KABAKLAAN ENTRY #35

6 4 14
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

Diary, kinakabahan na talaga ako. Hindi na 'to simpleng kaba, eh. Mukhang takot na ata 'tong nararamdaman ko.

Sino ba naman kasi ang hindi matatakot kung 'yong taong gusto mo eh halos isang linggo nang hindi nagpaparamdam sa 'yo?

Tama ka sa nabasa mo, Diary. Limang araw nang walang paramdam si Nammy. Hindi ko alam kung bakit, pero natatakot na talaga ako. Kung ano-anong naiisip ko.

Kasi isipin mo, diary... Kung sakaling nagkaroon man ng emergency sa kanila, maaalala niya pa rin ako, at sapat na rason na 'yon para magparamdam siya sa akin.

Pero hindi eh! Sa loob ng limang araw na 'yon eh hindi man lang siya nagparamdam ni isang segundo. As in wala! Hindi man lang ako makatanggap ng text or missed call sa kaniya.

'Yong huling pag-uusap talaga namin eh no'ng araw na nagkita kami ni Jayson. Ilang beses ko na rin atang nasabi sa 'yo 'yon. Wala nang sumunod pa na pag-uusap, at natatakot akong hindi na masundan 'yon.

Namimiss ko na siya, diary. 'Yong mga pang-aasar sa akin ni Nammy. Miss na miss ko na 'yon. 'Yong pagpapakilig niya sa akin, 'yong mga panlilibre niya, 'yong panggugulo niya sa buhay ko. Sobrang namimiss ko na 'yon.

Napaka-oa ko nama talaga tingnan, pero nasanay na kasi ako sa mga iyon. Hindi ko na nakikita ang sarili ko na hindi ko kasama si Nammy. Ito ngang limang araw na walang usap o paramdam eh nahihirapan na ako, what if pa kaya kung tumagal 'to—or worst, hindi na talaga siya magparamdam.

Hindi ko kakayanin 'yon, diary. Hindi ko kakayaning mawala sa akin si Nammy. Siya ang kailangan ko, diary. Siya lang talaga. Hindi ko nakikita ang sarili kong may minamahal na iba dahil alam kong siya mismo ang nagturo sa akin mg kahulugan ng tunay na pag-ibig.

Gulong-gulo na ang isip ko, dairy. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Puntahan ko kaya siya sa apartment niya? Pero ginawa ko na 'yon kahapon, eh. Sabi pa nga sa akin ni Aling Tasing eh hindi na raw umuuwi ro'n si Nammy. Kung pupuntahan ko naman siya sa kanila, wala naman akong pamasahe. Kung mayro'n man ay hindi pa rin ako siguradong makakapasok ako dahil sobrang higpit ni Manong Guard.

Susubukan ko ulit siyang i-chat, diary. Malay mo sa pagkakataong ito ay mag-reply na siya.

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko, diary, at agad na pinuntahan ang conversation namin, pero laking gulat ko nang makita ko ang hindi inaasahang pangungusap.

* You can't reply in this conversation anymore. Learn more. *

Wala na 'yong mga messages niya, at hindi ko na rin ma-search ang pangalan niya sa Facebook. Sinubukan ko rin siyang i-search sa iba pa niyang social media account, pero naka-block na rin ako.

Sinubukan ko rin siyang tawagan, pero naiyak lang ako nang mapagtanto ko na wala pala akong load pantawag.

Hindi ko alam kung bakit at paano 'to nangyayari, pero ang alam ko lang ay hindi 'to normal. Hinding-hindi 'to gagawin sa akin ni Nammy dahil mahal niya ako. Hinding-hindi niya ako iiwan. Ipinangako niya sa akin noon na hinding-hindi siya aalis sa tabi ko.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon