Kapeng Mainit sa Tag-init

1.6K 52 3
                                    

"Kuya. Grabe, nakakahiya ka kanina."

Napangiwi si Ito sa sinabi ni Carrie. Nadinig na naman niyang magreklamo ang nakakabatang kapatid habang nakasunod siya dito. Naglalakad na sila papunta sa parking lot kung san siya nag-park.

"Buti mabait si Miss Vivi at di nagreklamo sayo."

Oo na. Siya na may kasalanan. Malay ba niyang maabutan sila sa ganoong posisyon ni Vivi. Sinalo lang naman niya dahil nahulog. Natamaan na nga siya ng mabibigat na kahon. Masakit na nga ang likod niya tapos ganoon pa yung maririnig. Dapat siya nga yung nagrereklamo ngayon.

Pero oo nga, buti at itong si Vivi maayos namang makisama. Di na pinalala pa yung sitwasyon. Akala niya magpagbibitangan na naman siyang rapist.

Kailangan din pala niyang mag-sorry sa babaeng yon. Kung ano-ano din kasi iniisip niya. Hindi niya din maintindihan sa sarili kung bakit siya umakto nang ganoon kanina. Para kasi siyang di mapakali dahil sa pag-arte nitong hindi siya kilala.

Tsk. Bakit nga ba?

"Ano ba kasi nangyayari sayo? Ang clumsy mo!"

Ikaw, ang taray mo. Sasabihin sana niya kay Carrie pero pinagilan na niya ang bibig.

Mainit ang ulo ng bunso, alam niya. Malamang dahil hindi dumating si Leo dahil may biglaang mahalagang meeting tong isa. Hindi rin dumating tong mga bridesmaid na mga pinsan ng ulupong. 

Sa tingin niya nanadya na. Alam naman niyang ayaw ng pamilya noon ang kapatid niya. Ang tataas nang tingin sa sarili ng mga yon porke galing sa mayamang angkan. Mga matapobre.

Sinabihan kasi niya si Carrie na wag nang isama sa entourage, okay na si Rosaria lang yung maid of honor. Hindi naman nila ka-close nung mga yon. Kahit sila-sila nalang. Kayang-kaya naman niyang gastusan. Malaking pamilya sila. Maraming mag-aambag. 

Kaso mapilit yung byenanng hilaw ni Carrie. Kailangan daw magarbo. Tapos etong mapapangasawa naman, di mapagsabihan. Ang sarap kutusan.

Kasal palang yon, nagkakaproblema na. Paano pa kaya pag mag-asawa na yung dalawa.

Sinundan nalang niya si Carrie hanggang makarating sa parking. Usapan sana si Leo na ang maghahatid sa kapatid niya. Kaso ayon nga, nang indyan.

"Nakakainis." Sambit uli ng kapatid.

"Alam ko." Sabi niya. Nakita naman niyang tumigil ito sa paglalakad at lumingon sa kanya.

"Kuya?"

"Di na ako magsasalita pa sa ulupong na yon saka sa pamilya niya. Malaki ka na at alam mo na ang ginagawa mo." Aniya. "Pero Carrie, nasa likod mo lang ako. Kung aayaw ka, magsabi ka lang."

Umiling ito at ngumiti nang pilit. "Umuwi na nga tayo."

Sabi na.

Alam naman niyang mahal na mahal ni Carrie yung gunggong. At alam din niya na matigas ang bungo ng kapatid niya. Independent masyado. Matapos ngang maka-graduate ng kolehiyo, ayaw nang magpasuporta sa kanya.

"Ihatid na kita."

Umiling si Carrie ng buksan ang kotse. "Di na Kuya. Kaya kong mag-drive. Saka may pupuntahan din akong friend."

"Sino?" Yung mga bestfriend naman nito, nasa Dubai pa ngayon. Wala siyang kilala pang kaibigan nito na andito pa sa malapit.

"Sa kaklase ko lang nung highschool."

Saan naman kaya to pupunta? Naisip niya. Pero buti na yon kaysa naman magmukmok na naman.

"Bye-bye, tawagan ko nalang kayo mamaya."

Sinundan lang niya ng tingin nang umalis na ang sasakyan nito. Hindi na talaga siya masanay na matanda na ang kapatid niya. Ang bilis ng panahon. Pakiramdam niya di pa siya nakakabawi dito nung panahong nasa ibang bansa pa siya.

Tapos ngayon mag-aasawa pa. Wala na, napag-iwanan na talaga siya.

Huminga nalang siya nang malalim at tumalikod. Pero bago pa siya makahakbang, may isang maliit na kamay ang biglang humawak sa braso niya.

"Daddy."

Napatalon pa siya sa gulat, akala niya may multong bata na.

"Vi...Vivi." Napahawak siya sa dibdib nang makilala kung kanino ang kamay na yon. "A-ano ba? Ba't ka andito?"

Nadinig din niya ang ilang hagikgik sa di kalaluyan. Nandoon din pala ang mga kaibigan nito na tawa-tawa. Nanonood sa kanila.

Napangiwi siya dahil napahiya. 

Ano ba naman kasi tong babaeng to? Sulpot ng sulpot. Parang kabute. 

Buti cute.

"Grabe siya." Nakita pa niya ang pag-pout ng labi ni Vivi. Lalong lumobo  yung pisngi. "Nakakatakot ba ako? Mukha ba talaga akong tyanak?"

"Hin--Hindi. Ano ba?! Ano bang kailangan mo?!"

"Ba't mo ko sinisigawan?!" Singhal nito sa kanya.

Napakamot siya ng ulo. Di naman, sadyang mapalakas ng boses. Nagulat lang talaga siya.

"Ano ba kasi?" Mas malumanay na ngayon yung pagkakasabi niya. "Bakit nga?"

Ngumiti si Vivi. Lumabas yung malalim na dimples sa pisngi. Pinigilan niya ang sariling kurutin yon.

Shit. Ano bang nangyayari sakin?

"Kape tayo? Treat ko." Sabi nito.

"Hindi ako interesado sa networking."

Ngumuso uli si Vivi. Namula ang buong mukha. Tapos namewang pa. Nagmukhang pokemon. Na-offend yata sa sinabi niya.

"Ang sama mo."

Tangina. Ang cute talaga magalit. Sarap kurutin

Napatakip siya ng bibig. Hindi niya maintindihan kung paano niya naiisip yung mga yon.

"Kung ayaw mo, di wag. Wag mo na ko i-cha-chat uli, ha. Di ko na ipapakita yung mga siopao ko. Wag mo na din ako papadalhan ng mga pandesal mo. Salamat nalang sa lahat!" Sigaw nito sabay talikod. Mabilis pang naglakad papalayo.

The f--

Agad naman niya itong hinabol at inabot ang braso. Muntik na nga niyang mabitbit pabalik. "Oy, oy, teka."

"Ano, magkakape na tayo?"

Tumango siya. Lumingon siya doon sa mga kaibigan ni Vivi. Bigla namang nawala yung mga yon na parang bula.

"Tayo lang. May ibang lakad sina Pilar." Sabi ni Vivi. "Saka pang isang tao lang kaya ko ilibre ngayon. Masisiba mga yon, kulang budget ko."

Tumango siya uli at napangiti. Mukhang alam na niya.

"So it's a date?" Tanong niya. Agresibo talaga ang mga babae ngayon. Hindi naman siya nagrereklamo, di lang niya akalain dahil sa hitsura nito.

"Date mo mukha mo." Sagot ni Vivi sabay irap. "Hindi, ah."

Tumaas ang kilay niya. "Talaga?"

"Oo na. Date na nga." Maktol nito, pumadyak pa.

Nakakagigil na. Baka kung saan na niya mabitbit ang babaeng to. Kailangan talaga niyang pigilan ang sarili niya.

"Tara na, Daddy?"

Napailing siya at ngumiti.

"Let's go."

Sleep Baby, Sleep (Completed)Where stories live. Discover now