KABAKLAAN ENTRY #7

45 9 0
                                    

Dear Diary ,

Owemji! Its been a long day na rin pala since last na nasulata kita huhu. Sorry , Diary , ah? Na-busy kasi ako. Kailangan kong tapusin ’yong mga additional activities na pinagawa sa amin. Alam mo namern na masipag talaga ako mag-aral hihi.

So ’yon na nga , Diary , hihi. Ang daming ganap nitong nakaraan , jusmeyo! Alam mo ba? ’Yong kapitbahay naming may anak na shomboy, ay naku! May scandal! Hindi ’yong scandal na nagchuchurvahan with video ah? ’Wag ka ngang dirty, Diary! Hmpk!

So ’yon na nga, jusmeyo , Diary. Nagulantang kasi kami noong isang araw. Eh pa’no ba naman, may sumugod sa kanilang isang buong pamilya tapos may isang ghorl do’n na iyak nang iyak. Eh siyempre nahawaan ako ni Mudra ng pagiging dakilang chismosa  niya kaya naki-usiyoso na rin ako ’no!

Ganito kasi ang nangyari , Diary. Ito raw kasing shomboy naming neighborhood eh pinagbibintangan siya raw ang nakabuntis doon sa ghorl na iyak nang iyak. Amputaness , Diary! HAHAHAHA isa pa HAHAHAHA! Mukhang tanga na ata lahat ng tao ngayon, ah? Eh paano ba mabubuntis no’ng shomboy ’yong ghorl na ’yon eh wala nga siyang flappy bird ’no! Anueyorn? May semilya rin ba ’yong dildong ginagamit nila kapag nagko-clover finger sila? Yakiiiieeerrrrrr!

Speaking of shomboy , Diary , hihi. Eto pa , noong isang araw eh habang bumibili ako ng sardinas kina Cristela eh nakakita ako ng pogi , Diary!!!! Oo, pogi siya! Kaso naka-leathee jacket siya that time ta’s ang kapal-kapal pa. Futaness, sinong tungaw ba ang magjajacket kahit tirik na tirik ang araw? Buti sana kung pinatitirik niya mata ko hihi. Choss lang , Diary, ’no ka ba!

So ’yon na nga, Diary, hihi. Palapit na siya nang palapit sa akin ta’s mukhang sa akin ata siya pupunta. Siyempre ako naman eh tinitiga—este kinikilig , Diary. Eh pa’no ba kasi! Ampogi-pogi niya kaya!

Nang makalapit na siya sa akin , Diary , eh bigla siyang nag- “ Hi ” . Amfutaness , Diary! Scam! Capital S-C-A-M ! JUSKOOO! Mas babae pa boses niya sa’kin! Shomboy rin ang shuta!

Kinikilig na sana ako , Diary tapos iniisip ko na ’yong magiging future namin ta’s kunwari kasal na namin tapos nakasuot na raw ako ng trahe de boda habang hinihintay niya ako sa altar ta’s malalaman kong shomboy pala siya? What the fact?!

Bigla akong nakaramdam ng pagsusuka , Diary. Neber in mah layp na nagnais akong magjowa ng babae, tapos shomboy pa? Ayy weyt? Bakit ba assumera ako? Binati lang naman niya ako , ah? Di naman niya sinabing manliligaw siya. Hay, naku , Porschia! Ang ganda ganda mo tapos assumera ka! Hmp!

So ’yon na nga , Diary. Tinanong niya ako kung ano raw pangalan ko, siyempre dineadma ko lang ’no!  In her face! Duh?!

“ Oyy! Nammy pangalan ko! Nammy Mingger ’yong fb name ko! Add mo ako ah? ” sigaw niya sa akin , Diary , pero ’di ko na siya nilingon. Hayufff mukhang hindi ko na ata kailangan mag-assume, Diary. Mukhang tinamaan ata sa akin ang shomboy na ’yon. Hmp, siguro katulad din siya ni Cristela. Napogian sa akin kasi bagong gupit ako. YAAAAAK! Mas lalong kaderder.

Bahala na nga siya, wala rin naman akong balak i-add siya ’no! Basta ako, kontento na ako kay Howard mah labss!

Speaking of Howard din, Diary. Diary, baka next week eh hindi ako makapagsulat ng entry ah? Eh kasi namern, si Howard kasi eh hihi. Pinilit niya akong turuan ko raw siyang mag-drawing. Oo, magdrawing, sa bahay raw nila hihi. Excited na tuloy ako , Diary. Ano kayang size ng lapis niya? Malaki kaya? Mahaba? Ano kayang kulay? Hihi. Hoy bastos ka , Diary , ah! Huwag ganiyan! Lapis lang talaga iniisip ko, pramis! Lapis lang talaga.

Alam mo, nirerespeto ko na man si Howard ’no. Pero kung mamanyakin niya ako, eh mamanyakin ko rin siya. Pero nirerespeto ko talaga si Howard hihi. Wag kang ano diyan , Diary! Punitin kita eh! Btw, when kaya ako mapupunit? Hihi eksayted much, charr.

Basta i-reready ko na nga lang , Diary , ’yong mga kakailanganin ko para maturuan siya. Ewan ko ba rito kay Howard, ang tagal tagal ko nang tinuturuan pero di pa rin makuha. Siguro gusto niya lang talaga ako makasama hihi choss lang ah!

Chinat ko na rin si Jayson, Diary. Mukhang nagtatampo pa ata. Balak niya raw kasing gumala next week tas magpapasama siya. Eh kaso nga, may gagawin ako kaya hindi ko siya masasamahan. Ewan ko ba rito kay Jayson, marami naman siyang straight friends pero sa akin pa rin nagpapasama. Hay naku! Ang haba na talaga ng bulbolcheness ko!

Sandali lang , Diary! HAHAHAHA juskooo! Nagulat ako bigla! May nag-add sa akin. Weyt lang ah, tingnan ko lang.

NAMMY MINGGER

OWEMJIIII! DIARY! SINABI MO BA SA KANIYA ITONG FB ACC KO? HUTANESS, PA’NO NIYA NALAMAAAAAAAN!

Sure ako na baka si Cristela na naman ang may kagagawan nito. Ang gargang ’yorn! Binugaw pa talaga ako sa shomboy? Well, kung pipili lang naman ako ng jojowain eh sisiguraduhin ko nang may twitwi bird hihi.

Weyt, tingnan pa natin ’yong bio niya.

Kaya kitang dalhin sa l4n6iT kahit daliri lang ang gamit.

#j4k0liZl4yP

JUSKO? AYKENAAAAAT! Kababaeng tao tapos jejemon? Owemjiii kung jejemon na ako, ano pa kaya siya?

Sandali, stalk pa natin , Diary. May sharedpost siya oh! Itong sabi...

Umagang kay Tigas🥶🥒

Ampotek?! Feeling may Nota ang shuta? Hayyy nakuuu! Ekis! Delete request na lang natin siya , Diary. Ini-stress niya lang ako huhuness. Report na rin natin hihi.

Sige na , Dairy. Bye na muna. May gagawin pa ako eh. Hoy, ikaw ah! Next week wala ako! Dapat stay virgin ka pa rin! Huwag ka munang magpagalaw sa iba ah? Susunugin talaga kita ! Hihi, choss lang , Diary. Labyuuu

Napagtripan ng shomboy,

Porschia.

---

A/N: Sorry sa sabaw na update HAHAHAHA bawi na lang ako next time:)) salamat sa pag-intindi. Pero kumg hindi mo rin ma-gets, pahahalikan talaga kita kay vaklang Porschia, sige ka! HAHAHAHA choss. Abangan niyo na lang po kung ano pang kagagahang mangyayari sa nag-iisang binalatang mukhang lupang vakla! Our beloved Porschia, hihi.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now