DILF

1.9K 67 32
                                    

"What the, fuck Itong?" Tanong ng pinsan niya sabay subo ng kanin. "Ba't ganyan ang ngiti mo? Sino na naman yang ka-chat mo?"

Napailing nalang siya. Nagdala nga ng pagkain si Rosaria, ito rin naman ang umuubos. Halos wala nang tira yung kare-kare sa lamesa.

"Wag ka nga." Saway niya.

Nakatuon parin ang atensyon niya sa hawak na phone. Nagtatanong  si Vivi kung anong lunch nila kaya niya sinagot.

Kahit papaano masayang kausap ang babaeng yon. Nawawala yung sama ng loob niya sa mundo. Kahit papaano gumagaan yung pakiramdam niya.

Kahit pa Daddy ang itawag sa kanya.

Sa totoo lang sobra yung kilabot niya noong tinawag siyang ganoon ni Vivi. Tumaas lahat ng balihibo niya sa katawan.

Mukha na ba talaga siyang matanda? Maalaga na naman na siya sa katawan ngayon di tulad dati. Halos araw-arawin na nga niya ang gym.

"Yang Kristina na naman ba kausap mo?" Sambit uli ni Rosaria. "I told you so, she's not worth it. Maski si Carrie yan din sinasabi. Si Buds, flini-flirt din nyang babaeng yan. Di ka naniwala samin."

"Oo na. Alam ko. Ako na tanga." Sagot naman niya. Napahilamos siya ng mukha. Pinaalala pa kasi ang nangyari.

Sa lahat nang ginawa niya, sa lahat nang nangyari sa kanila, pagkakaibigan lang ang naging relasyon nila ni Kristina. Ito na mismo ang nagsabi.

Kaibigan.

May magkaibigan palang halos doon na tumira sa condo niya? May magkaibigan palang halos gabi-gabi na niyang kasama sa kama?

Ang masaklap, nalaman niyang hindi lang siya ang "kaibigan" nito.

Gusto niyang magwala nang malaman niya. Naabutan niya kasi si Kristina na may ibang kasama doon sa bagong nilipatan nito. Buti at napigilan pa niya ang sarili, baka makulong na naman siya.

Ang dami niyang sinakripisyo tapos wala rin pala siyang mahihita. Sana sinabi nalang nang mas maaga para di siya nagmukhang tanga.

"Itong, pinapaalala ko lang sayo ha."

"Tumahimik ka, Osang. Ba't di ka pa umuuwi?" Nakakairita. Hindi naman nakakatulong sa kanya. Nakakadagdag lang ng stress.

"I would like to ask you that. Bakit ka parin andito?"

Di na siya nagtaka sa tanong nito. Alam naman niyang kaya dumalaw sa apartment na inuupahan si Rosaria kasi pipilitin na naman siya nitong bumalik sa Hawaii.

"Wag muna kasi sa ngayon. Pinaparenovate ko pa yung condo ko." Sagot niya.

Babalik naman siya pero hindi pa talaga ngayon. Gusto niya kapag nandoon na siya uli, may kasama na siya sa buhay. Ang hirap nang mag-isa doon. Nakakabaliw.

Umirap si Rosaria sa kanya. "Dada made sure you got you license back, Itong. Hinihintay nalang natin yung compensation mo. Makakapag-work ka na uli kung gugustuhin mo." Sabi nito. "Wala kang future dito."

"May mga negosyo pa ako dito. Saka andito pa naman si Carrie."

"May sariling buhay na yon. Isa pa magpapakasal na yung kapatid mo." Sambit uli ni Rosaria. "Ay...Oo nga pala, may meeting yong mga yon sa mag-aayos ng kasal nila. Pinapasama ka ni Lola."

Bakit kailangan pa? Kung ano naman ang gusto ni Carrie bilang bride, iyon ang masusunod. Isa pa, ayaw naman nung kabilang side na mag-ambag siya. Talagang ipinamumukha ng Leo na yon yung kayamanan, ang yabang talaga.

Tumingin lang siya sa phone at binasa  niya ang message na dumating. 

-Hindi pa. But I'm hungry.

Sleep Baby, Sleep (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя