Choke Me, Daddy

1.7K 45 18
                                    

"Luh, di naman dito kwarto namin, Ito."

Hindi niya pinansin ang sinasabi ni Vivi. Tuloy lang siya sa paglalakad habang hila-hila ang kamay nito.

Naiinis siya. Lalo na nung nakitang nakikipag-usap at nakikipagtawanan pa si Vivi sa unggoy na yon.

May balak pa ata siyang ahasin ni Dimaguiba. Di siya papayag. 

Ba't kasi kailangan sa garden pa? Ba't kailangan sa dilim? Bakit kailangan nagtatawanan? Tapos dinig na dinig pa niyang sinabi ni Vivi na wala silang relasyon. Lalong uminit ang ulo niya.

'Pangatlong kwarto sa fourth floor. I-lock mo nalang para walang istorbo.'

Tumigil sila sa isang pinto. Eto na yong sinasabi ni Dimaguiba kanina. Walang ngang tao doon.

"Oy...Daddy. Bakit mo ko dinala dito?"

Hindi parin niya pinansin si Vivi. Tiningnan lang niya yung kabuuan ng kwarto matapos niyang i-lock pagpasok nila.

"Hmmm. Maganda dito ah." Sabi lang nito.

Wala namang kakaiba. Mas malaki nga lang kasya sa mga kwarto sa baba. Kasing laki rin noong ginagamit ngayon nila Carrie sa kabilang wing ng bahay. Mukhang bihira ding gamitin pero malinis at maayos. May nakadisplay na mga gitara sa gilid. Andoon din yung estante ng mga awards at plake.

Nasa gitna noon ang isang malaking kama at malaking headboard.

Bumalik ang tingin niya kay Vivi.

"Anong meron?" Tanong nito habang inusisa nito yung bawat sulok ng kwarto. Parang batang curious lang sa mga nakikita. Patalon-talon pa. Namumula na rin ang pisngi at medyo makulit na.

Lasing na.

Damn..lasing na talaga.

"Vi-"

"Ay wow! Tingnan mo o, may posas dito." Sabi nito nang tingnan yung nakalapag sa may side table. "Saka ano to? Ba't may pamalo? May kamag-anak ba si Buds na pulis?"

Napakunot siya ng noo nang mapansin din nito yung mga nakasabit sa dingding. Alam niya kung para saan yon.

"F*ck."

"Luh, ang laki pala ng dog niya. Parang ang luwag ng collar o, kasya sa leeg ko. Dalawa pa. Itong isa may bola. Hangkyut." Sambit nito. Kinuha pa nito yung pahabang patpat na nakasabit din.

"Ay ano to? Pamalo sa horse?"

Tangina.

"Wag mong hawakan yan." Saway niya kay Vivi. Hinila niya ito at nilayo doon.

"Bakit?"

"Basta."

Tangina talaga.

Mali. 

Mali yon. 

Mali talaga. 

Doon lang siya natauhan ng husto.

Hindi niya dapat dinala si Vivi sa kwartong yon. Hindi talaga dapat. Hindi katulad nito yung ibang mga babaeng nakasama niya noon na init lang ng katawan lang ang habol niya. 

Iba si Vivi. Maski nga si Kristina hindi niya pwedeng ikumpara dito.

"P*ta ka talaga, Dimaguiba." Bulong niya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya. Nagpadala kasi siya bulong ng demonyo.

"Ano yon, Daddy?"

Umiling lang siya. Nadinig yata.

"Matulog ka na dito. Ang lakas ng nung hilik ng mga kasama mo. Di ka makakatulog don." Sabi niya. Sana lang at tanggapin nito yung palusot niya. "Wag mo lang hahawakan yang mga yan."

Sleep Baby, Sleep (Completed)Where stories live. Discover now