Marupok

1K 37 5
                                    

"Vivi, ano na? Tuloy na ba?"

Sumimangot siya habang hawak ang phone. Ka-video call niya ngayon si Pilar. Nangungulit na naman kasi itong isa na lumabas.

Nung nakaraang linggo dapat ang alis nila kaso sumakto namang nagsale, napadami yung orders ng online shop. Kasabay pa yung deadlines ng mga trabahong kinuha niya. Si clients aligaga na. 

Tapos dagdag pa yung para sa events ni Tita Angelu. Meron pa ngang paparating na bazaar na inaasikaso din niya ngayon.

Nakakaloka. Nawalan tuloy siya ng time. Ang dami niyang ganap. Wala na namang tulugan.

"Busy parin ako, Pi." Binaba niya ang cellphone sa stand at tinapat lang yon sa harap. Napakunot ang noo niya nang mapansin ang nasa screen.

"Wait. Lumipat ka ba uli ng bahay? San ka ngayon?"

"Naka-air BnB aketch. Maganda dito infer ha. Mura lang yung room." Sagot nito.

"Whynez?" Tanong niya. Binuksan niya ang laptop at isa-isang nag-check ng mga email. Inayos niya yung inventory ng mga items na tinda.

"My gosh naman kasi, si Raymond pinuntahan na naman ako house, ha. Nanghihingi na naman ng ayuda. Ayun, winarla ni mudrakels ang hayuf. Kaya dito muna ako for safety. Lam mo na." Sambit ni Pilar

Ah, yung ex, naisip niya. Di na siya nagtaka dahil medyo may pagka-stalker din yon. Ginawa pang mamasang ang kaibigan niya. Buti nga at natauhan na tong isa. Kaso heto nga at hahabol-habol.

Shet, ayaw pa naman niya ng ganun. Yung di mo alam, baka bigla ka nalang kidnapin out of nowhere. Nakakaloka.

"Ano na, Vi? G na sina Byron eh. Clear na ang sched. Kailangan ko nang lumabas. Kailangan ko nang makahanap ng new fafa."

Natawa naman siya. "May tinder kaya heler?"

"Shuta dun nga galing si Raymond eh. Yaw ko na dun."

Ah. Sabagay. "Busy ako now." Sabi niya. "Kayo nalang ni Byron."

"Gaga ka! Nag G ka n noon tapos biglang di natuloy. Tapos ngayon ayaw mo na naman." Sabi ni Pilar.

"Sorna. Busy nga. Alam mo namang dami kong pinagkakaabalahan para sa datungers."

"Shutaca. Bayad mo na mga utang ng Papa mo ha. Why ka pa magpapakapagod, beh?

"Eh pano mga sisterettes ko, aber? Si Miggy babayadan ko pa tuttion. Si Lynlyn nag-aaral din."

"Edi hanap ihanap kita nang Fafa di Asukal don. Sakin yung atabs tas sayo yung tatay. Yun naman type mo eh."

Tumawa naman siya. "Gaga, ka. Madedemanda ka dyan ha. Saka too old na ako para maging sugar baby."

"Mukha ka namang jugets. Keri yan."

Tumawa naman siya. Never niyang naisip na umasa sa lalaki sa problema niya sa datung. Kaya naman niya.

"Nako Vivi gurl. Have time naman for yourself no," sabi nito. "Birthday mo na sa Saturday, paalala ko lang ha. Trenta ka na. Doon na tayo mag-celebrate."

Ngumuso siya. Pinaalala pang malapit na siyang mawala sa kalendaryo.

"Dali na. Sama mo na nalang din si Fafa Ito kung ayaw mong maghanap ng iba." Sabi nito. Napataas naman siya ng kilay nang marinig ang pangalan noon.

"Bati na ba kayo, gurl?"

Ngumuso siya. Masama parin loob niya hanggang ngayon. Totoo ngang magkasama tong si Ito at Kristina nung araw na yon. Napanood na niya yung kalalabas na vlog ng huli nung isang araw. Change oil pero kumain pa sa resto and all. Namasyal pa. Nakakakasuya tuloy panoorin yun.

Sleep Baby, Sleep (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang