Stealth Mode

1K 44 11
                                    

Warning: SPG na slight.

--Vivi ano na? Butas na ba talaga?

Natawa nalang siya sa tanong ni Pilar. Tumipa siya sa phone at sinagot na ito.

--Saang parte ba kasi?

-Ang wild ng lokaloka!

Ini-imagine niya ang halakhak ng gaga. Sobrang kulit kasi nila Byron at Pilar na everytime na nagkikita sila iyon na nalang ang topic. Talagang curious. Pero siyempre hindi siya kiss-and-tell. Hindi niya sasabihin muna, bahala silang mag-assume.

Binaba na niya ang phone saka bumalik sa ginagawa. Mamaya na uli ang chika. Need niya ng anda.

May bagong raket na binigay sa kanya si Tita Angelu. Bigtime na naman. Mukhang natuwa doon portfolio na pinakita niya last time na bumista siya sa office. Nakatulong na din siguro yung ginawa nila doon sa kasal ni Miss Carrie. Ilang beses kasing na-feature yun sa mga TV shows saka magazine. Dumami ang inquiries para sa simpleng civil wedding-elopement churva. Hindi naman niya akalaing papatok. Marami sigurong brides na gusto lang talaga na walang chenes-chenes na wedding. Yung simple lang saka walang sandamakmak na bisita.

Tapos meron pa siyang online shop. Madami pa siya ipapa-ship na orders.

At dahil marami siyang trabaho, wala na namang siyang time para sa sarili niya. Yun lang.

Tumunog uli ang phone niya. Napailing siya at inangat yon. Makukulit talaga, naisip niya.

-Vivi, I'm here.

Si Ito.

-Anong I'm here?

-Nasa labas ako. Silip ka.

Nanlaki naman ang mga mata niya nang mabasa niya yun.

Saan? Saang labas? Maghahating-gabi na.\

Napatayo siya sa upuan at sumilip sa bintana. Nakita nga niya si Ito na nasa tapat ng bahay nila. Nakasandal pa doon sa kotse nito at naiilawan nung dalang cellphone.

"Hala siya!"

Mabilis siyang nag-type.

-hanu ginagawa mo dyan?

-I have coffee.

-And bread.

Nakita naman niya itong umangat ang tingin sa direksyon niya. Kumaway pa ang mama. Nakikita nga niyang may dala itong paper bag.

Shuta! Jusko, surprise ba ito?

Hindi siya sanay na may paganon. Kinikilig ang pepe niya. Medyo magaling na kasi, medyo matagal na rin nung na tusok siya.

"Naku teka!"

Dagli niyang kinuha ang malaking towel niya at pinulupot sa balikat. Wala na siyang time mag-bra. Buti nalang nakaligo na siya. Fresh siyang haharap kay Ito.

Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay. Careful na madinig nila Ela at Lyn. Malamang tulog na mga yon.

"Luh, ba't ka nandyan. Anong ganap?" Tanong niya.

Sinalubong naman siya ng ngiti sabay angat nung paper bag ng sikat na coffee shop. "Sabi mo kanina magpupuyat ka. Dinalhan kita ng kape saka ng pagkain."

"Yung totoo?"

Ngumisi ito. "I miss you. Ang tagal na kasi kitang di nakikita."

"Ih! Daddy! Shuta naman eh!" Shet ano ba to?! Nahampas niya sa braso si Ito dahil sa kilig. Pero napalakas ata dahil nakita niya yung pagngiwi. Di naman niya sadya. Mabigat lang talaga mga kamay niya. "Ay shit. Sorry."

Sleep Baby, Sleep (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon