Ang Baby ni Daddy

1.2K 37 14
                                    

"Heyyyyyy!!! Vivi!"

Napilitan siyang ngumiti nang makasalubong si Buds. Mukhang lasing na ito dahil mapungay na yung mga mata. Naka-lima nang bote sa tingin. Pang-anim na yung hawak nito ngayon.

"Hi." Tipid niyang bati.

"Hey!" Sabi nito uli sabay akbay. "Having fun?"

"Yep." Ngumiti siya nang pilit.

Kanina medyo na. Ok na siya. Nakakalimutan na niya ang mga hanash niya sa buhay. Nag-e-enjoy na siya. Kaso biglang dumating uli yung gwapong kapreng yon.

"Oh. So nagkita na kayo ni Esguerra?" Tanong nito sabay nguso doon sa pinanggalingan niya.

"Hah?"

"Ayun...nakabantay sayo." Napalingon siya tuloy.

Ay shit, bakit ko nilingon? Nakakainis.

Nakakainis kasi kahit inis siya di niya mapigilang titigan.

Nakakainis yung matapang na tingin. Yung pagkunot ng noo. Yung sa pag-ingiting ng panga. Yung pagflex-flex ng muscle. Yung paghawak nito ng railings ng bar nang madiin kaya lumalabas yung mga ugat nito sa braso.

Oh...Daddy hold me like that...ah...

Agad niyang iniwas ang tingin.

P*tangina! Ang sarap magmura with feelings. Hindi niya akalaing ganoon siya karupokpok.

No. Maraming lalaki. Maraming choices. Hindi lang si Ito ang nandito. No. No. No.

"You're not happy. Inano ka nun?" Bulong ni Buds. Napansin ata yung biglang pagsimangot niya.

"Yaan mo na yan. Lika na." Sagot niya sabay hila dito doon sa may dancefloor. Andoon sina Byron ngayon kasama si Joey.

"Oh, Pipi! Hey!" Sigaw Buds nang makita si Pilar na papalapit na rin. Doon naman lumipat ng akbay.

May tama na talaga. Nakikipag-flirt na sa kaibigan niya. Ito namang si Pilar, g na g na din. Sabagay single naman pareho.

Kaso siya na ang walang partner.

Si Ito kasi! Grrrr!

Amoy usok na doon sa pwesto nila. Maingay na. Kanya-kanyang sayaw at tawanan. Si Byron nag-uumpisa nang magwala habang si Joey nakakikiride lang sa trip nito.

Naol may jowa talaga.

"Ba't ka nandito pala? Sino kasama ni Ito?" Tanong sa kanya ni Joey.

Napalingon siya nang tinuro nito yung pwesto ni Ito. Naningkit ang mga mata niya nang may nakitang matangkad at seksing babae na katabi. Nakipagyakapan pa. Tapos maya-maya nakipaghalikan.

Ang tindi rin. Kanina si Kristina tapos ngayon, kakalayo lang niya may ka-chukchakan na.

Sino na naman yon? Nakakainis na talaga. Ang daming babae!

"Lakompake, putangina niya." Aniya with feelings. Sabay talikod na rin.

Sumayaw nalang siya. Hinayaan nalang niya ang sarili na madala ng music at ng alak na iniinom. Birthday niya ngayon, dapat happy siya.

Tama naman si Pilar, maraming fafa doon sa bar na yon. Mukhang may mga datungz at pang alta.

Kung ayaw ni Ito, edi wow.

Medyo nakalayo na siya ng onti sa mga kasama. Mas ok yon, ayaw naman niyang maging third wheel. Medyo na windang lang dahil puro guys na ang nakapalibot sa kanya. Pero dahil desidido siyang lumandi ay hinayaan niya lang. Dedmakels lang siya at tuloy lang sa pag-sway-sway.. Hanggang sa naramdaman nalang niyang may nagsasayaw rin sa likod. Medyo masikip na kaya nakadikit na at kumikiskis na sa katawan.

Sleep Baby, Sleep (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon