KABAKLAAN ENTRY #42

6 5 11
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!


***

Dear Diary,

Oyy, may ikukuwento ako sa ‘yo. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o maiyak. Hindi ko alam. Basta ang importante eh nakita ko na si Nammy sa panaginip ko. Nagkaroon na kami ng pagkakataon na makapag-usap kahit sa panaginip man lang. Okay na rin naman para sa akin ‘yon, eh. Hindi ko naman kailangang magreklamo.

Siyempre, alam kong magtataka ka kung anong nangyari sa panaginip ko. Ikaw pa? eh chismosa ka rin, diary, ‘no?! Don’t me, diary. Don’t me. Hihi. Char!

So, ganito nga kasi ‘yong nangyari. Ang naaalala ko lang is nasa madilim lang ako na lugar. Hindi ko alam kung nasaan ako that time. Basta ang alam ko eh madilim lang talaga, at ang tanging liwanag lang na mayroon doon ay nasa puwesto ko mismo.

Takot na takot ako that time, diary. Kasi baka delikado pala sa lugar na ‘yon. Baka may mga wild animals sa paligid, tapos bigla na lang akong sugurin. Nakakatakot, ‘di ba?

Iiyak na sana ako kaso tinamad ako. Hihi. Char lang! iiyak na sana ako kaso may narinig akong kaluskos. Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yon, basta kinabahan na lang ako bigla.

Nang maramdaman ko na parang papalapit nang papalapit siya ay agad akong napapikit ng mata at tinakpan ko pa ito ng mga kamay ko. Inisip ko na katapusan ko na that time. As in ang lakas na talaga ng kabog ng dibdib ko at naluluha na rin ako dahil sa takot.

Kaso bigla akong nagulat nang may humawak sa kamay ko at inalis iyon mula sa pagkakatakip sa mga mata ko. Marahan niya lang na inalis ang kamay ko.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang masilayan ko kung sino man itong nasa harapan ko ngayon.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Natutuwa ako na nalulungkot. Naeexcite ako na kinakabahan. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ang nararamdaman ko. Pero ang pinaka-importante sa lahat ay narito na siya sa harpan ko ngayon.

Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito. Matagal ko nang hinihintay na mangyari ito. Matagal ko nang hinihiling ito at ngayon, nandito na nga siya sa harapan ko.

“Nammy? Ikaw ba ‘yan?” paninigurado ko at tumango naman siya. Dali-dali ko siyang niyakap. “Nammy! Ikaw nga! Matagal na kitang hinahanap.”

Hindi muna ako kumalas sa pagkakayakap dahiil gusto kong sulitin ang pagkakataong magkasama kami. Gusto kong yakapin siya nag mahigpit. Ayaw ko munang kumawala sa pagkakayakap ko sa kaniya dahil natatakot ako na baka mawala na naman siya sa akin once na pakawalan ko na muna siya.

Gusto ka pa sana siyang yakapin kaso siya na ang nagkusa na kumawala sa pagkakayap sa akin. Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata.

“Nammy, bakit ngayon ka lang?” naluluhang tanong ko sa kaniya. “Bakit ka umalis nang walang paalam? Matagal na kitang hinahanap. Matagal na kitang hinihinta, Nammy. Hindi ako nagagalit, okay? Gusto ko lang malaman kung bakit mo ‘yon ginawa.”

Humugot siya ng malalim na hinga. “Sorry, Porschia. I’m very sorry,” naiiyak ding sagot niya. “Mahirap para sa akin ang ginawa ko, but I did it already. I did it because that’s the right thing to do. Ayaw kong saktan ka, Porschia. Ayaw na ayaw kong gawin sa ‘yo ‘yon. Alam mo naman ‘yon, ‘di ba? Pero mas masasaktan kasi kita kapag nanatili pa ako sa tabi mo.”

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now