Ang Party

1K 38 6
                                    

Napatingin si Vivi sa kabuoan ng venue. Ngayon ang engagement party ni Miss Carrie at ng fiance nito.

Maayos naman ang daloy ng lahat. Mula sa catering hanggang sa sounds and lights. Ayos na din ang designs. Nakaset-up na rin ang mga photographers. Si Tita Angelu kasi mabusisi sa details kaya kailangan siya doon para mag-check.

In fairness naman kasi sa bisita, walang Pilipino time. Mga thirty minutes pa before the party, makukumpleto na yung nasa guestlist.

Pasimple niyang nilabas ang phone. Wala parin siyang natanggap na message kay Ito ngayong araw. Kanina pa nga niya inaabangan. Iyong kalandian nalang nga nito ang bumubuhay sa mga araw niya kaso waley.

Dalawang linggo na rin nakaraan noong nagkasakit siya. Hanggang ngayon wala parin silang pansinan sa loob ng bahay ng mga kapatid. Si Ela kahit papaano nakakausap nang maayos dahil kay Miggy, pero iwas parin. Si Germalyn, wala talaga. Madidinig lang niya yon kapag kailangan na naman ng pambayad sa school. Umuwi na kasi ng Bulacan si Tita Ana kaya mukhang wala na naman itong choice kundi sa kanya humingi.

Parang siya pa ang naging masama.

Masakit man sa dibdib, iniintindi nalang niya. Siya ang panganay, siya ang dapat umunawa. Pero minsan talaga nakakapagod din.

Tumingin uli siya sa phone. Wala parin. Kapatid ni Ito yung ikakasal, dapat nandito rin yon. Nakakapagtaka naman.

"Hi, excuse me, Miss. You seem lonely." Bahagya siyang napangiwi sa nagtanong. Hindi naman bago sa kanya na ma-pick up ng mga guest, lalo na kung lango na sa alak. Pero napakaaga naman ngayon. Saka mukha namang hindi nakainom yung lumapit.

Napaangat tuloy siya nang tingin.

Oh, wow.

Kilala niya yung lalaki. Actually kilalang-kilala niya. Vocalist yon ng banda ng Black Rose. Buds Dimaguiba yung pangalan.

"Not actually." Aniya sabay ng mahinang tawa. Sanay na naman siyang makakita ng mga artista at kung sino-sinong celebrities. Di lang niya inaasahan na lalapitan siya nito sa ganoong paraan.

My gosh, ganoon ba talaga ako kaganda?

Gwapo pala ito sa personal. Matangkad. Marami tattoo at piercings bukod pa doon sa malaking scar nito sa may mata. Mukhang badboy pero mabango.

"Where is your date? You're too pretty to be left alone?" Tanong nito.

Infernes di naman masyadong nakaka-off. Kalahating dipa naman ang distansya nila. Swabe din ng boses. Hindi pang manyak na datingan.

Saka balita naman na single ito kaya di naman siya nagtataka na aalialigid ito sa mga babae. Puro flirt lang pero walang nagiging relationship. Base sa mga interview na hindi pa ito makamove-on sa ex nitong mahal na mahal parin. Yung huling single nga na nilabas nila, dedicated doon sa girl.

"I'm part of the event's team, Sir." Magalang na sagot niya. Bahagya pa niyang nilagay ang ilang hibla ng buhok para makita nito ang earpiece sabay turo ng dalang tablet. Hindi lang siguro halata nagtratrabaho din dahil naka-oufit din siya. Gown kung gown. Saka nadagdagan ng five inches ang tangkad niya ngayon dahil sa heels.

"Is there anything I can help you with?" Tuloy niya.

Napamalaking "O" ang bibig nito sabay awkward na tawa. "I'm sorry. I'm really sorry. Akala ko bisita ka."

Natawa na rin siya dahil kitang-kita niya yung pamumula nito. "It's ok. Umm..do you need anything?"

"Well, your name perhaps?"

Napahagikgik siya. Ang smooth lang.

"I'm Viviana." Sabi niya. Nilahad niya ang palad para sana makipagkamay pero kinuha ni Buds yon para halikan.

Sleep Baby, Sleep (Completed)Where stories live. Discover now