The Closure

945 45 22
                                    

Note: Ending na mga beh. Charot!

Nagising si Vivi sa mahinang mga boses sa paligid. Parang tahimik na nag-uusap. May mga humihikbi pa.

Dafuq?

"Si...si Vivi..." tapos may bigla pang umiyak.

"Shhhs. Wag kang ganyan. Strong siya beh. Kaya niya yan."

Anong nangyari? Mamatay na ba ako?

Hindi naman. Hindi pa.

Naalala niyang nawalan siya ng malay doon sa sementeryo at mega panic na na naman ang mga bakla kanina. Naalala din niya nung dinadala siya ng mga ito sa hospital.

Pero bakit nagsisiiyakan tong mga to?

"Putangina nyo!" Napaupo siya bigla sa kama.

"Hala, Jusmio Marimar! Vivi!"

Nakita niyang tumayo agad si Pilar. Si Byron naman agad na lumapit sa kanya.

"Gaga ka! Ba't bigla kang bumangon!?" Sabay batok nito nang malakas.

"Byron naman! Wag mong tuluyan! Ikaw na nananakit, eh!" Saway naman ni Pilar.

"Ang shonga kasi eh! Sabi nang higa lang."

Mukhang di pa nakakauwi ang mga ito. Malamang magmamadaling araw na. Sabagay, mga puyatera din tulad niya kaya sanay.

Napansin naman niya yung nasa braso. Nanlaki mata niya dahil may nakakabit na doong swero. Nabatukan naman uli siya ni Byron bago pa niya maabot yon.

"Isa pa. Isasaksak ko sa ngala-ngala mo pag tinanggal mo uli yan." Binalot naman nito iyon nang isang bimpo at mahigpit pang tinali. "Yan. Alam ko namang ayaw mo nyan. Shuta ka. Nawiwindang na kami sayo, girl!"

Sa emergency room yata yon kanina. Takot talaga siya sa injection. Tapos nabunot niya yung tinutusok sa kanya nung nurse. Wala na siya huwisyo noon, sorna.

"Eh ba't niyo ako kasi iniiyakan?" Tanong na niya. Ang OA naman kasi.

"Eh....sabi kasi nung doctor kanina, need po daw ng test if may problem sa heart--ouchie!" At kinurot pa uli.

"Obvious yun, gaga. Daming ganap nitong babaitang to. Broken hearted na so much." Umirap si Byron tapos humarap sa kanya. "Hindi ka pa daw kasi makakauwi, Vivi. Dehydrated ka daw, overfatigue. May test pang gagawin sayo ha. I-coconfine ka muna. Itong si Pilar lang kasi kung ano-ano na I-assume. Nakakalurkey. "

"Test?"

"Ay..wait...anu ba yon, By. ECG? EFG? Di ko maalala." Sambit ni Pilar.

"Jusko naman! Ginawa mo nang alphabeth! Bangag ba u?" Si Byron naman.

"Slight, shuta, bakla. Hindi pa ako nakakatulog since kahapon, no? Need ko din ata ng kape uli."

Huminga nalang siya nang malalim habang nagtatalo ang dalawa. Alam naman niyang may problema na sa katawan niya noon pa. Palagi nalang siyang nahihilo tapos sumasakit ang dibdib bigla. Kaso di naman niya yon masyadong inintindi dahil marami siyang inaasikaso. Ngayon siguro nagmanifest lahat ng sakit niya.

Napabuga uli siya nang hangin. Sinakripisyo niya ang sariling niyang health para sa wala. Tapos mauuwi la sa ganito.

"Pero Vivi. Ok ka na ba?" Tanong naman ni Pilar. Inayos pa nito ang unan sa likod niya. "Higa ka kaya muna."

"Medyo...hilo." Sagot niya. Tapos huminga nang malalim at ngumiwi. Medyo di abot yung ulo niya sa unan, masyadong mataas.

"Ay! Oh my god, Vivi. Sorry. Oh my god. May masakit? Nur--"

Sleep Baby, Sleep (Completed)Where stories live. Discover now