Minamalas

922 38 7
                                    


"Esguerra! Hey! Dito!"

Maingay na at madami nang tao. Halos puro lasing na ang mga sa paligid nang makapasok siya uli sa loob ng bar. Napupuno na ng usok at mga nakakasilaw na ilaw. Di na nga niya makita yung tumatawag sa kanya.

"Hoy!"

Lumingon siya sa bandang taas at nakita niya si Dimaguiba. May bote nang hawak at mukhang enjoy na enjoy na sa mga nagaganap.

Pambihira, kanina pa niya hinahanap, bangag na pala. May inasikaso pa kasi kanina kaya pinauna na niya tong isa. Kinailangan niya munang umalis.

Naabutan niya si Kristina kanina na nakikipag-inuman na naman sa tropa nito dito mismo sa bar na yon. Sa dinami-daming pagkakataon ay ngayon pa talaga. Kailangan pa niyang iuwi dahil lasing na lasing na. 

Kahit anong paalala niya at kahit ilang beses pang sabihin na masama iyon sa katawan di talaga niya mapigilan. Mabuti nalang at may susi pa siya ng condo nito kaya pinasok niya lang doon saka niya iniwan. Kaysa ibang tao pa ang maghatid. Madaming masasamang loob ngayon.

"Sino yun, Buds? Si Ito?"

Kinabahan siya nang matanaw yung isa sa kaibigang lalaki ni Vivi sa tabi ni Dimaguiba. Yung Byron. Kasama pa yung boyfriend na photographer.

Ibig sabihin nandoon na rin si Vivi. Nasa paligid lang siguro.

P*tcha. Nakakahiya, late na late na. Isang oras din ang sinayang niya.

Sinuklay niya ang buhok at siniguradong presentable ang hitsura. Kailangang hindi siya mukhang sanggano ngayon. Hindi siya pwedeng pumalpak. Espesyal ang araw na to at--

"Vivi girl go! One more!" Nadinig niyang sigaw ng isang babae.

Natanaw naman niya si Vivi na na nakikishot sa may bar kasama yung Pilar. Napapalibutan ng mga lalaki na di niya namumukaan. Mga estudyante pa sa tingin niya.

Itinaas ni Vivi ang shot glass pagtapos lagukin ang huling laman. Naghiyawan naman ang mga lalaking nasa paligid. Nakasuot pa kasi ng maiksing damit tapos nakalitaw yung likod. Agaw atensyon talaga lalo na at kitang kita ang kaputian.

Ano bang nangyayari?

Nakita niyang may binulong si Pilar kay Vivi. Napalingon naman ito sa kanya.

"Vi--" Di na niya naituloy.

Kitang-kita niya ang pag-irap nito. Kakaway pa sana siya pero itinaas lang nito ang kamay tapos nag-middle finger.

Napakurap siya. T*ngina. Bakit? Ano na talagang nangyayari?

Mabilis niyang nilapitan si Vivi at hinawakan ang braso nito. 

"That's enough, Vivi," bulong niya. May problema talaga siya sa mga babaeng lasing ngayon.

"Hanuuuubaaaa," sambit lang nito sabay hawi sa kanya. Humarap ito sa kanya humalukipkip. "Nangengealam?"

"Vi, lasing ka na."

"Aren't we suppose to be drunk in this kind of place, Daddy?"

"Hala. May tama na. Umiingles na ang gaga," komento naman ni PilarUmirap ito uli kanya sabay lakad papalayo. Napasuray pa ng kaunti at nilagpasan na siya.

Nakita naman niya si Pilar na umiling.  "Ikaw kasi eh," sabi pa nito sa kanya bago sundan si Vivi. . Inalayan pa nito ang kaibigan na lumakad doon dahil natatapilok pa. 

"Pre, sayang dumating yung father."

"She's a ten pa naman pare."

"Did you get her name, dude?"

Sleep Baby, Sleep (Completed)Where stories live. Discover now