Pikot

1K 44 6
                                    

"Hindi, sandali!"

Nakita naman niya ang biglang pagtakip ni Byron sa bibig ni Pilar. "May bata dito, gaga!"

Lalo tuloy nanginginig ang tuhod. Malapit na siyang matumba. Buti nasa likod lang si Ito at inaalalayan siya.

Jusko, ano ba tong naabutan ko?!

Akala naman niya ay surprise birthday party. Surprise nga, iba lang dahilan.

"Ate, anu ba.." Sabi pa ni Ela na may halong irap. Halatang dismayado. Kunwari pa, nauna naman ito sa kanya kumerengkeng.

"Are you alright, Viviana? Nakita namin yung news kanina. You were there, right?" Tanong ni Tita Angelu na unang lumapit. Nakafull outfit and make-up with matching puting panyo na pamunas ng luha. Gobernadora lang ang peg.

"Ok lang po. Kasama ko po si Ito."

Pinilit niyang tumayo ng tuwid kahit hirap. Hindi naman sa dapat niyang i-secret ang naganap sa kanila ni Ito. Alam niyang malala ang magiging consequence nun.

"But is...it true, Viviana." Nakahawak pa sa dibdib si Tita Angelu habang tinatanong yon. Halatang windang talaga. "That you had--"

"Aba'y sa wakas at lumandi na rin! May nakabali ng sumpa. Akala ko'y matutuyuan na din ng matres!" Sabat naman ni Tita Ana na may hawak na pamaypay. "Mukha mayaman naman yang nabingwit. Sige na, tuloy na, iho. Kelan nga ba ang kasal?"

Yan. Sabi na. Kasal agad.

"Mommy, what is kasal?" Tanong naman ng pamangkin kay Ela.

"Mag-aasawa na Tita mo."

"Wala nang mag-give satin ng food?"

Napakagat siya ng labi sa nasabi ng pamangkin. "No Miggy. Bibigyan ka parin ni Tita ng food." Jusko. Pati bata nagtatanong na.

"What happened ba? We're both of you drunk?" Nalipat ang atensyon niya kay Tita Angelu.

"You can't walk. May bandage ka sa ulo. Carlito, what did you do to my niece?! I'm going to sue kapag di mo siya pinakasan!" Eksaheradong sambit nito. Nanlaki pa ang mga mata.

"Ah hindi nga Tita! Wala nga po." Madiing tanggi niya uli.

Ba't ba kasi ganito? Masyong big deal ang pagkawala ng virginity niya.

"Wala diba, Ito?" Napatingala siya dito Hindi kasi nagsasalita. Mukhang nagitla at nagugulumihanan na din.

"Ito, huy!"

Kailangan niya ng tulong. Sana naman ay sumagot ito nang maayos.

"Pasensya na po kayo. Pananagutan ko po ang nangya--"

Di natapos ni Ito ang sasabihin dahil siniko na niya ang tyan. Pero dahil sa height, sa iba yon tumama. "Ah---"

"Sorry..sorry naman." Sabi niya kay Ito na namilipit sa sakit. Sumakto sa balls. Putcha naman kasi eh.

"Umayos ka. Pipikutin ka nila." Bulong niya.

"A-and so?"

"Ha?"

Wait a minute. Yun ba ang goal ng balbong mamang to? Magpapikot? Kaya biglang naging aggressive kagabi?

Oh my god.

Hindi siya handa sa ganun. Jowa nga nagdadawang isip pa siya.

"Hello. Magandang araw po." Biglang sabat ni Rosaria na kakapasok palang ng pinto. Yung mga bakla niyang kaibigan, sumalubong naman.

"Aba't...teka." Ba't ganon? Siya ang tropa ah.

"Mami Rose!" Si Byron. "Thank you pala nang marami kagabi!"

Sleep Baby, Sleep (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