KABAKLAAN ENTRY #17

30 9 4
                                    


Dear Diary,

Napakasaya ko ngayong araw, diary. Inimbitahan na naman kasi ako ni Howard na pumunta raw sa kanila. Siyempre hindi na pakipot ang amo mo, 'no! Sumugod na agad ako sa bahay nila. Hihi. Charot.

Siyempre nagtataka ka na namarn siguro, diary, kung bakit ako pupunta ro'n. Siguro sasabihin at iisipin mo na ' Ay! Ang landi naman ng amo ko! ' , ' Ay?! Siguro lalandiin naman niya si Howard? ' , ' Ay ay ay binurikat ang pu—' Stop na nga, Diary. Kung ano-ano nang naisusulat ko eh. Hihi. Ambantos mo talaga, diary. Che!

Pero seryoso na nga, diary. Ikaw lang naman kasi ang hindi sineryoso eh. Hihi. Sakit ba? Charr. So yorn na nga, ito kasing si Howard eh magpapaturo naman gumawa ng poster. Alam mo, kung hindi ko lang lablab si Howard eh matagal ko na 'yong nilunod. Shutanginerns! Pati paggawa ng poster eh di pa magawa. Ano ba ang keri niyang gawin? Ang paibigin lang ako? Cheret! Ikaw ang lunurin ko riyan, diary, eh! Fyuking enamels!

No choice ang gaga kaya pumunta na lang ako sa bahay ng soon-to-be husband ni Porschia. Naiimagine ko na tuloy kapag kasal na namin ni Howard mah labs. Nakasuot ako ng super duper mega ultra habang gown tapos hinihintay naman niya ako sa altar. Tapos kunwari umiiyak siya. Hihi. Umiiyak siya hindi dahil ikakasal siya sa pinakamagandang bayot sa balat ng lupa pero dahil sapilitan ang kasal namin dahil kapag hindi niya ako pinakasalan, eh hawak ko na man ang buhay ng pamilya niya. Chos!

Naabutan ko, diary, si Howard na mag-isa lang sa bahay nila. Nakakasad nga lang, diary, kasi hindi siya naka-boxer nang maabutan ko siya. Naka-shorts lang talaga siya tapos T-shirt. Sana man lang nag-sando siya para makita ko man lang ang kaniyang mga biceps. Hihi. Echoss.

Kaagad kaming pumasok ni Howard sa kuwarto niya at nagchurvahan—echoss! 'Wag ka ngang dirty, diary. Sinabi ko na sa 'yo di ba na dapat hanggang bibig lang tayo wasak pero manatili tayong virgin hanggang sa mahanap na natin ang true one. Gets mo?!

Nang pumasok na ako sa kuwarto ni Howard, naabutan ko na naman ang magulo niyang kuwarto. Hayst! Hindi man lang marunong maglinis 'tong baby ko. Nakaka-turn off namern. Pero okay lang, dahil kapag ako na ang napangasawa niya eh masisigurado kong laging malinis ang kuwarto niya. Kahit ang katawan niya dahil ako na rin ang maglilinis no'n. Hihi. Echoss lang ulit, diary.

Naabutan ko na naman 'yong mga nakatambak na papel pati ang nagkalat na mga paint brush, oil pastel, crayola, at iba pang coloring materials. Nakakabanas naman 'tong si Howard, mukhang paglilinisin pa ako. Pero ayos lang, handa naman akong pagsilbihan ang lalaking tinitibok ng pem— ng puso ko, hihi.

“ Pasensiya ka na, Porschia. Umalis kasi sina Mom at Dad kaya hindi ako nakapaglinis, ikaw pa tuloy ang nag-aayos niyan. ” Napakamot pa siya sa ulo niya, diary. Kunwari pa 'tong si Howard eh, gusto lang naman niya talaga akong palinisin ng kuwarto niya. Letsugas siya.

“ Ayos lang, may ipalilinis ka pa ba? ” pabiro kong tanong. Pero siyempre ayoko nang maglinis 'no! Tinatamad kaya ako.

“ Ah, eh, nakakahiya na man sa 'yo, ikaw pa tuloy ang naglinis. Pero 'yong cabinet ko kasi eh hindi nakasalansan nang maayos 'yong mga damit ko, pakisuyo na lang , ah? Salamat, Porschia. ” Nginitian niya pa ako, diary. Gusto ko mang mabuwisit dahil nahiya pa pala siya sa lagay na yarn pero hindi ko magawa. Nakabibighani kasi ang kaniyang killer smile. Huhu.

“ Ayos lang, basta para sa 'yo eh walang aayawan si Porschia. ” Nginitian ko rin siya, diary. As in ngiting-ngiti. Tapos bigla namang nagulat si Howard. Para ngumiti lang ako eh. Natakot ba siya sa face ko? Hayst!

Maya-maya pa eh narinig namin ang busina ng sasakyan ng kotse nina Howard. Dumating na siguro ang mga magulang niya.

“ Ay, Porschia, bababa lang muna ako. Uhm, makikisuyo na lang ng mga lilinisin, ah? Pagbubuksan ko lang ng gate sina Mom at Dad. ” Kumaway muna siya sa akin at agad na lumabas ng kuwarto niya.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now