KABAKLAAN ENTRY #48

8 4 8
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***



Dear Diary,

Kagigising ko lang, diary, pero rinig na rinig ko na naman ang boses ni Mudra. Ewan ko ba pero mabubuhay talaga kahit si Sleeping Beauty once na mag-ingay na si Mudra. Kabilin-bilinan pa naman ng doktor na bigyan ako ng sapat na tulog at pahinga, pero mukhang papatayin na talaga ako nito ni Mudra, eh. Letseng ‘yan! Mas mammamatay pa ako sa ingay niya kaysamaay leukemia, eh.

Hindi ko alam kung anong dahilan ni Mudra at tuwang-tuwa na naman siya. Akala ko ba eh nalulungkot siya dahil may sakit ako? Pero bakit parang tawang-tawa pa siya ngayon? Ano ba talaga ang problema nitonng si Mudra at umagang-umaga ay tawa nang tawa? Naabala niya tuloy ang pagtulog ko.

Iminulat ko ang mata ko at nakita ko na hindi lang pala si Mudra ang nasa loob ng kuwarto ko ngayon. May kasama siyang isang may edad na rin na babae na may maayos na pananamit, at may kasama naman itong lalaki na sa hula ko eh ang asawa niya. Hindi ko alam kung anong gagawin nila rito. Bakit ba kasi napili pa nila itong kuwarto ko na venue ng pagchichismisan nila?

“Oh? Pocholo, gising ka na pala?!” bungad sa akin ni Mudra at lumapit siya sa akin. Sumunod din naman sa kaniya ‘yong kasama niyang mag-asawa pa ata.

“Anong meron? Ba’t ang ingay-ingay mo na naman?” naiiritang tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya. “May good news ako sa ‘yo! May nakuha na kaming donor para sa bone marrow transplantation mo,” sagot niya. “Ito nga pala sina Mr. and Mrs. Lacsinto, sila ‘yong willing na tumulong sa atin para sa financial needs natin. Wala na tayong dapat problemahin pa, Pocholo.”

Tiningnan ko itong sinabi ni Mudra na Mr. and Mrs. Lacsinto raw. Nginitian din nila ako. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit ang ngitian sila pabalik ay hindi ko magawa. Naaawa kasi ako sa kanila. Mag-aaksaya lang sila ng perang ipantutulong para sa pagpapagamot ko.

“Hi, Pocholo!” bati sa akin no’ng ginang. “Ako nga pala si Amelia Lacsinto, tawagin mo na lang akong Tita Amy. Nice meeting you!”

Kinamayan ako ni Mrs. Lacsinto, o tawagin na lang daw nating Tita Amy. Nakipagkamayan din naman ako kasi nakakahiya naman, ‘di ba?

“Hello, Pocholo!” bati naman sa akin no’ng kasama niyang lalaki. “Ako naman si Fernan Lacsinto, asawa ako ni Tita Amy mo. You can call me Tito Enan if you want. Nice meeting you!”

Nakipagklamayan din ako sa kaniya, pero sadyang naging walang gana lang talaga ang pagpapakilala ko sa kanila. Wala rin naman kasi ako sa mood, eh. Bukod kasi sa kagigising ko lang, alam kong pag-uusapan lang nila ‘yong gagawing pagpaplano para sa nalalapit na chemotherapy treatment ko. Nakakaumay na rin.

“So, how you doin’, Pocholo?” pangangamusta sa akin ni Tita Amy. “May nararamdaman ka bang hindi maganda ngayon?”

Umiling lang ako. “Inaantok lang po talaga ako.” Pinilit ko pa ang sarili ko na humikab para mas kapani-paniwalang inaantok pa talaga ako.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now