KABAKLAAN ENTRY #21

25 9 9
                                    

Dear Diary,

Tumawag ulit sa akin si Jayson, diary. Pero tulad nga ng sinabi ko, hindi ko pa rin sinasagot ang tawag niya. Hindi ko na rin nirereplyan ang mga message niya. Siyempre mahirap din para sa akin 'to 'no? Kasi siyempre andami na naming pinagsamahan. Marami na rin kaming memories na nabuo since bata pa kami hanggang ngayon. Marami na kaming kabaliwang ginawa. Lahat ng iyon, siya ang nakasama ko. Pinagtatawanan nga kami ng mga magulang namin kasi mukha na raw kaming magkakambal dahil sa halos hindi na kami magkahiwalay.

Pero ngayon? Imposible nang magmukha kaming kambal. Halos ipagtulakan ko na kasi si Jayson para lang hindi makalapit sa akin. Ang arte ko 'no? Oo na! Masama na ako sa paningin mo, diary, at sa paningin ng mga nagkaka-crush kay Jayson pero masama bang maging matured lang mag-isip? Masama bang mas iniisip ko ang ikabubuti ng lahat?

Nabasa ko kasi sa modules namin, diary, sa ESP na kailangan daw nating gamitin ang kalayaan natin sa pagpili ng tama at mali. Alam mo kasi, diary, ang pagpili ay kilos na ng tao. Pero ang pagpili ng makabubuti? Ito na ang tinatawag na makataong kilos. Oh, teacher na pala ako ngayon, diary. Hihi. Iba talaga kapag naguguluhan ang utak kasi kahit wala akong utak eh lumalabas ang katalinuhan ko. Hihi.

Pero, diary, hindi lang talaga si Jayson ang prinoproblema ko. Ilang araw na kasi 'di bang naging cold sa akin si Howard? Tapos ngayon nga hindi niya na talaga ako nirereplyan. Ghinost niya na ba ako, diary? 'Yong last message ko kasi sa kaniya eh kahapon pa pero hanggang ngayon wala pa rin akong nakuhang sagot.

Ang weird nga, diary, eh. Hindi naman siya online kagabi pero nakita ko 'yong last sharedpost niya na 8 hours ago pa nang i-share niya yorn. Huhu. Ang creepy namarn, diary. Puwede ba yorn? Makakapag-sharedpost ka pa rin kahit hindi ka online? Paano? Turuan mo ako, diary.

Hindi ko alam kung anong nagawa ko kay Howard para hindi niya ako pansinin. Hindi naman siya ganito sa akin dati eh. Pinapansin niya naman ako. Kahit papaano eh nagrereply siya sa mga chat ko. Pero ngayon? Alaws na. Nganga na ang loka. Ang tanging puwede ko na lang gawin ngayon ay magjakol—este magmaktol. Hayst! Ang bastos mo talaga, diary! Hindi na ako natutuwa sa 'yo, ah! Che!

Diary, bakit ako naluluha? Bakit feeling ko iniiwasan ako ni Howard? Magkasabuwat ba sila ni Jayson, diary? Sinabi ba ni Jayson sa kaniya na iwasan ako?

Pero parang imposible naman 'yon. Alam kong hindi rin sila magkasundo kaya alam kong hindi sila mag-uusap.

Pero paano nga kung ginawa 'yon ni Jayson? Paano kung ginawa niya ang lahat para lang iwasan ako ni Howard? Paano kung binayaran niya si Howard na iwasan ako? Ang malaking katanungan pa, saan naman siya kukuha ng pera pambayad? Di ba? Minsan talaga, diary, hindi mo ginagamit ang utak mo. Hayst!

Diary, aykenaaaaaaaat! Hindi ko keri na mawala si Howard sa akin. Iniiwasan ko na nga si Jayson tapos ang nag-iisang inspirasyon ko pa eh mawawala? Huwag naman sana. Ayokong dumating sa point na ang shibuling Nammy na lang ang matira. Huhu. Aykenaaaat!

Feeling ko talaga, diary, ambigat-bigat ng katawan ko. Hindi naman dahil sa nadagdagan ang timbang ko pero parang ayaw ko munang tumayo. Parang ayaw kong gumalaw. Kumain. Maligo. Kahit ano parang nakakatamad gawin. Ganito ba talaga, diary, kapag patong-patong na ang problema? I don't deserve this problem! Charot!

Sana problema na lang din si Howard, para napapatungan niya ako. O kaya sana kalungkutan na lang siya, para nakakain niya ako. Hayst! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni ng biglang mag-ring ang cellphone ko, diary. Nakakainis! Si Jayson na naman siguro 'to! Kailan niya ba ako tatantanan? Kailan niya ba ako iiwasan? Titigilan ang nararamdaman niya para sa akin? Nakakasawa na kasi. Nakakasawa nang makita siyang baliw na baliw sa kagandahan ko. Huhu.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now