Panganay Thingz

936 44 15
                                    

Dahan-dahan binuksan ni Vivi ang pinto. Yung walang ingay para di mapansin. Nagawa naman niya dahil tuloy parin sa pagdakdak si Tita Analyn.

"Anong pumasok sa mga kokote niyo? Nagsabay pa kayo mg kagagahan. Ang tatanda niyo na! Ang kakapal na ng bulbol niyong mga tanga! Di parin kayo nagiisip?!" Sigaw pa nito.

Nakita niyang nakuyo na si Ela habang nakaupo sa sofa habang si Germalyn naman nakatayo sa likod nito na iismid-ismid pa.

"Anong akala niyo satin? Mayaman parin? Ha? Inubos na ng ama nyo yung pera niya bago pa matigok yon! Wala nang mana, Wala! Si Viviana nalang yung nagpapalamon sa inyo!"

Naramdaman niya ang pagyugyog sa kanya ni Byron. "Vivi, wag muna. Pahangin muna tayo."

Kahit di na magsalita ang mga kaibigan, alam niyang nag-aalala na ang mga-ito.

"Vi..tara na muna." Sabi din ni Pilar.

Sakto namang napalingon si Tita Analyn sa pintuan. Nadatnan na silang nagkukumpulan doon.

"Dito. Dito lang kayo. Wag na kayong humalo." Sambit niya sa mga kasama.

Napahinga siya nang malalim at lumakad na papasok sa sala.

"Tita."

"Oh. Ayan. Ayan na! Nandyan na si Viviana. Sige ngayon kayo magpaliwanag sa Ate niyo, mga putang-ina kayo!"

"Totoo po ba?" Tanong niya sa nakakatandang babae. "Paano..."

"Ba't sakin ka nagtatanong? Dyan sa mga kapatid mong ulupong." Sabi nito tapos dinuro si Germalyn. "Lalo na dyan! Dalawang semestre nang drop out, bwisit na yan. Pineke lahat ng pinakitang grades. Apakasinungaling. Sana di ko nalang nilabas sa matres ko!"

Lumipat naman ang tingin niya sa kapatid. "Germalyn."

Dalawang semester? Dalawa?

"At talagang gulat na gulat ka Ibyang?! Ganyan ka ba katanga? Matagal ka nang ginagatasan nyan!"

Ibig sabihin lahat ng binigay niya. Lahat ng pinagtrabahuan niya.

"Nagpaparty-party lang yan. Tumatambay sa barkada niya, kunwari lang pumapasok."

"B-Bakit?" Sambit nalang siya.

Hindi niya alam kung bakit ganoon kalamya ang reaksyon niya. O talagang na drain na lahat ng pakiramdam sa kanya ngayon araw.

Matapos si Ito. Ganito rin madadatnan niya.

"Well at least I'm not the malandi in this family." Sabi ni Germalyn sabay tingin kay Ela.

"Who's the dad nga ba ng bagong baby mo? Sino-sino doon? Sabagay malaki din ang pay sa pagiging walker diba?"

"Ela." Napabuga siya ng hangin. "Anong ibig sabihin non?"

Walker?

"A-Ate...sorry." Sambit nito.

Lumipat naman ang tingin niya kay Tita Ana. Nakangiwi ito na parang nandidiri na. "Naglabas yan ng pekpek. Tapos maraming sumundot. Di man lang gumamit ng condom. Okay lang sana kung ganun, kaso ayan. Ayan. Tatangatanga may nabuo na naman."

Putangina. Gusto niyang sumigaw.

Kaya ba laging ginagabi si Ela.
Kaya ba laging busy. Yon na ba ang bagong trabaho nito. Kaya ba napapabayaan na si Miggy.

"Tangina. Sana lang sa gwapo din galing ang semilya niyan ha, pakunswelo man lang. Baka magmukhang itik yang anak mo."

"Tita please." Aniya. "Sinong tatay niyan, Ela?"

Sleep Baby, Sleep (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon