Migraine

1.2K 39 8
                                    

-I can't come tonight, Vi. May check up si Carrie. Sasamahan ko. Can I come by tom?

-It's ok Daddy.

-Ok see you. I love u.

Shutangina, ba't ganito magpakilig ang mamang balbon na ito, naisip niya. Para tuloy siyang nakikiliting ewan. Parang true mag jowa na sila. Inuupdate siya sa lahat ng ganap sa buhay.

"So..anong nang status niyo, Viviana?"

Natawa nalang siya sa tanong ni Pilar. Dumukwang pa ito malapit sa table niya para talaga makichika. Nakita yata na napapangiti siya habang nagbabasa sa phone.

Pero ano nga bang status nila ni Ito? MU? FUBU? Nagkakaintidihan sila pero walang label.

Umiling nalang siya dito sabay pasimpleng lapag ng cellphone. "Nu ba, Pi. We're working kaya."

May bagong wedding ngayon na naman na pinagkakaabalahan. Iaayos niya ang mga na ipre-present sa bride and groom mamaya. Tumatambak na ang trabaho dahil mag De-December na. Halos dalawang buwan lang ang preparations.

Di niya alam kung bakit ang daming magjowa ngayon na mahilig sa mga last minute. Pinipilit na nga siya ni Tita Angelu na mag-fulltime uli sa company nito. Kaso sayang naman mga freelance works niya. Mas malaki kita niya doon, hawak pa niya oras kaya namama-manage niya kahit madaming ganap.

"Curious lang naman aketch, Viviana. Pangiti-ngiti ka dyan, eh."

Ngumisi nalang siya. "Secret."

"Shuta naman, may ganon ka na? Secret talaga?"

"Di parin yan mag-talk Pi?" Sabat ni Byron. Nakaharap ito doon sa manikin habang may fini-fit na gown para sa bagong display. Kinuha ang gunting at winagay pa.

"Hay nako baks, waley o. Ikaw kaya."

"Ge. Hawakan mo. Bawasan na natin talampakan para umamin."

Nanlaki ang mga mata niya. "Hoy! Pandak na nga eh, grabe siya!"

Minsan itong si Byron, masyadong brutal kung mag-joke.

"Eh ano nga, shutaca. Ilang buwan mo na kaming pinanghuhula sa inyo eh. Ano? Wagi o sawi?"

"Ano nga kasi..." Singit ni Pilar. "Nagalugad na ba ang masukal na gubat? Nabiyak na ba ang mahiwang bayabas? Nasisid na ba ang perlas ng mamamasa-masang kabibe?"

"Dafu--hah?" Though sanay na sanay na siya language ng mga kaibigan, minsan nagugulimihanan parin siya.

"Kung nag-splok-splok na daw kayo ni Ito." Sabat uli ni Byron. "Pilar, ayus-ayusin mo nga kasi yung question!"

"Di ka na ba talaga virgin, Vivi girl? May naganap na?" Tanong ni Pilar at kumindat pa.

"Ay may genern?" Nguso niya. "Big deal ang aking hymen?"

Pero shet. Ngayon lang niya na realize yon. Di na nga talaga siya virgin. Isa na siyang ganap na babaeng maharot.

At thirty years yun bago nakuha. Shet na yan, muntik na pala di umabot sa pagsasara ng kalendaryo. Buti di kumunat yung pepe niya.

Ay wait. Kaya siguro mega dugo noon, naisip niya. Oh my gosh..ew.

"Di naman sa ganoon Viviana, no. Wala kameng pake sa pekpek mo, lalo na me, aanhin ko yang bilat, no," si Byron uli. "Baka lang jumobo nalang nang surprise ang matres mo same as Elabels nun. Para di na kami mag-a-assume na immaculate conception kahit di ka banal."

Ngumuso siya. "Junakis agad?"

Pano kaya mangyayari yun eh hindi na nga naulit yung session nila Ito. Lagi na kasing nakabantay si Ela kapag dumadalaw yon sa bahay. Pag wala naman, sila ang ginagawang yaya ni Miggy. Nanandya, pansin niya.

Malungkot tuloy si pepe. Naka seven na pumps lang si Ito doon sa first time nila. Di na uli nakaentrance. Baka mapunit na uli sa susunod kasi din na na i-stretch. Plano na nga niyang gamitin yung mga dildo para makapag-practice.

"Pero ang mahiwang tanong. Kayo na nga ni Fafa Ito? Sumagot ka." Tanong uli ni Byron.

Nagkibit-balikat lang siya at bumuntong-hininga. Di talaga sita makakalusot sa mga kaibigan niya. "Hindi."

"Nanliligaw?"

"Yata."

"Gaga ka. Bakit di mo pa sinasagot?"

"Mahabanging langit, Viviana! Green flag si Ito. Fafa na mabait pa. I second the motion, ba't nagpapatumpiktumpik ka pa?"

"Pilar, it's complicated."

"Ay sus. It's complicated chumaribels mukha mo." Sabat uli ni Byron. "Vivi, majonda ka na para magpabebe. We knows na like mo si Ito. Boto na din kami. So what's the issue now?"

"Hindi yon..." Aniya. Huminga siya nang malalim at tumigil na sa pagtipa sa laptop.

"Marami akong inaasikaso kasi. Ayaw ko lang mag-commit." Seryosong sambit niya. "Alam niyo naman na priority ko ngayon yung mga kapatid ko. Katatapos ko lang mabawi yung farm saka kakabayad ko lang nung utang ni Daddy."

Ito naman kasing magaling niyang ama, imbes na yaman ipamana, utang pa. Buti nga at di tuluyang nailit yung bahay nila. Kaso di pa sila stable ngayon, di pa nakakatapos si Germalyn saka wala pang maayos na trabaho si Ela.

"Vivi, tanders na din mga sisterettes mo para asikasuhin pa. Makapal na mga pubic hairs nun unless mag wax." Sabat ni Pilar. "May sariling life na yung mga yon."

"Hanggang kelan mo magiging kargo yung mga sisters mo, Vi? Hanggang maging senior citizen ka na? Hihintayin mo pang grumaduate ng college si Miggy kahit kinder palang yung bagets?" Sabi ni Byron.

Medyo napaisip siya doon.

Naalala niya yung sinabi ni Rose, gusto na ni Ito na magkapamilya na. Kitang-kita niya din yon kapag nandoon si Ito sa bahay, tuwang-tuwa kasi laging nakikipaglaro kay Miggy. Parang excited maging daddy.

Lalo pa ngayon. Naikwento pa sa kanya nito na buntis na si Miss Carrie. Kahit na hindi pinapahalata ni Ito, alam niyang naiingit. Naunahan pa kasi nung kapatid. Bigla kasing nagkokontrabida look kapag nababanggit yung salitang buntis.

Paano kung di na siya nito mahintay? Pano kapag nakahanap na ito ng iba?

Should I take this chance na ba?

Napalingon siya sa kalendaryo.
"November twelve." Nasambit niya.

"Huh? Ano yon, Vi?" Sabi ni Pilar na mukhang nagpanic. "Wala pang naka-book doon. Hala meron ba? Nakalimutan ba?"

"Ay hindi. Naalala ko lang. Birthday ni Ito yon."

"Gagang to. Naloka ako sayo!"

"Pero wow. Nasa reminders na." Sabi naman ni Byron. "I can smell something. Ayieeeeee."

"Grabe naman." Sabi niya. "Lapit na din kasi. Kaso wala akong maisip na gift. Ang mahal ng gift niya nung birthday ko."

Nagkatinginan naman ang dalawang kaibigan. Tapos biglang ngumiti sa kanya na mukhang may binabalak.

"Gift daw, bakla."

"This is it na ba?"

"Yes. This is it na."

Napakurap siya. Napalunok din.

"A-anong gagawin niyo sakin?"

Sleep Baby, Sleep (Completed)Where stories live. Discover now