KABAKLAAN ENTRY #26

10 7 7
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

Akala ko kaya ko. Akala ko tanggap ko na. Pero sampung araw na mula nang iwasan ako ni Jayson, diary, pero masakit pa rin talaga. Siguro nga naging hipokrita lang ako nang sabihin kong tanggap ko nang umalis siya. Pero hindi, eh. Hindi ko pa rin matanggap.

Ayaw ko lang ipahalata kay Nammy na malungkot ako pero ang totoo, parang sinasaksak pa rin ako sa katotohanang ako ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin ni Jayson.

Pero alam mo ba, diary, kung ano pang mas masakit? 'Yong dahilan kasi kung bakit hindi ko magawang mahalin pabalik si Jayson eh tuluyan na rin akong iniwasan. Tama ka, diary. Si Howard nga.

Wala na talaga akong natatanggap na message at call kay Howard. Hindi tulad noon na cold and late replies lang. Ngayon, wala na! As in walang-wala na. Gusto kong maghinagpis, diary. Gusto kong magwala! Pero paano? Hindi ko puwedeng ipakita sa iba na nasasaktan ako.

Hindi ako 'to, diary. Hindi na ako ang dating Porschia na masayahin. Hindi na ako 'yong dating Porschia na ang tanging problema lang sa buhay ay ang pagligo araw-araw. Hindi na ako ang dating Porschia na ang tanging iniisip lang ay ang mga lalaking pornstar. Hindi na ako ang dating Porschia na palaging nakangiti at tumatawa.

Siguro nga ngumingiti ako, pero peke na 'yon. Mas peke pa ang mga ngiti ko sa fake boobs at eyelashes ng inggrata kong neigbor.

Nang umulan ba ng kanalasan, diary, ako ba 'yong nakarami ng nasalo? Ako ba 'yong nakakuha ng grand prize nang nagpa-raffle ng kamalasan sa buhay? Kasi kung oo, pinagsisisihan kong sumali pa ako. Pinagsisisihan kong naki-eksena pa ako. Ayoko na, diary. Sawang-sawa na akong maging malungkot.

Sa bawat araw na lumilipas, wala akong ibang iniisip kun'di ang mga pagkukulang ko. Saan nga ba ako nagkulang? Sa puwet ba? Sa boobs? Kulang ba ako sa utak? O kulang-kulang lang talaga ako?

Pero hindi, eh. Hindi ako ro'n nagkulang. Dahil kung tatanungin mo kung saan ako nagkulang, sasabihin ko sa 'yo, diary. Napakarami! Mas marami pa sa utang ng PhilHealth. Charot!

Nagkulang ako bilang isang kaibigan. Nagkulang ako sa pag-unawa sa kaniya. Nagkulang ako sa pagprotekta ng nararamdaman niya, diary. Hindi ko man lang siya magawang pasayahin sa mga panahong alam kong ako ang kailangan niya.

Nagkulang din ako, diary, sa taong gusto ko. Paano ko nasabi? Dahil kung naging sapat ako, hindi naman siguro niya ako paaasahin. Hindi naman niya ako paghihintayin at mas lalong hindi niya ako iiwasan.

Diary, why namarn ganorn? Why namarn kailangang maging ganito pa kagulo ang sitwasyon? Nakaka-umay na!

Pero bakit ko nga ba pinagsisiksikan ang sarili ko sa kaniya 'no? Sino nga naman ang magmamahal sa tulad kong bakla?

Pero si Jayson, minahal niya naman ako kahit bakla ako. Bakit hindi ko naman siya magawang mahalin?

Hayst! Ang gulo na talaga, diary. Ang gulo-gulo na! Mas magulo pa sa bulbolchenelens na nagkabuhol-buhol. Omaygad!

Nasa kalagitnaan ako, diary, nang pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at pinapasok na kung sino man ang hampas-lupang katok nang katok. Nanatili lang akong nakatingin sa labas ng bintana.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now