Ang Sumpa

2.5K 60 25
                                    

"Ano, Viviana Vittoria Nepomunceno? Totoma pa?"

Napangiwi siya sa boses ni Byron habang umiinom ng hot coffee. Maka full name talaga?

Kanina pa siya nito pinapaulanan ng litanya. Lalong sumasakit yung ulo niya.

Kanina parang wala lang naman iyon. Delayed reaction naman ang katawan niya sa hangover.

"Jusko! Nagpanic ang ganda ko sa kakahanap sayo, alam mo ba yon?" Sabi nito. "In ten minutes lang, bigla ka nalang nag-disappear into thin air!"

Ngumuso siya. Medyo OA lang talaga. "Nagpaalam naman ako ah."

Parang nanay lang kung mapagsabihan siya. Sabagay sa tropa niya, si Byron yung pinaka-nanaynanayan talaga. Laging takbuhan para hingan ng advice-advice. Minsan kadatungan na din. Tapos taga-alaga pag nagkakainuman.

"Nagpaalam ka? Nagpaalam ka?!" Banat pa uli nito. "Gaga, paalam mo boborlogs ka na sa kotse ko. Pero sa ibang kotse ka gumora. Magkakawrinkles ako sayo, shuta ka!"

Umirap siya. "Galet na galet, Gustong makanet?"

"Lukaret ka din." Hinila nito ang ilang hibla ng buhok niya saka pabagsak na umupo sa tabi. Napangiwi siya sa sakit. "Di ka lang sa height ng kulang. Sa brain cells din."

"Aray, naman. Walang damayan ng tangkad. Ang sama mo."

Sinuklay niya ang buhok. "Saka wag ka ngang maingay. Madinig ka ni Miggy, mahawa pa sa bibig mo."

Umirap lang si Byron sa kanya. "Where na ba yung junakis ng sisteret mo?"

"Asa taas. Nagro-roblox."

Gamit na naman laptop niya. Mukhang kailangan na niyang bumili, medyo luma na rin yon.

Tapos may bayarin pa pala siyang tuition ni Germalyn na bunso nila. Second quarter na. Mabuti kung mag-aabot si Ela. Kaso parang kulang pa kay Miggy yon.

Ang hirap maging ate talaga. Sana lang malakas raket niya ngayon.

"Hayaan mo na siya, Byr. Mukhang kind person naman yung nag-uwi sa kanya." Sabat naman ni Pilar. Hawak nito ang cellphone. May hinahunting na naman na guy sa tingin niya. Baka yung lalaki na jumoin sa table nila kagabi bago siya umalis, type yata.

Tapos malamang hihingan ng limpak-limpak. Tapos iiwang luhaan.

Napailing nalang siya nang kaunti. Itong si Pilar, may matres naman pero tulad ng sabi ni Byron, daig pa ang bading kung ma-fall.

Kaya ilag siyang magka-jowa. Living proof yung mga nakapaligid sa kanya ng problema sa mga lalaki.

Si Pilar, dakilang mamasang ng taon. Si Byron, mahal daw, di naman mai-all out dahil conservative ang magulang ng jowa. Tapos si Ela, iniwan matapos buntisin.

"At impeyrnes, ah. Fafa. Malaki ba notashiwa noon, girl?"

"Sabuyan kita nitong kape, you want?" Sagot naman niya kay Pilar sabay ngiwi. "Kanina ko pa sinasabi na walang nangyari diba?"

"May otoko pa palang di napatol sa babaeng lasing, no?" Si Byron uli.

Nagkibit-balikat siya. Loyal nga kasi sa jowa. Ano kaya hitsura noon? Yung Katrina...o Kristina. Ah ewan. Malamang dyosa level yon. Di naman lang pinansin ni Ito ang pagka-diwata niya.

"Ay! Byr! Look mo!" Biglang sigaw ni Pilar sabay hampas sa katabi.

"Shuta ka! Ano yun?" Lumipat naman ito sa likod ni Pilar at sumilip doon sa phone. Tapos nagtitili na ang dalawa.

Napakunot siya ng noo sa pagwawala ng mga ito. Ano na naman ba nakikita?

"Hoy! Yung kalandian niyo sa pamamahay ko, paki-check!" Dumukwang siya at mabilis na hinablot ang iphone ni Pilar. Tumabad sa kanya doon yung picture ni Ito sa instagram.

Napataas siya ng kilay. Ito pala ang kinabibisihan ni Pilar kanina pa. Nang-stalk na talaga.

Nag-scroll siya. May picture itong naka-upo sa tabi ng poolside at nakalugay ang buhok. Meron sa beach at topless, may hawak na surfboard. Meron ding nakasuot ng suit at naka manbun ang buhok.

"My god. Sana ako nalang pala naligaw ng kotse." Si Byron. Lumipat na pala sa likod niya at umisyoso. "Mowdel ba siya. Kamuka ni Jason Mwahmwah ha."

"Anong mwah mwah?"

"Gaga. Si Khal Drogo na magaling mangabayo. Si Aquaman na mahilig sumisid. Tagabundok ka, ghurl?"

"Momoa yun, shunga!"

Nagpailing nalang siya sa pagtatalo ng dalawa. Infairness. Totoo naman. Maganda yung mga kuha. Mukha itong mahinahon tingnan doon. Mukha talaga kasing kontrabida sa lumang action movies yung datingan nito sa personal.

Binawi ni Pilar ang phone sa kamay niya. "Nuba.."

"Jusko kasi. Nasa tabi mo na buong magdamag. Di ka pa nanawa?"

Napakamot nalang siya ng ulo. Kahit gustuhin niya, imposible yun.

Kapag napapalalim tulog niya, kahit anong gawin di siya nagigising. Kaya din siya madalas late sa school noong nag-aaral pa. Saka noong nagtratrabaho na siya. Di effective yung normal na alarm pampagising.

Napilitan din tuloy siyang kunin yung cellphone sa tabi at i-check din si Ito. Nakaka-curious lang.

Sa facebook niya ito hinanap. Nakita naman niya agad dahil same lang noon yung mukha nito sa instagram. Nakaprivate nga lang at wala siyang makitang post.

"Sa Hawaii, to beh." Sambit ni Pilar. Nagscroll parin ito sa nga pictures ni Ito malamang. "Afam?"

"Nanagalog kanina, shuta." Si Byron ang sumagot.

Huminga siya nang malalim. Nagdalawang-isip pa siya para i-message. Baka isiping type niya.

Hmp. Bahala na.

Mabilis siyang tumipa.

-Hi Daddy.

Ngumisi siya. Naalala niya yung reaksyon nito kanina nung tinawag niyang ganoon.

"Byr, tangkad sobra." Sambit ni Pilar. "Nakita mo ba yung kanina. Sumakit neck ko. Ang laking mama ano? Mga six feet mahigit siguro."

"Edi bagay nga kay Vivi." Sagot naman nito. "Pagbini-bj na niya, di na kailangang lumuhod."

"Tangina kayo ha!" Ang sarap talagang buhusan ng kape 'tong mga to.

"Te!" Sigaw ni Ela galing sa kusina. Mukhang gawa na yung lunch. Ito naman kasi madalas magluto at maglinis sa bahay nila. "Luto na adobo!"

"Ay, bongga. Tara lafang na." Nauna pa si Pilar na tumayo sa kanya. Sumunod din si Byron.

"Bahay nyo?" Hindi siya ng nga ito pinansin at dumiretso sa dining.

Dapat talaga isama na niya sa budget tong mga kaibigan niya. Every weekend nalang nakikian sa bahay.

Napakamot nalang siya ng ulo. Andami na nga niyang bayarin pa, dagdag pa.

Tatayo na sana siya ng tumunog ang notif ng phone. Agad niya itong kinuha.

-Vivi?
-Please don't call me daddy.
-Ever.

Napangiti siya. May kung ano sa puso niya ang tumalon.

Pero agad ding napawi ang mga yon nang maalala niya ang isa sa di niya malilimutang mga salita na binigay sa kanya. Yung bruhang stepmother niya talaga!

"Viviana! Masyado kang mapiling bata ka! Napahiya ako sa kumare ko! Sinusumpa ko talaga, hinding-hindi ka magkaka-boypren! Poreber!"

Sleep Baby, Sleep (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin