Crime Scene (SPG)

2.3K 47 19
                                    

Author's Note: May dinagdag ako doon sa last chapter. Sorry namali ng cut, hahaha. Pakibasa muna bago mag proceed dito para di po kayo malito. Sorna. Labyuol.

Another Note: SPG. Mahigpit na pinagbabawal sa minors. Mag modules muna kayo ahihi.

Napabuga ng hangin si Vivi nang makarating na sa bahay nila. Napakabilis nang pangyayari at di niya parin naproproseso ang lahat.

Galit dapat siya kay Ito. Naiinis dapat siya. Kaso nag-disappear lang yon nang isang iglap nung nahalikan siya. Isa na siyang certified marupokpok talaga.

Binuksan na niya nang mabilis ang gate. Mabuti at may extrang susing nakabaon sa mga paso ng halaman na ginagamit nilang magkakapatid for emergency. Mega kalkal pa tuloy siya, kakahiya lang.

Sumunod lang sa kanya papasok ng bahay si Ito. Wala pa itong imik simula kanina. Kahit doon sa sasakyan tutok na tutok lang sa daan. Ang bilis din kasing magpatakbo, pakiramdam niya nakikipagkarera na. Buti at nakarating pa sila nang matiwasay.

Napasimangot siya pagbukas ng mga ilaw ng bahay. Walang tao, nakalimutan na talaga ang okasyon. Umasa siya kahit papaano na may pa surprise something ang mga kapatid pero wala. Lagi naman.

"Wait lang ha." Sabi niya kay Ito sabay hubad ng heels. Pumunta muna siya sa kusina para maghugas ng kamay.

Palibasa si Ela mahilig magmake-up kahit naghuhugas lang ng pinggan, may salaming naka-install doon.

Nakita niya ang ayos niya. Medyo magulo ang buhok at naharrass na ang make-up. Wala nang lipstick na natira pero namumula parin ang labi. Medyo plump pa nga. Siguro dahil matikabong aksyon nila kanina.

Hay nako! Paano nalang kung di siya nakapagpigil tapos may makakita sa kanila na may milagrong ginagawa.

Tapos may magbidyo. Tapos magka-scandal din sila katulad ni Miss Carrie. Tapos ilalabas sa pornhub.

Napakagat siya ng labi sa naisip niya.

Grabe. Ang sagwa nun. Low quality ang dating, ang pangit naman kasi ng lighting doon sa parking. Sana pala pumwesto sila doon sa mas maliwanag.

"Vivi?"

"Boldstar! Ay!" Napasigaw siya. Si Ito kasi biglang sumulpot sa kusina.

"Ah, sorry." Sabi naman nito. Napakamot pa ng ulo. Parang di pa nasanay sa pagkakagulatin niya.

"Birthday mo, asan yung mga kapatid mo?"

"Ummm wala nga sila eh....g-gusto mong mag...like...coffee?" Awkward niyang tanong. Pinunasan na niya ang mga kamay at lumapit.

Paano ba next nito?

Niyaya niya si Ito sa bahay after nilang magmomol. Hindi niya alam kung anong steps na noon after. First time niya to.

Saka medyo kinakabahan siya. Malaking tao si Ito. Pano kapag napipi siya kapag nadaganan? Saka yung ano...yung ano. Pero sabi naman nila Pilar karamihan sa borta juts lang. Kakayanin naman siguro ng pepe niya.

"We're really alone, huh?" Tanong naman ni Ito bago pa siya nakapagsalita. Humakbang pa ito papalapit sa kanya.

"W-wala...Wala nga sila nasa probinsya." Kabado niyang sagot. Ba't ganoon kasi? Nakakakilig talaga kapag nag-e-english. Ang lalim kasi ng boses.

"Good."

"May...umm...may gusto ka ba--"

Hindi na niya nagawang tapusin yon. Nawala na ang espasyo sa pagitan nila. Lumapat agad ang labi nito nito sa kanya. Nabuhat na rin siya at napaupo sa dining table.

Sleep Baby, Sleep (Completed)Where stories live. Discover now