Sugod bahay

1K 46 4
                                    

"Kailangan ko ng mga tao, ngayon na. Binigay ko na ang address."

Napakagat si Vivi ng labi nang madinig yon kay Ito. Parang napaisip isip siya sa totoong trabaho nito. Parang hindi naman nurse. Mukhang boss talaga ng gang.

Nang Mafia.

Naninibago din siya. Ibang klase kasi ang pagkaseryoso nito. Nakakakot. Dati mukha lang mamatay tao, ngayon parang literal na.

Tumingin siya sa relo. Alas tres na ng madaling araw. Hindi niya alam kung tama bang mag-byahe nang ganoon kalayo nang ganoong oras.

Papunta sila ng Tanay. Doon sa rest house ni Buds Dimaguiba. Alam daw ni Ito ang daan doon kaya ito na ang nag-drive.

"Vivi, shoreness na itech? Baka mamali tayo ng bahay ha. Lam mo na, baka ma-trespassing tayo."

Napakagat siya ng labi uli. Tama naman si Pilar. Paano kung mali hinala nila? Paano kung hindi talaga si Miss Carrie yon? Nakatalikod lang naman kasi.

"I don't know." Sambit niya.

"Shuta ka. Anong I don't know? Gogora tayo sa liar ng kidnaper na walang police? It's so dangerous!"

Hindi naman kidnapan ang nangyari sa tingin niya eh. Mukhang sumama ng kusa talaga si Miss Carrie. Ang hirap lang i-explain kay Pilar. Hindi nga niya alam kung bakit pa sila nag-join dito. Ayaw kasi siyang payagan nang dalawa na sumama kina Ito kaya sumabit na rin ang mga kaibigan niya.

Naka-convoy sa kanila yung van. Andoon si Leo saka si Byron. Si Joey naman yung nagdri-drive. Kasama naman niya si Pilar dito sa sasakyan ni Ito. Nasa likod nila.

Pero sana pinasabay nalang niya doon sa kabila. Ang dami kasing hanash.

"Kinakabahan na aketch. Wiz ko pa gustong mategi. Bibigyan ko pa ng apo si mudra ko." Ani uli ni Pilar.

Mas kinakabahan siya kay Ito. Baka mapikon ito sa ingay at bigla nalang ihagis sa labas ang kaibigan niya.

"Shhs. Pi. Soplakin ko mouth po, you want? Stop muna." Saway niya tapos nginuso niya si Ito. Nagets naman iyon ni Pilar at nagtakip na ng bibig.

Kunot na ang noo ni Ito. Masama na talaga ang timpla. Pero bakit ang hot na naman. Nag-iigting ang panga.

Napakagat siya ng labi na naman. Hindi ito ang panahon para maging malandi.

"Ex ba talaga ni Miss Carrie si Buds?"

Tumango lang ito sa tanong niya.

"So friends nga kayo?"

Nakita niyang ngumiwi si Ito. "Hindi."

"Wow. Ang lalim nung hindi ha."

"Seventeen lang si Carrie noon nung pinatulan niya. Tapos niloko niya lang, hiniwalayan pagtapo--Puta siya.." Madiing sambit nito. "Tangina, dapat talaga pinutulan ko na yon noon pa."

Napanganga siya. So violent naman. Saka grabe yung mura. Parang ibang-iba doon sa Ito na nakilala niya. Parang may nag-open ng window tapos nasilip na niya lahat nang bad side nito.

Pero kapatid naman kasi yung pinag-uusapan. Kahit siya din naman nung nangyari kay Ela non, sobra ang galit niya.

"Pero si Miss Carrie yung laging niyang sinasabing babaeng di niya makalimutan. Yung ginagawan niya ng kanta. Lagi kong napapanood mga interview niya kaya." Sabi niya kay Ito.

"Hindi ako naniniwala. Ginagamit lang ni Dimaguiba yon para sumikat. May mga ganoong tao talaga." Napanganga siya uli. Bakit parang nafe-feel niyang may hugot yon pero di para kay Buds.

Nakita niyang umilaw yung phone. Pero imbes sagutin, pinatay lang ni Ito. Nahigip pa niya yung nakasulat.

Kristina Mahal

Sleep Baby, Sleep (Completed)Where stories live. Discover now