Landi with Caution

1.5K 50 9
                                    

Tita, I'm here na. Nagcocoffee na kami :D

Goodluck Viviana


Napanguso siya. Goodluck talaga.

Tuwang-tuwa sina Pilar at Byron kanina nung malaman na si Ito pala yung ipinakilala ni Tita Angelu. Kilig na kilig ang mga lokaloka. Yung dalawa mismo ang nanulsol nang bongga sa Tita niya kaya siya andito ngayon.

Ayain daw niya mag-coffee sabi ni Tita. Reward kasi sin-ave siya kanina. Date daw sila. Wala siyang magawa kundi sumunod.

Ang galing din kasi nung timing nung pagsalo sa kanya ni Ito. Na parang nasa right place and right time tapos mega-catch sa kanya bago siya tumama sa sahig. Akala niya sa teleserye lang niya makikita yon. In real life pwede pala mangyari.

"Nasaan na nga ba yon?"

Magsi-CR lang si Ito pero andoon na yung order nila. Caramel Macchiato talaga ang itunuro nang higanteng mama. With blueberry cheesecake pa.

Hindi niya akalaing na may pagka-sweet tooth si Ito. Sa hitsura kasi, mukhang mangangain ng buhay. Akala naman niya pure black coffee din ang magugustuhan.

"Oy. Tagal mo, ah." Sabi niya kay Ito nang makita niya itong lumalapit. Ngingiti-ngiti naman ang loko nang umupo sa kaharap na upuan. Parang batang nakakita ng Jolibee.

Oo nga, sana sa Jolibee nalang niya niyaya. Medyo mahal ang kape.

"Salamat dito, Vivi ha."

Ngumiti siya. Kyot talaga yung pagkakasabi sa pangalan niya. Saka palangiti si Ito ngayon. Infairness, mas bagay.

"You're welcome, Daddy. Eat ka na." Sabi niya dito. Di naman ito nag-react. Mukhang tanggap na nito na Daddy na ang tinatawag niya.

"Sa Frontrow ba to?"

Kumunot ang noo niya saglit sa tanong na yon. Di niya naintindihan agad. Pero nanlaki ang mga mata niya nang magets na nang tuluyan.

"Hindi nga ako naghahanap ng downline!" Singhal niya. Porke't nagkape sila aayain na niya sa networking? "Power mo mukha mo!"

Sinubukan pa niya itong sipain sa paa sa ilalim ng lamesa. Kaso maikli talaga ang binti niya. Hindi niya naabot. Bwisit!

Tumawa lang si Ito nang malakas. Mabuti nga at wala gaanong tao sa coffee shop sa ganoong oras. Walang maiistorbo.

"It was a joke." Sambit nito sabay ngiti. "You're so cute."

Napaawang bibig niya. Parang biglang napawi noon ang badtrip niya kani-kanina lang.

Cute. Cute daw siya.

Me gashh... What is this?!

"Aneng sheneshebe mo?" Shet, ang pabebe nang tunog. Di naman niya sinasadya. Napakagat nalang siya ng labi at hinawi ang buhok.

"Cute ka nga."

OMG inulit pa.

Hindi na niya kayang maitago yung pag-iinit ng pising niya. Panigurado kulay kamatis na. Sana di mahalata, kunwari blush-on lang.

Shuta. Hindi pwede to. Kalma self, jusko.

Tumikhim siya at inayos ang sarili. Ang galing ding kasing mambola ha. Dahil yata sa libre.

Pero tama na. Hindi dapat siya magpadala.

Sumimsim siya ng kape bago magsalita. "Hindi kita ire-recruit sa networking, ok? May itatanong lang ako."

Sleep Baby, Sleep (Completed)Where stories live. Discover now