KABAKLAAN ENTRY #37

10 5 8
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

Diary, magiging sinungaling ako kung sasabihin ko sa ‘yong ayos lang ako, kasi sa totoo lang, hindi talaga eh. Ang hirap-hirap isipin na bigla na lang akong iniwan ni Nammy nang walang paalam. Kung sinabi niya siguro sa akin ‘yong rason niya eh baka maintindihan ko pa. Kung sinabi niya agad sa akin na aalis siya eh baka mas natanggap ko pa nang maayos.

Pero hindi eh, hindi niya ginawa ‘yon. Inindian niya pa nga ako. Sinabi niya pa sa akin na magkita raw kami no’ng huli naming pag-uusap, pero anong nangyari? Hindi niya ako sinipot. Mabuti na lang at dumating that time si Jayson, dahil kung hindi, baka namuti na ang mata ko kahihintay.

Alam mo ba, diary, nahihirapan akong matulog kada gabi. As in sobrang hirap matulog. Sa tuwing pinipikit ko kasi ang mata ko, nakikita ko siya. Kahit saan ako tumingin, nakikita ko ang mukha niya. Kahit saan ako pumunta, naririnig ko ang boses niya. Bakit iya kasi ako sinanay nang ganito kung iiwan niya rlang din pala ako.

Bakit kasi hindi niya muna ako hinintay? Bakit kasi hindi niya muna ako pinagbigyan na makapagsalita at maamin sa kaniya ang nararamdaman ko. Napakamakasarili naman niya. Hindi niya man lang inisip na may masasatan sa pag-alis niya.

Pero hindi ko magawang magalit sa kaniya, diary. Hinding-hindi ko kayang magalit sa kaniya. Nagtatapo ako pero never akong magagalt sa kaniya. Mahal na mahal ko siya kaya mapapatawad ko kaagad siya. Basta bumalik lang siya, tatanggapin ko pa rin siya.

Hindi ko alam, diary, kung ilang balde ng luha na ang inilabas nitong napakaganda kong mga mata. Makapupuno na siguro ako ng ilang baldeng luha dahil lang sa kaiiyak. Hindi ko na nga rin magawang ayusin angmga gamit ko. Paano ko naman kasi magagawang ayusin ang mga gamit ko kung ang sarili ko ay hindi ko magawang ayusin. Paano ko malilinis ang buong kuwarto ko kung ang mismong may-ari nito ay napupuno ng kaguluhan ang isip. Ang hirap gumalaw kapag may problema ka. Pasan-pasanmo kasi ito kaya feeling mo ang bigat-bigat talaga nito, at hindi mo na magawa ang mga bagay na nagagawa mo noon.

Wala na akong pakialam. Bahala na nga! Gusto ko munang mapag-isa. Sa totoo lang, diary, noong isang araw pa ako hindi makakain nang maayos. Alam mo ‘yon? ‘Yong tipong paglunok na lang eh mahihirapan kapang gawin. Parang ang hirap kumain kung punong-puno ka ng problema. Parang feeling mo eh ambilis mong mabusg, ‘di ba?

Diary, may alam ka bang ibang paraan? Gusto kong makalimutan muna si Nammy, pero kung gagawin ko 'yon, mas mahihirapan siguro ako. Si Nammy ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin at ang mga alaala namin ang pinakamagandang pagyayari sa buhay ko.

Naaalala ko kasi lahat ng mga pangako niya sa akin, eh. Ang hirap-hirap. Bakit kasi pinanghahawakan ko pa 'yong mga pangako niya eh mukhang wala na siyang balak tuparin ‘yon. Kasi kung may balak siyang tuparin iyon, edi sana narito siya sa tabi ko ngayon. Edi sana hindi na ako malungkot ngayon. Masasabi ko na sana ang nararamdaman ko para sa kaniya. Magiging masaya na sana kami ngayon.

“ Porschia, alam kong masyadong mabilis. Pero alam kong ikaw lang talaga ang gusto ko kahit na hindi mo ako kayang magustuhan. Pero huwag kang mag-alala. Hindi kita susumbatan dahil ibinigay ko sa 'yo ang pagmamahal ko ng buong puso kaya mamahalin kita nang walang panunumbat. Ang tanging ninanais ko lang ay makasama ka kahit na ang iniisip mo ay iba. Salamat, Porschia. Salamat at pinagbigyan mo pa rin ako na makapasok sa buhay mo kahit bilang kaibigan lang. Hinding-hindi ko pagsisisihan na nagustuhan kita dahil ikaw ang isa sa mga pinakanatatanging biyaya sa akin ng langit. Mag-iingat ka lagi, Porschia. Mamahalin pa kita. ”

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon