Daddyzoned

1.2K 35 6
                                    


"Yeah, of course. Kahit naman siguro sino gagawin yun. I'll accept the call basagulero if that's what is means on protecting my girl friends."

Napabuntong-hininga si Vivi habang nanonood ng balita sa phone. Buti nalang at nadala iyon ni Rose sa clinic kasama nang ibang gamit niya.

Interview iyon ni Buds sa naganap kagabi. Nasagap na pala ng news, palibasa kasi celebrity. Mabuti nalang at di na masyadong lumaki, nakaalis din agad sina Pilar at ang iba pa nang maayos. Si Buds na daw ang napaiwan para umayos ng gulo. Mukhang inako na rin ang lahat.

"But that's my friend's girlfriend, not mine. Sana all diba."

Tapos kumindat pa si Buds sa camera. Natawa siya tuloy dahil ang conyo nang datingan sa interview ngayon. Siguro dahil medyo lasing. Sabagay kahit naman mukhang maangas, alam naman niya kung gaano ito kayaman.

Natigil ang panonood niya nang biglang tumikhim si Ito sa tabi. Di nagsasalita habang nagdri-drive pero mukhang yamot. Nagulo na nga rin yung pagkakatali ng buhok pero parang wala nang paki.

Napakagat naman siya ng labi saka binaba ang hawak na phone. Nasaktan ata kanina nung sinabi niyang hindi siya nito girlfriend.

Pero di naman niya kasalanan na nag-assume ang balbong mama. Hindi pa naman talaga.

Pwede namang mag-sex nang wala namang relasyon, eh. Si Pilar nga madalas magkwento ng escapades nito. Wala namang masama dun basta nasa tamang edad na at may consent pareho.

"Vivi, si Buds ba yung kanina?"

Napalingon siya kay Rose na nasa likod ng sasakyan. Sumabay na sa kanila dahil wala na naman daw trabaho ngayon. Saka para masigurado daw na maayos silang makauwi. Ito na nga rin ang nagpahiram sa kanya ng maisusuot ngayon.

Mukhang marami na ding naikwento si Ito dito tungkol sa kanya. Feeling close na tuloy kahit ngayon lang sila mag-meet.

Sabagay, wala na siya maitatago. Alam na nito lahat pati lagay ng pepe niya.

"Oo eh," sagot niya kay Rose. "Ba't may reporter agad?"

"May PDEA na natawag kaya media. Hindi kasi ordinary party goers yung nang harass sayo kagabi." Sagot nito. Napasuklay pa nang buhok na mukhang pancit canton.

Magkamukha nga sila ni Miss Carrie pero parang mas matigas yung dating nitong si Rose, napansin niya. Sa hairstyle lang saka sa kulay ng balat nagkaiba. Kaya siguro di nakapagtataka na napagkaman itong isa. Syempre di na niya binanggit yun alam niya ngayon. Ang awkward na nun.

"Target nila yung mga college girls na nakikiparty," tuloy pa na kwento ni Rose. "Dri-na-druged tapos they will make kidnap them, you know...for porn. Actually spiked na yung drinks mo. Buti na check namin."

"Talaga!?" Napanganga siya. "Shit! Dinga?!"

"Uhuh." Tumango si Rose at tumaas taas pa ang kilay. "Kaya be careful next time beh, ha. Wag kang tatanggap basta-basta ng drinks kahit kanino."

Napatakip siya ng bibig. Kaya pala tinanong kung saang school siya nag-aaral nung manyak. Grabe naman. Muntik na siyang mapahamak. Buti di niya nainom yung binigay na cocktail. Saka kundi dahil kay Ito malamang natuloy na yon.

Napahawak tuloy siya sa dibdib dahil parang bumilis yung tibok doon. .

"Ito.."

Napalingon siya dito. Parang walang reaksyon sa narinig. Seryoso lang sa daan nakatingin. Nakunot pa nga ang noo kaya balik kontrabida mode uli. Gusto pa naman sana niyang magpasalamat ng bongga dahil ito yung pumigil sa kanya pero mukhang wala sa mood ang mama.

"Oh, wait! Vivi! Birthday mo ngayon diba?" Si Rosaria uli.

"Umm..Yes." Sagot uli niya sabay ngiti ng pilit.

Pero sabagay, halos nakalimutan na nga niya kung anong okasyon. Yung sanang magandang happening kasi, napalitan nang disgrasya.

