model kasi yun, eh. Kakilala din kasi yun nung tropa ko."

"O, anong meron don?"

"Nagmodel daw yun tapos kina--"

"O may gad!" Biglang sigaw ni Pilar. Napahawak pa ito sa dibdib na parang gulat na gulat.

"Shutangina! Shuta! I just had an epiphany!"

"Anong epipini epipani, shutaca?! Nag-uusap kami dito. May kabag ka baks?"

"Gaga. Efficascent yun. Ang layo, Byron. Nakakaloka ka." Sagot naman ni Pilar tapos humarap sa kanya.

"Naalala ko lang ang sumpa ni Mader Analyn kay Vivi. Nung nibasted mo yung nirereto sayo. Yung di ka na daw magkakajowa. I was there diba? Nung birthday mo yon? Baka itechiwa na itech!"

Nakita naman niyang nanlaki ang mata ni Byron. "Ay jusko, Maria Pilar. I know that daiz! Kaya ba waley love life tong si Vivi gurl ng matagal? Dapat noon pa natin pinatawas."

Ngumiti lang siya ng pilit sa mga kaibigan. Mukhang nagmamanifest na nga yung sumpa.

"Di na naman ako affected noon." Aniya. "Pero...kung totoo nga...ok lang."

Maybe sign yon na hindi talaga dapat siya para doon. Na dapat makuntento nalang siya sa estado niya. Na dapat pag-igihan nalang niya ang pagpaparami ng datung para sa mga kapatid niya. Na maraming umaasa sa kanya kaya wala siyang karapatang masaya.

Ok lang naman siya noon. Ok na ok nga. Di siya nasasaktan ng ganito.

"Saka ok na to. At least mas maaga kong nalaman, diba? Baka magpakasal pa kami na di ko alam ang tunay na pagkatao. Matulad pa ako kay Mama."

Nagtingingnan naman ang dalawa. Di na nakapagsalita. Masyado atang malalim mga sinabi niya

"Keri lang to, promise. Lilipas din to. Move on agad genern." Aniya. "D
Saka dala mo yung drinks diba, Joey? Inumin nalang natin sa bahay."

"Yown!" Natuwa naman yung isa. "Oo nga madaming soju dyan.!

"Ay bet! Labas nating pang samyup!"

"May dala akong mic, ready na sa Kitchie Nadal Medley."

Natawa naman siya. Ang bibilis lang din ng mga kaibigan niya.

Ok na to. Ok lang.

"Ay! Oh my gosh. We are here na pala!" Sambit ni Pilar. Nasa bahay na pala sila nang di nila namamalayan.

Kaso pagbaba na pagbaba naman niya, boses ni Tita Analyn niya ang nadidinig. Ilang decibels halos yon. Mukhang may inaaway. Marereklamo na naman siguro sila ng Marites sa baranggay.

Di niya lang iniexpect na nadoon yon ngayon. May nangyari ata.

"Ay, what is this? May gulo rin sa house niyo?" Napangiwi nalang siya kay Byron.

"Shuta Vivi. Hindi align ang stars mo ngayon." Si Pilar naman. "Yung nanumpa, present."

"Yaan niyo na. Di pa ba kayo nasanay." Sambit niya na may
kaunting tawa. "Ready na kayo. Lalabanan kayo niyan sa videoke."

"Inalagaan ko kayo tapos ganito igaganti niyo? Sa akin? Sa amin? Mga putangina kayo!" Dinig na dinig niya yon.

Mga kapatid yata niya ang kaaway ni Tita Ana. Sana lang si madinig ni Miggy ang lahat. Bata pa yun para matutong magmura.

Dumiretso nalang siya sa gate nila at pinagbuksan ang mga kaibigan. Hahakbang na sana siya sa papunta sa pinto nang sumigaw uli si Tita Analyn. Napatigil siya. Buong-buo niyang nadinig ang lahat ng iyon.

"Nagpabuntis ka naman Ela?! Sino na namang hudas ang ama niyan?! Sino na namang mag-aalaga niyan?!"

Puta.

"At ikaw Germalyn?! Tanginang bata ka, hindi ka pala gra-graduate?! Napakasingungaling mo!"

Napakagat siya ng labi.

Putangina talaga.

Sleep Baby, Sleep (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora