Tanong

945 47 4
                                    

"Ano ba tayo?"

Napakagat ng labi si Vivi sa tanong na yon ni Ito. Inaasahan na niya yon pero ang hirap talagang sagutin. At hindi rin niya nasagot dahil biglang paglapit ni Miggy sa kanila.

"Si Dyisus ka po ba?" Kumurap-kurap pa ang pamangkin habang nakatingin kay Ito.

Bigla siyang natawa. Yung tawang wala na talagang poise. May pinagmanahan talaga tong batang to.

"Oo, beh. Birthday niya sa pasko. Mamimigay siya ng gifts." Sabi niya.

"Pero si Santa po yung namimigay ng gifts. Hindi naman po siya fat, Tata. Big lang."

Oo nga, big.

Natawa naman si Ito at ginulo ang buhok ng pamangkin. "Hindi, binibiro ka lang ng tita mo. What's your name little man?"

"My name is Miguel Andre Lim Nepomuceno. I am five years old. My mothers name is Graciela Lim Nepomuceno. My favorite food is ice cream but with no nuts because Mama said I'm allergic."

"Beh, name lang." Sabi niya. Ngumisi naman ang bata. Lalo tuloy naging cute dahil tumabok ang pisngi at lumitaw ang dimples.

Ewan. Asa lahi nila siguro yung ganun. Buti naman at di nakuha yung pandak genes na napunta sa kanya.

"It's ok." Sabi naman ni Ito na abot tenga ang ngiti. "You want ice cream?"

"Yes po!"

"Dito ka lang, Vivi. Kukuhaan din kita ng pagkain."

Tumango siya. Though hindi pa naman siya masyadong gutom. Nakapagbreakfast na siya doon sa clinic kanina. Talagang alagang-alaga siya kahit na wala naman itong dapat panagutan sa totoo lang.

Napabuntong-hininga siya. Iba talaga siguro ang expectation ni Ito.

"My god! This. This is super sarap. Grabe nitong lechon niya, ha. It is really organic? Kasing sarap nung lechon doon kina Buds sa Cebu." Napalingon siya kay Rosaria na umupo sa tabi niya. Medyo hindi pala mahiyain ang pinsan ni Ito. Ang daming nilagay sa plato tapos prente pang umupo sa tabi niya.

Pang valley girl ang accent pero ang PG naman.

"Nakita ko pala sa ilalim ng lamesa niyo. This is yours, right?" May binunot ito sa bulsa at nilagay sa kamay niya.

Yung bracelet ni na bigay ni Buds. Buti nalang at nakita nito. Mahal yun eh.

"And this too."

Nanlaki naman ang mga mata niya. Jusko. Yung panty niya. Nahagis nga pala ni Ito yon sa may kusina kagabi.

Agad niya yong tinago sa bulsa ng mabilis. Buti at walang nakapansin.

"You did the deed on the table? Kinda kinky for a virgin."

"Grabe siya. Ikaw nga may sex video ni Buds."

Napangisi siya nang bigla itong nabulunan. Somehow kasi napagtagpi niya. Si Buds yung kasama nito sa video. Pamilyar yung yung kama saka yung cuffs na nasa kwarto. Madali siyang makatanda kahit maliliit na detalye.

"Ikaw ha!" Sabi nito nang mahimasmasan. Nanlaki pa ang mga mata "Wait? Alam mo? Nakita mo?"

Tumango siya. "Hindi alam ni Ito, no?"

Ngumuso ito at umusog sa tabi niya. "Don't tell anyone or I'll kill you." Bulong nito.

"Si Miss Carrie napahamak doon. Akala nila siya yon."

"Buds fixed that. Naikasal na rin si Carrie thanks to you. Wala nang problem kaya mag-shut up ka na." Sabi nito.

Tiningnan lang niya ito ng masama. "Sa lagay na yon, ganon-ganon lang?"

Sleep Baby, Sleep (Completed)Where stories live. Discover now