Rambol

895 39 12
                                    


"Vivi, galaw."

Napangiwi siya sa sinabi ni Byron. Hindi nga talaga siya nakagalaw. Hindi siya maka-react agad. Nablanko siya nangyayari.

"Ay shuta...sinapawan yung event natin ng pink and--"

"Shhsss..wag na Pilar." Pigil niya. Eskandalosa pa naman. Baka lalong gumulo.

Na-stuck tuloy sila sa may sala habang sina Kristina in-occupy na ang kusina. Inaayos na doon ang mga dalang kung ano-ano. Walang pakialam kahit nandoon pa sila. Yung nilagay nila ginugulo na.

Hindi naman siya shonga kung para sana ang mga dalang handa nito saka mga decorations. Pang babyshower yon.

At hindi din siya shonga kung para di mahalata kung sinong ama.

Iyon ba ang dahilan kaya ba laging natataranta si Ito kapag may tumatawag? Kaya laging umaalis? Kaya ba hindi parin binubura yung pangalan ng babaeng to sa phone?

Puta..Putangina talaga.

"Nakakaloka. Prank ba itetch?" Tanong ni Byron.

Sana nga pero napakasamang prank naman. "Labas muna kayo By, ako na dito."

Kilala niya ang mga kaibigan. Ito ang makikipagaway para sa kanya kundi di siya magsasalita ngayon na.

"Sure ka?"

Tumango siya.

Nagtinginan muna ang dalawa bago sumunod. "Nasa pinto lang kami, gurl. Ready kami sa warlahan."

Ayaw niya lang madamay ang mga ito. Baka kapag pisikalan na ang mangyari, makasuhan pa sila. Amazona si Pilar, bortang bading naman si Byron. Kawawa tong tropa ni Kristina. Mukha pa namang di pinapakain.

"Kristina." Tawag niya nang lumapit siya dito.

Hindi naman siya pinansin. Sa mga kasama na kasi ito nakatuon habang nagmamando kung saan ilalagay ang mga gamit.

Parang sariling bahay lang. Kapal.

"Kristina!" Tawag niya uli.

"Oh yes? Nandyan ka pala. Hindi kita nakita." Tapos tiningnan lang siya nito mula ulo hanggang paa.

Putangina, ganoon ba ako kaliit?Kanina pa sana niya nahambalos ang babaeng to kung di buntis.

"Nagkakilala na tayo diba? Sa coffee shop. Ikaw yung coordinator sa kasal ng sister ni Ito." Nakangiti nitong sabi.

Peke yon. Kasing peke nang ilong nito.

"Yes."

Tumingin naman siya sa mga kasama nitong tumigil na sa ginagawa. Yung isa tinutok pa yung dalang camera sa kanya.

Nakakabwisit.

"Ay..sorry. Di ba nasabi sayo ni Ito na may party kami. Sayang tuloy yung effort mo. Tanggalin ko na ha." Sabi ni Kristina sabay hila nang mga balloons na kinabit niya.

Papasok na sana ang nga kaibigan nang makita yon pero umiling siya.

Lobo lang yon. Madali pang ikabit. Yung ilong nito ni Kristina kapag nasapak, hindi na.

Huminga muna siya para makakuha ng bwelo. "Ayokong makipagplastikan Kristina, obvious naman na nanadya ka. Nauna kami dito." Sambit niya na may diin doon sa huling sentence.

"Pwede bang magkalinawan muna kung para saan to?" Tuloy niya. "Yung tayo lang."

Ngumiti naman si Kristina at humarap sa mga kasama.

"Hey guys, labas daw muna kayo." Sumenyas pa ito doon sa may hawak ng camera na tumigil na sa pagkuha. "Later na yan. Kakausapin ko lang tong babaeng epal na to."

Sleep Baby, Sleep (Completed)Where stories live. Discover now