Ate

1.2K 45 4
                                    

"Vi, okay ka lang?"

Tumango siya kay Pilar at huminga nang malalim. "Oo. Ok lang."

Kahit pakiramdam niya hindi, umoo nalang siya.

Natutulog na si Miggy ngayon pero inoobserbahan pa ng mga doctor.

Muntik na. Mabuti nalang at naisugod agad nila sa ospital ang pamangkin. Nagka-anaphylactic shock dahil sa nakaing mani. Hindi ito ang una pero ito ang pinakamalala.

Kasalanan niya ang nangyari, hindi niya binantayang mabuti. Alam naman niyang napakalikot ng bata yon, matakaw pa. Kahit anong makita, kinakain.

"Wala ka pang tulog." Si Byron. "Nap ka muna, kami na magbabantay."

Umiling siya. "Ok lang. Stable na rin si Miggy. Hihintayin ko na lang si Ela."

Nakita pa niyang nagtinginan ang dalawang kaibigan. Ilang oras na ang mga itong nandito. Sinamahan talaga siya kahit alam niyang may mga importanteng trabaho.

"By, di ba may fitting ka pa? Ikaw Pi, may trial makeup ka ngayon." Sabi niya. Kahit naman itago sa kanya ang mga natutunungang phone ng mga ito, alam niya. Kailangan na nang mga itong umalis.

"Girl, hindi. Baka kapag gomorabels kami, ikaw naman ang lu-may down dyan sa hospital bed. Hitsura mo oh, mukha kang the walking dead." Sabi ni Byron. "Asan na si sisterette? May julay. Junakis niya si Miggy pero cannot be found?"

Huminga siya nang malalim.

"Ok lang. Baka nasa work pa." Palusot niya. Hindi sumasagot sa tawag niya si Ela. Nakailang text na rin siya. Pati yon inaalala niya. Baka kung ano nang nangyari.

"Go na nga kayo, baka magalit na mga clients niyo." Ngumiti siya ng pilit.

"Vi naman eh."

"Sige na, babalitaan ko nalang kayo." Taboy niya uli. Napakalaking abala na ang ginawa niya. Hindi niya alam kung paano siya makakabawi.

Nakita niyang bumuntong-hininga si Byron tapos tiningnan uli si Pilar. Nagkibit-balikat naman ito.

"Babalik kami, gurl ha. Sandali lang naman yon. Nauna na rin naman doon si Joey."

"Wag na, baka abutan kayo ng bagyo."

Tumango lang Pilar kahit mukhang pilit. "Sasabihin nalang din namin kay Madame Angelu."

"O-Ok." 

Si Tita Angelu. Tama, matutulungan siya noon. May ipon naman siya for emergency kaso sa private hospital nadala si Miggy. Panigurado masasaid na naman ang kaban, kakabayad lang din kasi niya sa tuition ni Germalyn. Medyo nakakahiya nang humingi na naman ng tulong pero mukhang kailangan.

"Gora na kami, ha." Sabi ni Byron. "Papadala kami ng lafang dito para makakain ka na. Bumorlogs ka na pagnag-arrive na si Elabels."

Lumapit siya at yumakap sa mga ito. Mabuti nalang talaga at nandito sila. Hindi niya alam ang gagawin kung wala itong dalawa.

"Salamat mga bakla."

"Gaga, babae ako. Si Byron lang yun. Lutang ka na nga." Singit ni Pilar. Natawa naman siya kahit papaano.

Sinundan niya lang mga ito ng tingin habang papaalis na. Nang makalayo na ang mga ito, binalik niya ang tingin sa pamangking natutulog parin.

Mahimbing na. Napagod din siguro sa kakaiyak. Namamaga parin ang mukha. Natusok pa sa kamay nito yung swero.

"Sorry na Miggy ha." Marahan niyang hinaplos ang buhok nito. Naala pa niya yung kanina. Siya yung parang hihimatayin dahil sa pagtusok ng mga nurses ng karayom sa kamay ng pamangkin. Nilkasan nalang niya ang loob kahit takot siya sa injection. Hindi siya pwedeng manghina dahil siya lang naman ang aasahan ni Miggy nung panahong yon.

Sleep Baby, Sleep (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon