KABAKLAAN ENTRY #15

38 8 2
                                    

Dear Diary,

Ilang araw ko na talagang pinag-iisipan, diary, kung paano ako makababawi kay Nammy  pero wala pa rin talaga akong maisip na paraan. Nakakaurat na kaya pero keribels lang. Alam mo kasi, Diary, kapag nagkamali tayo eh hindi natin dapat pairalin ang pride natin. Kailangan din natin ibaba ito minsan lalo na kung alam nating tayo ang nagkamali at nakasakit ng kapuwa—pisikal man o emotional. Oh, 'di ba? Nakatanggap ka na naman ng words of condom mula kay Porschia, the Great. Hihi. Tama ba 'yong term ko? 'Di ba words of condom 'yong English term para doon? Hmm? Bahala na nga.

Ang ginawa ko, diary, eh inunblock ko muna siya. Hihi. Para machat ko siya. Naalala ko kasing ako 'yong namblock sa kaniya sa Messenger eh. Naiinis kasi ako tapos nababadtrip sa kaniya. Ang kulit-kulit niya kasi ako eh. Kung ano-anong sinesend sa akin. Ikaw ba naman ang matuwa na sendan ka ng message na kapag hindi mo raw sinend sa tatlumpong katao eh mamamatay ka raw kinabukasan. Hayst, ano nga ulit tawag doon? Charing message? Ewan, bahala na nga.

After kong ma-unblock siya eh nakita kong online na siya. Siguro ito na ang chance para manghingi ng sorry sa kaniya. 'Pag ito talaga nag-inarte pa, aba'y sasalpakan ko talaga 'to ng talong sa pempem niya. Hihi. Charot lang. Kalma lang, selp.

Nilakasan ko na ang loob ko, diary, kaya kahit nanginginig eh tinype ko na 'yong message ko sa kaniya.

“ Oyy, shibuli, sorry nga pala sa sinabi ko noong isang gabi. Peace na tayo, hihi. ” Kinabahan pa ako, diary, nang tuluyang ma-send yarn. Jusq, ano kaya ang sasabihin niya?

Naghintay pa ako ng ilang oras pero delivered pa rin 'yong message ko. Letseng shibuli 'to, daming learn ah? May kipay? May kipay? Ayy! Oo nga pala, ako lang pala ang wala. Shutanginerns larn, ganern?!

Kinabahan ako, diary, nang tuluyan niya nang na-seen ang message ko. 'Yong utak ko parang napunta sa pempem ko. May pempem ba ako? Wala 'di ba? So ibig sabihin wala rin akong utak. Hihi. Ang slow mo, Diary. Letseng thwo!

Mas lalo pa akong kinabahan nang mapansin ko ang ellipsis na gumagalaw na. Ibig sabihin ang dami niyang tinatype kasi antagal nang gumagalaw no'ng tatlong dots na yorn. Ano kaya ang sasabihin niya? Mang-ra-rant ba siya? Isusumbat niya ba sa akin lahat ng hinanakit niya? Isusumpa niya ba ako? Kasi kung ganorn nga, hindi ko yorn matatanggap. Aba'y kay bilis naman niyang mainlab sa akin para makaramdam ng grabeng hinanakit 'no? Ni konti nga lang ang exposure niya rito sa story ko kasi hindi na man siya ang Prince Charming ko 'no!

Kafal na nga ng mukha no'ng shibuli na yorn kasi palagi na lang siyang may eksena sa mga entry ko. Hayst, dapat nga wala eh. Magpasalamat na lang siya. Charr.

Maya-maya pa ay bigla nang nag-appear sa convo namin ang reply niya. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako or mauurat eh.

“ K. ”

Futaners! Sa tinagal-tagal niyang mag-type, yarn lang ang irereply niya? Nasaan ang razor?! Nasaan ang razor?! NASAAN ANG RAZOR?! KAKALBUHIN KO TALAGA 'YANG SHIBULI NA YARN! LETSE!

Pero kalma lang dapat. Nakababawas kasi ng ganda kapag nai-stress ang isang tao. Alam mo namarn na masyado akong maganda kaya ayokong mabawasan 'to.

“ Hoy, sorry na nga, eh! Ano bang gusto mong gawin ko? ” tanong ko sa kaniya, diary. Sincere ako 'no! Kaya 'wag kang echosera hihi.

“ Uhm, alam ko na! ” reply niya sa akin. Sa wakas at nag-reply na siya nang maayos.

“ Ano? ” nagtatakang tanong ko. Ano na naman kaya ang eksena nitong shibuli na 'to?

“ Lahian mo ako tapos ako pa rin ang top. ” Muntik na akong maduwal dahil sa sinabi niyang yorn. Ang kafal namarn ng ma-cholesterol niyang mukha 'no! Ako?! Lalahian siya?! Tapos siya raw ang top?! Yakiness! Mamatay man lahat ng top sa mundo pero hindi ako magpapabottom sa kaniya. Never ever! Periodt!

Ano kaya yorn? Period daw pero exclamation point ang ginamit. Hayst, pati ako naguguluhan na. Shutanginerns na shibuli 'to.

“ Letse! Bahala ka nga riyan! ” inis na reply ko at kaagad na nag-log-out. Jusq, ang daming learn ah! Patatawarin niya namarn ata ako tapos mukhang pinahihirapan pa ako. Hayst, ilang araw din akong nag-overthink 'no! Letse siya!

Agad na humiga ako sa kama ko para himasmasan ang hot kong head or in Tagalog, ang mainit kong ulo. Sino ba namarn kasing hindi iinit ang ulo eh nanghihingi na nga ako ng tawad kahit hindi naman siya nagbebenta tapos pagtitripan niya pa ata ako. Fyuking inerns lang talaga. Nakakabadmood.

Mabuti na lang at nariyan si Baby Howard para pakiligin ako. Hihi. Hindi talaga siya nabibigo na paibigin ako. Mukhang siya lang talaga ang lalaking iibigin ko.

Busy'ng busy ako sa pagtitig sa picture ni Howard nang biglang tumawag si Jayson. Buwisit siya, ilang araw na akong walang balita sa kaniya tapos ngayong nagmomoment ako eh 'tsaka siya eeksena. Epal lang?

“ Oh, bakit? ” kunwaring galit na tanong ko sa kaniya.

“ Luh, galit? ” tanong niya sa akin. Obvious ba? Malamang! Eksena kasi siya eh, 'di tuloy ako makapag-moment.

“ Anong kailangan mo? ” inis na tanong ko ulit sa kaniya, diary.

“ Ikaw, yieee! ” Natigilan siya, diary, nang hindi ako sumagot sa kaniya. Futaness namarn kasi, nagtatanong nang maayos tapos kung ano-anong sinasabi. Akala naman niya nakakakilig.

“ Hoy! Joke lang! Eto naman! ” panunuyo niya sa akin. Jowa ba niya ako para suyuin? Hays, ang buhay ay isang malaking putangina.

“ Kung wala kang sasabihin, ibaba ko na 'to, ” cold na sagot ko kunwari sa kaniya.

“ Oy! Huwag muna! Kaya nga kita tinawagan, Potpot, kasi na-miss kita, ” sagot niya sa akin.

“ Potpot ampotchi. Tapos? Akala ko nga patay ka na eh, ilang araw ka na kasing walang paramdam sa mga entry ko. ” Pinipigilan ko lang ang ngiti, diary. Siyempre na-miss ko rin si Jayson 'no! Boy best friend ko kaya siya.

“ Entry? Anong entry? ” Nagulat ako nang tanungin niya ako, diary. Hindi niya pala alam ang tungkol sa 'yo. Hihi. Siyempre sinikreto ko lang kasi nakakahiya naman kung may makababasa na iba sa 'yo , di ba? Mabibisto ang kalandian ko. Hihi.

“ Wala yorn, namali ka lang ng narinig. Oh, kumusta na tweety bird mo? Malaki na ba? ” pabirong tanong ko sa kaniya.

“ Oo, malaki na. Gusto mo bang makita? Halika rito sa bahay, ipapakita ko sa 'yo. Pramis ipapakita lang, ” natatawa niyang sagot.

“ Ayy, ipapakita lang? Boring, ” sagot ko sa kaniya at nag-rolled eyes pa. As if naman makikita niya 'yon, di ba?

“ Bakit, gusto mo rin ba hawakan? Ikaw, Potpot, ah. Manyakis ka na. ” Tawa pa siya nang tawa sa kabilang linya. Akala mo naman nakakatawa. Leche!

“ Balakajan! Bye! ” Ibaba ko na sana kaso bigla niya akong pinigilan.

“ Sandali lang! ” Tumawa pa muna siya. “ Magkita tayo sa Linggo, na-miss ko na talaga ang pangit mong mukha. May sasabihin din ako sa 'yo na mahalaga kaya pumunta ka sa park ah?! Aasahan kita. Bye bye, Potpot! Labyu! ” Pagkatapos niyang sabihin 'yon, agad niyang binaba ang linya.

Nainis ako sa kaniya, Diary, kasi ako dapat ang bababa ng linya. Letsugas siya! Nag-eksena pa ang hayuff. Pero kiber lang.

Pero ang iniisip ko ngayon, ano naman ang sasabihin ni Jayson sa akin sa Linggo? Bakit hindi na lang ngayon? Bakit hindi na lang through phone call? Bakit hindi na lang dito sa bahay? Bakit hindi pa ako nadidiligan? Bakit hindi pa ako chinuchur— charot!

Hays, Miyerkules pala ngayon. Matagal pa naman ang Linggo so makakapagready pa ako. Sa ngayon, si Howard na lang ang iisipin ko kasi ayos na man ata kami ni Nammy, eh. Fingerin ko yarn si Nammy kapag hindi pa niya tinanggap ang apology ko.

Howard, mah beybi, gusto na kitang makita ulit. Hihi, when kaya ulit? Hays.

Diary, next time na man ah? Matutulog na ako. Kailangan ko nang matulog, hihi. Ikaw,magpahinga ka rin. Letsugas 'to, hindi 'yong abang ka lang nang abang sa entry ko, hihi. Tingnan mo, oh. Sabog na sabog ka na tuloy. Kaderder. Hihi. Charr lang, bye, diary. Labyu!



Literal na nagmamahal,

Porschia

-

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now