Ebidensya ng Paglalandi

1.8K 55 21
                                    

Napangiti si Vivi habang binabasa yung mga messages ni Ito. Ilang linggo narin silang ganito. Pang entertain na rin sa sarili habang nagtratrabaho.

Natutuwa siya dahil sumasakay ito sa pangungulit niya. Hindi naman siya bli-nock sa kaka-Daddy niya. Heto nga at in-add pa siya facebook at fi-nollow sa instagram saka twitter.

Shit na yan. Kahit na mukhang hoodlum, papatusin na niya.

Kahit walang kahinatnan to, keribels lang. Wala naman talaga siyang balak jowain. Tanggap na naman niya ang katotohanan. Gusto lang niyang makaramdam nang kilig sa katawan kahit papaano.

Saka single naman si Ito ngayon. Safe. Hindi siya mapo-post sa social media as makating kabit with donut pa sa pekpek.

Na-check na niya kung sino yung Kristina. Talagang ini-stalk niya yung babaeng yon para makasiguro. Hindi pala sila ni Ito.

Vlogger si gurl. Malaki ang dede. Laging nakabikini kaya madaming followers. Makinis, sobrang puti na parang lumaklak ng gluta. Saka retokada ang ilong. Halata niya kasi itong si Pilar, nagpatangos din noon.

Tapos may picture itong si Kristina na kasama si Ito. Yung pinaka-recent, ang caption:

'Thank you, dear friend.'

Natawa tuloy siya. Friendzone pala ang mamang mabalbon. Kaya din siguro siya pinapatulan sa chat ni Ito ngayon dahil na-heartbroken na. Naghahanap siguro nang mapaglilibangan.

Okay lang. Game naman siya.

Kumain ka na, Daddy?-

-Lunch. Tapos na.

Wow. Anong ulam?-

-Karekare. Luto ni lola.
 

Ang cute lang. Di pa naman sila close pero parang ganoon na ang usapan nila. Ang saya pala makipaglandian.

"Ate!"

"Aysus! Putangina naman, Graciela!" Sigaw niya. Muntik na niyang mabitawan ang phone na hawak dahil sa biglang pangangalabit nito.

"Andyan niya yung pick-up sa shopee. Hinahanap ka." Sabi ng kapatid niya. Ngumiwi naman siya. Di talaga nakakaintindi ng privacy. Basta nalang pumapasok sa kwarto.

"Hoooookay," sabi niya sabay buga ng hangin. Nag-inat siya at umupo sa swivel chair.

May pini-print pa siya. Baka kainin na naman ng printer pag di niya nabantayan. Bukod sa pagbe-benta online, ruma-raket din siya paggawa ng custom made na invitations sa Tita niya. Sosyal mga kliyente. Malaki rin ang kita. Dati din siyang nagwo-work doon kaso mas gusto niyang mag freelance para mas hawak niya ang oras. Paminsan-minsan lumalagare din siya sa mga events nito. Malaki din naman ang nakukuha niya.

"May sticker na naman lahat ng plastic, saka asa baba na, Ela. Kaunti lang naman. Babarilin nalang kaw na muna bahala." Sabi niya sa kapatid.

"Ba't ako?"

"Bakit hindi?"

Ngumuso lang si Ela pero sumunod din. Ang sarap minsan maging ate, may mauutusan. Kung pwede nga lang niya gawin yon kay Germalyn kaso sigurado magdadabog lang.

Hindi naman sale ngayong araw at malayo pa ang payday kaya siya na nag pack lahat. Kapag malakas naman, di siya makapagkandaugaga sa pagpa-pack. Kumukuha pa siya ng mga taong tutulong. Halos isang van na ang napupuno nila.

Mga damit iyon, uso kasi. Malapit lang ang Taytay sa kanila kaya madali kumuha ng supplies. Nagpasok na rin siya ng tinda sa online shop ng mga sapatos dahil si Ela mahilig doon. Magaling pumili ng designs. Kumukuha siya sa Marikina and lately sa Laguna na din. Kaya yung buong first floor nila parang warehouse na.

Sleep Baby, Sleep (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora