Gising na, Beh

4.7K 86 47
                                    

Naalimpungatan si Vivi sa liwanag na tumapat sa mukha. Umaga na malamang.

Ngumiwi siya.

Linggo naman ngayon at wala siyang naka-schedule na trabaho maghapon. Pahinga mode siya. Katatapos lang ng raket niya kagabi kaya nga nagawa pa niyang makitoma kina Byron. Mabuti naman at naiiwuwi siya ng mga ito sa bahay.

Hinapihap niya ang cellphone sa tabi. Wala. Baka napaglaruan na naman ng pamangkin habang tulog siya. Nakinood na naman ng Cocomelon. Kailangan talaga niya yong bigyan ng sariling phone para di na pakialaman yung kanya.

"Elaaaaah...Elaaa..." Tawag niya sa kapatid.

Kailangan niya yung phone. Marami pa siyang pending deliveries.

Napakamot siya. "Asan na ba yun?"

Kinapa niya uli ang tabi at may naramdaman siyang mainit na bagay.

Matambok. Mabuhok-buhok.

Nagmulat siya nang mga mata at natanaw agad ang ceiling fan sa kisame.

"Shet..."

Bumangon siya. Tiningnan ang buong paligid.

"Shet talaga."

Kulay puti at gray ang dingding. Pati na rin mga kakaunting gamit na nandoon. Maayos ang pagkakasalansan. Ang linis-linis. Walang kalat.

At hindi iyon ang kwarto niya.

"Putangina." Sambit niya sa sarili.

Dahan-dahan siyang lumingon kung saan nakahawak ang kamay niya. Nanlaki ang nga mata niya nang makumpirma kung ano yon.

Dibdib.

Matambok na dibdib.

Matambok na dibdib ng maskuladong lalaki.

Matambok na dibdib ng maskuladong lalaking nakahubo.

Napasigaw siya. Sa sobrang taranta ay nasipa pa niya ito. Malakas namang bumalagbag sa sahig ang lalaki.

"Shutanginamers! Sino ka?!"

Bumalikwas siya sa kama at hinablot ang unan. Binato niya ito doon.

"Sino ka!? Sino ka?!" Sigaw niya. Shet na malagket! Nasaan ba ako?!

"Ano ba?!" Dumagungdong na sigaw ng lalaki.

Napaatras siya. Napasandal sa pader.

Napakalalalim ng boses. Parang galing ilalim ng lupa.

Juskoday. Halimaw ba itu?

Parang slowmo na umangat ang katawan ng lalaki mula sa kabilang side ng kama. Dahan-dahang nareveal sa kanya ang maskulado at mabalbon nitong katawan.

Ang tangkad. Ang haba ng biyas.

"K-kapre?" Kapre yata?!

Infairness sa kapre. Ganda ng abs. Matambok ang mabalbong dibdib. Yung biceps pakamatay. Saka jusko, may V line. Kitang-kita kasi medyo mababa na yung suot na pantalon.

Umiling siya. Di ito ang panahon para maglaway.

Kasunod noon nakita niya ang mahaba nitong buhok na nakatakip sa mukha.

Juskoooo. Ano to? Male version ni Sadako?

"S--Sino ko...I mean sino ka?" Nakakalimutan na yata niya pati sarili niya.

Napalunok siya nang nagsuklay ito ng buhok at humarap sa kanya.

Putangina.

Mukhang goons!

Sleep Baby, Sleep (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon