KABAKLAAN ENTRY #49

9 5 8
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

Napakasama ng araw ko ngayon. As in napakasama! Sino ba naman kasing matutuwa kung ‘yong taong ayaw na ayaw mong makita eh bubungad sa ‘yo pagkagising na pagkagising mo pa lang.

Tama ka sa iniisip mo, diary. Si Jayson nga ang tinutukoy ko na buwisit at panira ng araw ko.

Nagising na lang kasi ako bigla, diary, kasi may naririnig akong umiiyak sa tabi ng kama ko. Siyempre, natutulog ako that time kaya bigla akong naalimpungatan dahil lang sa naririnig kong hagulgol.

Nang imulat ko na ang mata ko eh nakita kong si Jayson ito. Lumuluha siya habang nakatingin sa akin at parang may sinasabi. Hindi ko nga alam kung anong dapat kong maging reaction, eh. Kung magugulat ba ako o magagalit.

Pero dahil mas nanaig ang galit ko kaya bigla na lang akong napabalikwas mula sa higaan ko. Maging si Jayson ay nahalata kong nagulat sa biglaan kong pagbangon. Nagugulat pa rin pala siya? Akala ko sanay na siya sa mga surprises? Sinurprise niya nga ako nang malaman ko na siya pala ang may pakana ng lahat. Tang-ina lang niya!

“Anong ginagawa mo rito?” inis na inis na tanong ko sa kaniya. “Sinong nagpapasok sa ‘yo?”

“Potpot, kumalma ka lang, please? Nandito ako para bisitahin ka,” aniya.

Bisitahin? Para saan? Akala niya ba ay mababawi ng pagbisita niya sa akin lahat ng mga sakit? Mabubura ba no’n lahat ng mga kasalanan niya? Hindi naman, ‘di ba? So, bakit kailangan niya pa akong bisitahin?

“Para saan pa? Ano bang magagawa niyang pagbisita mo?”

“Porschia, huwag mo naman akong awayin, oh?” pagmamakaawa niya. “Nandito na nga ako para makipag-usap nang maayos sa ‘yo, eh. Pagbigyan mo naman ako kahit isang pagkakataon lang.”

“Isang pagkakataon? Nagpapatawa ka ba?” sarkastikong tanong ko sa kaniya. “Jayson, maraming pagkakaton na ang binigay ko sa ‘yo! Anong ginawa mo? Sinayang mo, ‘di ba?”

“Porschia, huwag ka namang ganiyan, oh,” malungkot na sambit niya. “Ayaw mo bang magkabati tayo? Gagawin ko ang lahat para lang magkabati tayo.”

“Gagawin mo ang lahat para lang maging maayos tayo?” tanong ko sa kaniya, at tumango na man siya. “Umalis ka sa harapan ko at huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan! Mapapatawad lang kita kapag ginawa mo ‘yon at kapag naibalik mo na sa akin si Nammy!”

“Potpot naman, alam kong nadadala ka lang ng galit mo sa akin. Sige, tatanggapin ko lahat ng masasamang salitang sasabihin mo. Tawagin mo na akong tarantado, gago, manloloko, makasarili, at kahit ano pang gusto mong tawagin sa akin. Tatanggapin ko lahat. Gawin mo na rin lahat ng guso mong gawin sa akin. Bugbugin mo ako! Sampalin, suntukin, tadyakan, duraan, sabunutan, at iba pa. Kung ‘yon lang ang tanging paraan para makaganti ka sa akin, tatanggapin ko. Potpot, nahihirapan na kasi akong makitang galit ka sa akin. Magbati na tayo, please.”

Tumawa ako nang napakalakas, pero hindi tawa na puno ng kasiyahan. Ito ‘yong tawang puno ng sakit. Tawang kahit na sino ay hindi matutuwang pakinggan.

“Sa tingin mo ba’y mababawasan talaga ng panlalait at pambubugbog ko sa ‘yo itong nadarama kong sakit?” sarkastikong tanong ko sa kaniya. “Sa tingin mo ba’y mapupunan ng mga iyon ang tiwalang nasira sa akin? Hindi, ‘di ba? Hindi no’n mabubuo ‘yong nasira kong tiwala! Hindi na no’n maaayos itong nawasak kong puso! Hindi na no’n maiibsan ang nadarama kong sakit! Hindi na, Jayson! Dahil kahit gaano pa karami at katindi ang gawin kong pagganti sa ‘yo, hindi no’n matutumbasan ang sakit na nadarama ko. Kulang pa ‘yon, Jayson! Kulang pa!”

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now