"So, sayo tong nandito?" Sambit uli ni Rose.

"Osang, wag mong galawin yan." Si Ito naman ang nagsalita. Walang kalatoy-latoy ang tono. Tunog nanlulumo parin.

Napasilip tuloy uli siya doon sa likod. Meron nang malaking box doon na nakabalot nang metallic na papel. May ribbon pa. Hindi naman niya napansin yon kagabi. Saka di naman nangbanggit si Ito na may hinanda ito. Si Buds lang naman ang nagbigay ng regalo sa kanya.

Speaking of regalo ni Buds. Noon niya lang napansin na wala yung bracelet.

Napahawak tuloy siya sa pulsuhan. Hindi niya matandaan kung saan iyon nahulog.

Baka dun sa bar nung nagkakagulo. O habang tumatakbo sila. O baka sa parking lot. Basta hindi doon sa may kama kasi tinali nga siya ng belt ni Ito.

"Bakit? May masakit?" Biglang tanong ni Ito. Napansin din yata siya.

"Yung galing kay Buds na bracelet, nawawala." Sagot niya.

Lalong napakunot yung noo ni Ito. Parang may mali sa sinabi niya dahil mukha talagang uminit ang ulo.

Napaayos nalang siya nang upo. Nanghihinayang lang naman siya. Ang mahal pa naman nun. Kasya na sa isang quarter ng tuition ni Germalyn. O kaya vaccines ni Miggy.

Tumigil nga yung sasakyan. Ni hindi nga niya na namalayan na nasa bahay na sila dahil sa pag-iisip. 

Sayang talaga yung bracelet.

"Sandali." Bumaba si Ito at umikot sa side niya. Pagbubuksan pa siya yata ng pinto.

"Kaya ko bumaba." 

"I don't think so. Stay ka muna." Biglang sabat ni Rose kasabay baba na rin ng sasakyan.

Napanguso siya. Pekpek lang naman ang may injury sa kanya. Di naman buong kataw--

"Ay p*tangina!"

Napasigaw siya nang subukan niyang humakbang. Hindi niya magalaw masyado ang mga binti. Parang nanghihina.

Masakit parin pa. Muntik na nga siyang mahulog. Buti nasalo siya ni Ito.

"Sabi nang ako na." Asik nito

Napakagat nalang siya ng labi nang buhatin siya nito pa-bridal style. Nakita niya si Rose nakasunod na din habang bitbit yung malaking box.

"Ang cute niyo." Sabi pa sabay hagikgik. "Dyandyandaraannnn.." kanta pa nito. Di niya ding akalaing napagsabay din nitong maglabas ng phone para i-video sila. 

"Dad--Ito wait lang...." Ang dali-dali dito na buhatin siya. Na parang ang gaan-gaan. Saka ang liit-liit. Ang laki naman kasi ng mga braso nito kumpara sa kanya.

Sabagay. Hindi lang naman yon ang malaki dito.

"B-baka..baka may makakitang kapitbahay." Bulong niya. I-chi-chismis siya ng mga Maritess malamang jusko.

"Di ba sinabi ko, babawi ako," bulong nito. "Hayaan mo na 'to. Aalagaan kita ngayon."

Uminit ang husto ang pisngi niya. Kahit masama ang loob may care parin. Feeling niya, nag-cla-clap tuloy si pepe kahit masakit.

"Hala...bukas yung gate?" Sabi niya. Napakunot ang noo niya nang mapansin yon. Maski pinto bukas din.

Shit!

"Daddy, pakibaba ako. Please." Sabi niya. Pero huli na kasi naipasok na siya sa loob nito.

"Vivi!" Dinig niya yung mga sigaw.

Sabi na.

Pinilit niyang bumaba kay Ito nang makita ang mga tao sa loob ng bahay.

Andoon sina Pilar, Byron saka si Joey na mukhang namumugto pa ang mga mata dahil sa puyat.

Nandoon si Tita Angelu. Pati si Tita Analyn.

At nandoon din ang mga kapatid niya: Si Germalyn na nakabusangot at si Ela na akay-akay pa si Miggy.

Tahimik ang lahat na nakatitig sa kanilang mga bagong dating. Halatang mga gulat.

"Oh my god!" Nabasag ang katahimikan dahil sa eskandalosang pagsigaw ni Pilar. Nakaturo pa ito kay Ito na nasa likod niya.

"Nag-sex na kayo?!"

Sleep Baby, Sleep (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum