KABAKLAAN ENTRY #11

28 7 3
                                    

Dear Diary,

Hihi. Pasensiya na, Diary. Tinapos ko lang 'yong essay na sinusulat ko kanina. Nakakabanas nga eh, shutanginerns lang. Sabi kasi sa English eh gumawa raw kami ng essay about sa gusto naming topic so pinili ko na lang 'yong Gender Equality. Sinabi ko roon na kahit ano pang kasarian natin, maging girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy ka pa, as long as wala kang tinatapakang tao eh deserve mong madiligan—charot! Siyempre deserve mong respetuhin at mahalin 'no! Ang ganda ng essay ko, Diary. Pramis! Ipapakita ko sa 'yo next time. Hihi.

Asan na nga ulit tayo? Ay bobo! Nasa kuwarto pala. Hihi. Ang shunga-shunga mo, Diary. Hindi tuloy ako makapag-concencrate. Oh! Pak! English yorn! Ang meaning ng concencrate ay hindi makapag-focus. Inexplain ko na, Diary. Baka kasi di mo knows, boba ka pa naman. Haha. Charr lang.

So 'yon na nga, Diary. After namin kumain no'n eh as usual, tumulong kami sa paghugas ng mga plato. Nagsidatingan na rin 'yong ibang bisita nina Lola pati na rin ng mga Tito't Tita ko. Kaagad na binati nila si Lola. Alangan naman ako? Ako ba may birthday? Lokang 'to!

Pumunta na agad ako sa kusina lara tulungan si Mama sa paghugas ng pinagkainan. Hay naku, kasing laki na ata nitong kuwarto ko 'yong kusina nina Lola. Iba talaga kapag may keri sa buhay, 'no? When kaya? Hmm, maghahanap na nga lang ako ng papa de asukal para makaahon sa buhay. Cheret!

So 'yon na nga, after maghugas eh pumunta muna ulit ako sa kuwarto ni Sai. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro. Jusq nemern! Mukhang wala ata siyang panahong lumandi dahil puro na lang libro hawak niya. Napaisip tuloy ako. Tuyo na kaya ang lumpia niya? Hmm, matanong nga later.

Nilibot-libot ko ang paningin ko sa book shelve niya. Ang daming libro shutanginerns! Nakakalula sa dami. Nakekeri kaya niyang basahin 'to?

“ Sai, ilan na ba nabasa mo rito? ” tanong ko sa kaniya habang nakatingin pa rin ako sa mga libro.

“ Lahat 'yan, ” sagot niya sa akin habang nagbabasa pa rin siya ng libro. Kitang-kita sa peripenial vision ko na yorn ang ginagawa niya. Oh pak! New word yorn, Diary! Alam mo ba 'yong meaningng peripenial, huh? Wala ka pala, eh! Alamin mo na lang, tinatamad akong mag-explain.

“ Seryoso?! Hindi ba dumudugo utak mo? Jusq, mukhang mamamatay ako kapag binasa ko lahat 'to, ” sagot ko sa kaniya.

Tinawan niya lang ako, Diary. “ Baliw! ” sabi pa niya habang nakangisi.

Ano kaya 'yon? Siya 'tong tumatawa mag-isa kahit wala namang nakakatawa tapos ako pa tinawag na baliw. Leche! Buti na lang talaga at hindi ako nasobrahan ng katalinuhan dahil baka matulad ako rito kay Sai. #safe

Nagpatuloy lang ako sa pagsulyap sa mga libro hanggang sa kinuha ko 'yong isang makapal na libro. Tiningnan ko 'yong title no'n

Harry Potter and the Seven Dwarfs.

Luh, Diary, may story pala na gano'n? Ngayon lang ako na-inform ah. Jusq, mukhang mas na-stress ako lalo kaya binalik ko na lang.

Mukhang busy pa rin si Sai sa pagbasa ng libro niya kaya ang ginawa ko eh pinakialaman ko na lang 'yong ruby's cube niya. Alam mo ba, Diary, kung ano ang ruby's cube? 'Yong binubuo siya, Diary, tapos may six na colors. Hihi. Oo, ruby's cube daw tawag doon. Ang witty ko, 'di ba?

Sinimulan ko nang laruin 'yong ruby's cube, Diary, kaso shutaness larn ah! Ang hirap pala laruin nito. Sa .ga nakikita kong video eh ang dali-dali lang. Hayst!

Pero dahil may witty akong brain, BWAHAHAHAHAHA! Oo, natatawa ako! Tinanggal ko isa-isa 'yon tapos nang matanggal ko na eh inayos ko ulit hanggang sa mabuo ko then shwalaaaaa! Hay naku! Ang dali-dali lang pala, eh. Nashushunga lang talaga ako kanina kaya hindi siguro gumana ang witty kong brain.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें