KABAKLAAN ENTRY #6

48 9 0
                                    


Dear Diary,

DAYARIIIIIII! I MISS YOU NA HUHUNESS. Ilang araw rin pala akong hindi nakapagsulat ng entry ko. Kainis naman kasi 'tong modules eh, eksena lagi sa buhay ko huhuness. Btw, Diary, kumusta ka na? Virgin ka pa ba? Matagal ka na kasing nakatengga rito sa mesa ko, baka kasi nagalaw ka na ng iba hihi. Wag ganern , diary , ah? Dapat stay pure and virgin ka just like your amo hihi.

So ’yon na nga , Diary. Ikukuwento ko sa iyo ’yong nangyari. Alam mo ba , Diary , na eto na yata ang pinaka-WORST day eveeeeeer! Charot, lagi namang masama araw ko eh hihi. Siguro pinaglihi ako ni Mudra sa sama ng loob? Eto talagang si Mudra, panira ng layp ko huhuness.

So ’yon na nga. Epal kasi ’tong si Mudra ko, Diary. Eh pinilit ba naman akong magpagupit ng buhok! Shutaness! Huhuness! Yawaness! From having a g̶o̶r̶g̶o̶u̶s̶  g̶e̶o̶r̶g̶u̶s̶  g̶o̶r̶g̶o̶e̶u̶s̶  g̶o̶r̶  shuta! Mahaba na nga lang! So ’yon na nga, from having a long hair owemji! Naging manly cut na lang siya ghorl huhuness.

Alam mo ’yong gupit na uppercut, Diary? Oo, ’yong parang kinalbo sa gilid ng ulo pero medyo mahaba pa rin ’yong buhok sa taas. Oo , ’yon nga! ’Di ba uppercut tawag do’n? Jusq , basta knows mo na ’yon hihi.

So ’yon na nga , Diary. Kainis talaga kasi hindi ako komportable sa buhok ko ngayon. Gusto ko pa rin na mala-Rapunzel ang buhok ko. Eh kaso sabi ni Mudra na-i-stress daw siya sa buhok ko kasi nga ang dry-dry niya na , Diary. Eh pa’no ba naman kasi? Walang shampoo lagi sa bahay eh. Siyempre bareta na lang ginagamit ko.

Naiinis din ako kay Kuya Pocholo minsan , Diary , kasi ang aksaya niya sa shampoo. Alam mo ba no’ng isang araw eh maliligo na sana ako kaso ambagal ni Kuya kumilos shutaness. Eh halos kalahating oras na akong naghihintay tapos ’di pa siya lumalabas sa CR. Lubid ba ’yong nilalabas ni Kuya na tae at parang ang tagal-tagal naman niya.

Nang makalabas na si Kuya , Diary , eh mukhang pawis na pawis pa. Ano kaya ’yon? Gano’n ba kahirap tumae at parang wagas naman siya kung maka-ere dahil halata rin sa pawis niya. Jusmeyo!

Deadma ko na lang siya , Diary , at pumasok na ako sa banyo. Siyempre nang makapasok na ako eh naghubad na ako sabay buhos ng tubig. No’ng magshashampoo na sana ako , Diary , eh wala na palang shampoo shutanes! Triny ko maghanap pero wala talaga huhu.

Pero alam mo ba, Diary , na may nakita akong siyampo sa gilid ng bowl namin. Oo! Futaness na Kuya ’yon! Kaya pala nauubusan ng shampoo eh inaaksaya niya lang.

Kaagad kong kinuha ’yong shampoo na nasa gilid ng bowl, Diary. Diary, bakit gano’n? Wala naman akong naaalalang malagkit ang shampoo ah? Ba’t ’yong shampoo'ng nakuha ko eh malagkit? At saka , Diary , nang inamoy ko ’yong shampoo eh amoy zonrox. Bakit kaya? ’Di ba dapat mabango ’yon?

Nilalamig na ako , Diary , that time kaya ginamit ko na lang ’yong shampoo'ng nakuha ko hihi. Hindi pa nga siya bumubula eh pero deadma na lang. Siguro eh kaunti lang talaga ’yong shampoo'ng nagamit ko hihi.

Fast forward na tayo , Diary hihi. So ’yon na nga, kuwento ko naman sa’yo ’yong ganap kanina after kong magupitan ng buhok huhuness. Eh kasi si Mudra nagluto ng adobo. Eh shushunga-shunga naman si Mudra, magluluto ng adobo tapos walang toyo? Meganern? Edi ang naging eksena eh ako ’yong pinabili ni Mudra ng toyo doon sa tindahan ni Aling Concha. Shutaness, stress na stress ako ghorl kasi ayokong ma-expose ’tong mukha ko lalo na’t bagong gupit pa huhuness.

Pero alam mo na man , Diary , na wala tayong lavarn sa kapangyarihan ni Bathalumang Ether kaya kailangan nating maging masunurin huhuness.

Kinuha ko na ’yong perang pambili , Diary , at pumunta na sa tindahan. Oo, sinigurado ko na talaga na may pambayad na ako this time. Ayoko nang matulog do’n sa Baranggay Outpost ’no!

Pagdating ko sa tindahan eh walang bantay kaya siyempre sumigaw ako. Liek this oh! “PAAAAABIIIIILIIIIIII !!!

Narindi sila siguro sa boses ko , Diary , kaya biglang dumating si Cristela na anak ni Aling Concha. Nang makita niya ako , Diary , eh parang shungang napatulala siya sa akin. Bakit , Diary? Ngayon lang ba siya nakakita ng Diyosa? Shutaness!

“ A-Anong gusto mo? Ako? ” malanding tanong niya sa akin , Diary. Futaness ’tong Cristela’ng ’to! Mukha ’di pa ata ako namumukhaan ah?

“ Hoy gaga! Ako ’to , si Porschia. Shutang ina ’to! ” pambabara ko sa kaniya , Diary. Well, kung lalandiin niya ako, not me! Yes, you read it right! Not me! Eh baka nakakalimutan niya na ako lagi ang taga-buhat niya kapag malapit na siyang matalo sa Chinese Garter no’ng mga bata pa kami ’no! Ako nga lagi ’yong Mother eh!

“ Porschia? Ikaw pala ’yan? Akala ko ikaw na ang forever ko. ” Ang gaga! Nag-byutipol eyes pa! Pagpasensiyahan mo na , Diary , ah ? ’Di ko alam spelling ng byutipol eh hihi. Sor’na!

“ Yakinessss! Kadiri ka , Cristela ah! For your intonation, ’di kita bet ’no! ” sigaw ko hihi.

“ Gaga! Anong intonation? Baka incorporation? ’Yon kaya ang meaning ng FYI! For your incorporation! ” pambabara niya sa akin. Shutaness, masyado bang halata ang kabobohan ko , Diary?

“ Alam ko! Tinetest ko lang kung alam mo rin! Siyempre, bobita ka ’di ba? ” palusot ko, Diary.

“ Well, hindi na ngayon! Alam mo ba na muntik na akong maging Top 1 sa klase? ” pagmamayabang niya, Diary. Ang shufal naman ng mukha niyang magmayabang ah!

“ Luh, ikaw? Paano naman? ” nagtatakang tanong ko , Diary. Malay mo, malaman ko rin ’yong style niya hihi.

“ Eh kasi naman, sabi ni Ma’am na ang Top 1 daw sa klase namin eh ’yong katabi ko. Siyempre tinuro niya katabi ko, so muntikan na rin akong maturo ni Ma’am . ” Ang gaga! Boba ba ’tong si Cristela? Jusko, kung ako sa kaniya eh nakipagpalit na lang sana siya sa katabi niya ng upuan para siya ang maging Top one. Hay naku! I’m so witty talaga!

“ Bahala ka na nga diyan! Pabili na lang ako ng Toyo at Paminta. ” Ibinigay niya na sa akin lahat ng binili ko , Diary , at agad na umuwi sa bahay. Pagdating ko do’n eh binigay ko na kaagad kay Mudra ang mga pinabili niya at saka pinagpatuloy niya na ang pagluluto niya.

’Yon na muna ang ichichika ko sa’yo , Diary, ah? Kakain na kasi kami hihi. Next time naman, babalitaan kita pag may jowa na ako hihi. Promise ’yan! Bye bye , Diary! Labyuuuu!

Bagong gupit ,

Porschia.

---

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now