KABAKLAAN ENTRY #33

12 6 8
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

Matagal-tagal ko talagang pinag-isipan kung ano itong nararamdaman ko. Totoo ba talagang gusto ko na si Nammy? Pero paano ba nangyari iyon? Bakla ako, 'di ba? Hindi ako makapaniwala na nararamdaman ko ang kakaibang pakiramdam na ito.

Pero mukhang hindi nga ako nagkakamali sa naging reyalisasyon ko. Mukhang nagkakagusto na nga ako kay Nammy.

Paano ko ba kasi ipapaliwanag 'yong kuryenteng dumadaloy sa kamay ko sa tuwing nahahawakan ko ang kamay niya?

Paano ko ba maipapaliwanag ang paghinto ng oras sa tuwing natititigan ko siya?

Paano ko ba maipapaliwanag ang biglang pagkawala ng mga tao sa paligid sa tuwing kami ay magkasama?

Paano ko ba maipapaliwanag ang pagkatunaw ng puso ko sa tuwing naririnig ko ang boses niya?

Paano ba, Diary? Paano? Kasi ako, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa sarili ko. Hindi ko alam kung pag-ibig na ba 'to?

Kaya ba ganoon na lang kabilis na maka-move on ako kay Howard? Dahil si Nammy na ang gusto ko?

Siya rin ba ang dahilan kung bakit hindi ko magawang mahalin si Jayson?

Naguguluhan ako, diary. Hindi ko alam kung paano nangyari at nahulog ako sa kaniya? Hindi ako makapaniwala na mahuhulog ako sa isang babae.

Bata pa lang ako, alam ko nang isa akong DARNA! Kaya hindi ko sukat akalain na sa pagkakataong ito, maguguluhan ang puso't isip ko dahil lang sa nararamdaman ko para sa isang babae—at si Nammy pa.

Dumungaw ako sa bintana ng kuwarto ko upang magmuni-muni, kaso nagulat ako dahil nang makita ko 'yong poster na nakadikit sa tindahan eh nakita ko 'yong mukha ni Nammy.

Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya ibinaling ko sa ibang direksiyon ang paningin ko. Ngayon, nakatingin ako sa mga notebooks ko. Sinubukan kong kumuha ng isa ro'n dahil gusto ko ngang aliwin muna ang sarili ko pero laking gulat ko rin nang makita ko na si Nammy ang nasa cover no'n.

Kinusot ko ang mga mata ko at doon lang ako nakahinga nang maluwag nang mapagtanto ko na namamalik-mata lang pala ako.

Pero bakit nakikita ko na ang mukha ni Nammy kung saan-saan? Bakit ba kasi kailangang guluhin pa ang isip ko? Nahihirapan ako!

Pero kahit gaano karaming reklamo pa ang isumbat ko, hindi mawala-wala sa puso ko ang lakas ng tibok na 'to sa tuwing naiisip ko siya.

Gusto kong pigilan ito pero parang sinasabi sa akin ng puso ko na shutangina mo! Ang arte mong bakla ka! Nagmamahal ka na nga tapos aarte ka pa! Uhaw ka ba sa titi, gaga ka? Babae ang para sa 'yo, ulol!

Napahiga na lang ako sa kama ko at tumingin sa kawalan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Pero kung seryoso na talaga ako sa nararamdaman ko, paano ako aamin? Paano ko sasabihin sa kaniya na mahal ko na rin siya? Sigurado akong pagtatawanan niya ako at sasabihing pinahirapan ko pa siya eh magkakagusto rin pala ako sa kaniya.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now