KABAKLAAN ENTRY #1

296 21 2
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***


Dear Diary,

Jusmeyo! Unang araw ng taon nabubuwisit na ako, diary. Pa'no ba naman kasi? Kaninang Media Noche, no'ng kakain na kami, siyempre gutom na gutom na ako, jusko nemern, kaya nakipag-unahan akong kumuha ng spag— ayy, pansit pala, hihi. So 'yon na nga, diary, no'ng malapit na ako sa mesa eh 'etong echoserang malanding hinliliit ko sa paa eh sabik na sabik atang makipaghalikan sa paa ng mesa kaya 'yorn na nga ghorl! Jusmeyo! Parang gusto kong magpaka-incredible Hulk sa sakit jusme! Ang landi landi kasi ng daliri ng paa ko! Edi ang ending, pinagtawanan nila ako jusmeyo.

Pero keri na 'yorn, ghorl , siyempre maganda ako kaya ayokong ma-stress dahil lang sa pakening mesang 'yon. Gutom na ako kaya kumuha na ako ng makakain ko, then charaaaaaan! Lamonara ang dyosa ng taon!

So 'yon na nga, diary HAHAHAHA tawa muna tayo. Masaya kasi ako ngayong New Year eh kahit malas agad ang bungad sa 'kin, jusmeyo! Ano kayang ibig sabihin no'n? Buong taon akong mamalasin? Owemjii, aykenaaaaat!

Echoss, so heto na nga jusmeyoooooo kuwento ko muna sa 'yo, diary, no'ng Pasko, grabe! Mas malala ang kamalasan ko no'ng Pasko. Kasi namern, wala man lang akong nakuhang pamasko, nakakuha naman ako ng ampaw kaso galing pa sa badjao. Alam mo 'yorn? Ka-imbyerna, right? Pero dahil nga sa ayaw kong magpa-stress kasi masasayang lang ang b̶e̶u̶t̶y̶ b̶e̶u̶a̶t̶y̶ b̶a̶e̶u̶t̶y̶ shuta! Oo na! 'Di na ako maganda. Ba't kasi ang hirap i-spell no'ng ano—basta 'yong English ng "ganda", jusmeyo.

So eto na nga, diary, kahit papaano eh kahit hindi ako nakatanggap ng pamasko eh nakatanggap na man ako ng regalo . Diary, ang saya saya ko that time. I'm the happines person in the world! Tama ba 'yong grahams ko? Basta gets mo na 'yan! Pareho lang naman 'yan. 'Wag kang echosera, diary, pareho tayong baklang bobita, che!

Ta's eto na nga, ghorl, hihi. Binuksan ko kaagad 'yong regalo na binigay sa akin ni fairy godmother. Gulat ako bakla! Tuwalya 'yong laman! Shemayyyy! Ibig bang sabihin ni Ninang eh kailangan kong maligo araw-araw? Wiz! Ket bakla ako, malinis ako sa katawan ko 'no!

Ta's eto pa baklang diary! Niregaluhan din ako ni Ninong ng notebook huhuness. Anong gagawin ko sa notebook? Modular class namern eh ,  kaya ko naman mag stock knowledge 'no! Yeah! Matalino kaya 'to hihi.

Alam mo ba diary kung anong history mo? Oo! Tama ang hinala mo! Ikaw 'yong regalo sa'kin ni Ninong kaya 'wag kang echosera hihi. Buti nga binigyan pa kita ng halaga kasi nakuuuuuuu kung wala talaga ako sa mood, baka tinapon na kita at pinampunas sa puwet no'ng kapitbahay naming jejemon che!

Fast forward na tayo baklang diary hihi. So nitong New Year lang grabe ghorl! Alam mo 'yong enjoy na enjoy ka habang kumakain ng pansit ta's shanghai ta's biglang pinaalala ni Maderdearest na ako daw ang maghuhugas ng pinggan. Ghorl, 3g0rd talaga ako dat taym huhuness. Pati 'yong shanghai ghorl pinanggigilan ko pa! Ta's eto pa bakla! Ito kasing pakening impaktitong malibogers kong Kuya na si Kuya Picollo eh hindi kami sinamahan sa pag-Media Noche kasi nasa loob pa siya ng kuwarto niya kasama ang haliparot niyang gf. Edi pinatawag sa akin ni Mudra ang dalawa kasi baka daw magutom.

Jusko diary, no'ng umakyat na ako sa kuwarto aba'y nakalock pa ang pinto! Kakatok na sana ako kaso narinig kong nagsalita siya.

" 'Yan, sige pa. Isubo mo pa. Mas masarap pag sinusubo mo nang sagad. " Nanlaki ang mata ko ghorl dahil sa narinig ko. ANG DAMOT NI KUYA! Kaya pala nagkukulong siya together with h̶i̶s̶ h̶e̶r̶ h̶i̶s̶ h̶e̶r̶ diary, ano nga ulit 'yong dapat gamitin? His ba o Her? Hay naku, tagalog na nga lang.

So yun na nga, kaya pala ayaw nilang lumabas kasi may dessert pala silang tinatago sa kuwarto ni Kuya huhuness. Ano kaya 'yon? Ice candy? Ice cream? Ice popsicle? Sabi kasi ni Kuya isubo pa daw eh. Anong dessert pa kaya ang sinusubo? Hmm, sana matikman ko rin 'yong dessert na binili nila. Saan kaya makakabili no'n?

So 'yon na nga, fast forward ulit tayo. Palagi na lang nag-fa-fast forward 'no? Ang hilig ko sa mabilisan 'no? Kasing bilis ng pag-iwan niya sayo hihi charot lang diary, lablab kaya kita. So 'yon na nga, bumaba na ako ta's pagdating ko sa kusina diary, grabe 'yong eksena shemss. Tapos na pala sila lahat kumain tas hinintay pa talaga ako na bumaba kasi ako daw ang maghuhugas ng pinggan huhu eh ayaw ko namang masira 'tong New Year ko kaya kiber lang. Mukhang vaklang alila tuloy ako huhuness. Is diz a pahiwatig na magiging tagahugas ako for the whole damn year? Oh taraaaay! English 'yorn diary hihi

Kinaumagahan diary, as usual nag-almusal na naman ako ng spaghetti na ininit for 09501019180 times. ( Tnt po 'yan, regular load lang salamat:)) Jusmeyo ghorl, hanggang kailan kaya 'to iinitin ni mudra? Aabot pa kaya 'to sa Valentine's Day? Hmm

So 'yon na nga ghorl, na-imbyerna pa ako lalo no'ng tanghali na huhuness. Gan'to kasi 'yorn. Siyempre lamonara ang diyosa niyo kaya busog na busog ako no'ng tanghali na shemss. Eh dahil nga busog ako pero gusto ko rin matikman 'yong niluto ni Mudra na inihaw na manok kaya kumuha ako ng isang piraso tas tinago ko. Shemss diary, nawili ako kakabasa ng Yaoi este Wattpad kaya di ko na tuloy napansin na alas dos na pala huhuness. Eh nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba na ako sa kuwarto ko. Pagpunta ko sa kusina diary huhuness parang gumuho 'yong mundo ko. Nawawala kasi 'yong isang pirasong paa ng inihaw na manok na tinago ko para ulamin kung sakaling magutom ako. Shutaness diary, parang gusto kong pumatay ng tao—charot lang, mabait kaya athwo.

Siyempre pumunta agad ako kay Mudra ta's tinanong ko kung nasaan 'yong ulam ko, diary. Shutanermssss , hiningi daw ng kapitbahay. Gusto ko tuloy kumuha ng paputok tas itapon sa bahay ng jejemon kong neighbors maygudnis! Pero siyempre dapat kalmado lang tayo ,diary. Pumunta ako sa kusina ta's buti na lang diary may isang Century Tuna pa ro'n. Labis-labis ang ngiti ko , diary. Kahit papaano eh makakakain na ako hihi. Kumuha agad ako ng plato tapos dumiretso sa kusina. Kaso pagbukas ko no'ng kaldero—SHWALAAAAAAAA! Wiz na kanin shemay! Pati ba nemern kanin ubos na? Ganiyan na ba ka shutay nyutom ang mga tao ngayon? Choss lang, PG din pala ako, nandamay pa ako ng iba.

No choice ako , diary. Kumuha ako ng bigas tapos sinaing 'yon. Jusme ghorl! Alam mo kung anong nangyari pang kamalasan sa akin? Jusko, hilaw 'yong sinaing kong bigas huhunesss. Ay kenaaaaat! Malas ba ang Year of the Monkey ngayong taon? Why should I— de joke lang, tanggap ko naman na malas talaga ako hihi.

Sige na ,diary. Bukas naman kita kakausapin, inaantok na kasi ako eh. Sinong hindi aantukin kung kakasimula pa lang ng Bagong Taon eh minalas agad? Shemss, sige bye na diary.

Minalas sa New Year,

Porschia

---

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now