Wag poh, Sir...

2.1K 55 15
                                    

Huminga nang malalim si Vivi habang naglalakad. Alam niyang kasunod niya si Ito.

Panigurado, tong mamang balbas-sarado yung irereto sa kanya ng Tita niya. Sa dinami-dami talaga lalaki sa mundo.

I'm so malas.

Malaking problema yon para sa . Ang alam ni Tita Angelu isa siyang babaeng marangal, mahinhin, di makabasag-pinggan. Maria Clara ang peg. Kaso nga at ang impresyon sa kanya ni Ito, Maria Ozawa.

Paano kung chumika-chika ang kapreng yon? Paano kung ikwento nito kay Tita Angelu kung paano sila nagkakilala. Kung paano siya namigay ng dede pics dito.

Baka itakwil siya ng Tita niya kapag nalaman ang lahat pinaggagawa. Siya pa man din ang lagi nitong pinagmamalaki na pinakamatino DAW sa kanilang magkakapatid. Ang pag-asa ng pamilya na maglalayag ng bandera nila. Mawiwindang sa kanya ng bongga, panigurado

Napakagat siya ng labi. 'No, be proffesional, Vivi.' Paalala niya sa sarili.

Saka niya muna iisipin. Bahala na. Kailangan muna niyang harapin ang trabaho. Gogora na siguro naman si Ito after the meet and greet.

"Vivi!"

Si Lisa yon. Assistant din ng Tita niya. Mas bata sa kanya at dalawang taon nang nagtratrabaho doon.

Malapad ang ngiti ng gaga. Tapos nang natuon naman ang atensyon sa lalaking kasunod niya, lalong ngumisi.

Kasabwat, ampucha.

"Hi, Sir Ito. Si Miss Carrie po nasa loob na. Pasok na po kayo."

"Ah. Ok, thanks." Tipid na sambit lang ni Ito. Tapos dumiretso na ito doon sa isa pang pinto papasok doon pinaka studio.

Huminga siya nang malalim at bumalik ang tingin niya kay Lisa. Parang sinilihan ang pepe ang loka.

"Vi! Gwapo tong bago, diba? Lakas ng dating no? Galing naming pumili ni Madame Angelu."

"Sorry. Di ko type." Nguso niya. Sabi na, eh.

"Choosy mo talaga, nakakailan na kami, ha." Ismid naman nito. "Kaya wala ka pading boyfriend."

"Ikaw wala ka paring boobs." Sambit niya bago niya ito talikuran.

"Grabe, nakaka-offend ka ha."  

Dadagdag pa kasi. Ka-chummy niya si Lisa minsan, aso pasmado bunganga. Nakakairita. Ang sarap sapakin.

"Hi, Good Morning." Bati niya pagpasok ng studio.

Nakita niya agad ang tiyahin. As usual, pretty parin kahit medyo pormal ang suot ngayon. Naka coif pa ang itim a buhok na walang anino ng white hair. Wala ding wrinkles sa mukha.

Hindi talaga halata ang edad. Mukha lang silang magkapatid.

"Oh, Vivi. Finally, you're here." Sabi sa kanya ni Tita Angelu sabay beso. "You look so good today."

Ngumiti siya. Alam na niya yun.

Prim and proper siya ngayon. Walang bahid ng kahalayan.

"By the way. This is the bride, Carmelita." Tuloy na pakilala ni Tita Angelu. "And her brother, Carlito."

Kaharap na niya si Ito ngayon. May kasamang babae sa tabi. Yun na yata yung sinasabi nitong kapatid.

Ngumiti siya. Infairness, ang ganda. Ang kinis, walang pores ang mukha. Maamo, mukhang Mama Mary. Ang layo ng mukha kay Ito na mukhang mafia boss.

"Hi, I'm Vivi. Nice to meet you, Miss." Malumanay at tipid na sambit niya habang nakikipagkamay. 

"Sir."

Sleep Baby, Sleep (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum