KABAKLAAN ENTRY #46

9 5 8
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

Pasensiya na, diary, kung ngayon lang ulit ako nakasulat. Nasa ospital kasi ako ngayon. Actually, noong isang araw pa akong nandito, hindi lang agad ako nakasulat sa ‘yo dahil pinakuha pa kita kay Mudra sa bahay.

Siguro nagtataka ka na kung bakit nandito ako ngayon sa ospital, ‘no? Huwag kang  mag-alala dahil i-eexplain ko naman sa ‘yo. Pero, please, huwag kang mabibigla, diary, ah? Kalma ka lang. Hihi. Wait nga lang, naiiyak na naman tuloy ako. Nagigin iyakin na talaga ako.

Ganito kasi ang nangyari, diary. Halos dalawang linggo na kasing hindi gumagaling ang sakit ko. Napansin ko rin na mas lalong nanghihina pa ang katawan ko. Mas lalo langdin kasi akong nawalan ng ganang kumain, eh. Hindi ko rin naman iniinom o ginagalaw man lang ‘yong amot na binibigay sa akin.

Habang pinababayaan ko ang sarili ko, diary, mas lalong nanghina ang katawan ko. Feeling ko e pagod na pagod ako lagi kahit na wala naman akong ginagwa. Mas lalong lumala ‘yong pagdugo ng ilong ko. Sinikreto ko lang talaga ‘yon sa kanila dahil ayaw ko ngang mag-alala pa sila. Hanggang sa dumating na nga ang araw na hindi ko inasahan.

Noong isang araw lang, inis na inis na talaga si Mudra sa akin kasi nga wala na akong ibang ginawa kundi ang magmukmok sa kuwarto ko. Inis na inis sia sa akin that time kaya inuutusan nya na akong bumagon.

Kaso pag-bangon na pag-bangon ko pa lang, nakaramdam na agad ako ng pagkahilo. Feeling ko nga eh gumagalaw talaga ang buong paligid. Huminto lang ako sandali at napapikit. Tinanong naman ako ni Mudra kung ayos lang daw ako, pero nagsinungaling ako. Pinuwersa ko ang sarili ko na maglakad hanggang sa nakalabas na nga ako ng kuwarto ko. Nang makalabas naman ako ng kuwarto ko ay naramdaman kong parang pinipihit ‘yong sintido ko. Ang sakit no’n sa pakiramdam. Nakaramdam na naman ako ng pagkahilo, hanggang sa may nararamdaman na akong likidong umaagos mula sa ilong ko.

Nang hawakan ko ito ay tama nga ang hinala ko. Nanginginig pa ang kamay kong tiningnan ang likidong tumulo mula sa ilong ko, at nakita kong dugo ito.

Nagulat silang lahat sa nkita nila. Tiningnan ko rin sila, at kitang-kita ko sa mga mata nila ang pagkabahala. Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na maalala dahil nabalot na ng dilim ang paningin ko, at sinabi nila sa akin na nawalan na lang daw ako bigla ng malay.

Nang magising ako, nararamdaman ko na naman ang pananakit ng ulo ko. Parang umiikot naman ang paligid. Nang mawala na ang sakit ay doon ko lang napagtanto na wala ako sa bahay.

Tiningnan ko ang buong paligid at hindi ito ang kuwarto ko. Tiningnan ko ang bawat sulok ng kuwarto at doon ko lang napansin at napagtanto na nasa ospital na pala ako. Pero laking pagtataka ko lang, anong ginawa ko rito? Paano ako nakapunta rito?

Biglang bumukas ‘yong pintuan at nakita ko sina Mudra at Pudra na pumasok. Nang makita nila akong gising na, dali-dali silang lumapit sa akin. Tuwang-tuwa si Pudra, samantalang si Mudra eh mangiyak-ngiyak naman. Kaagad nila kong niyakap.

In fairness, diary, ‘yon ‘yong moment na niyakap nila ako nang sabay sa pagkakaalala ko. Ni hindi ko na nga maalala kung kailan nila ako huling niyakap nang sabay, eh. Ang sarap lang din sa pakiramdam.

Tinanong ko sa kanila kung anong nangyari sa akin, at kinuwento nga nila sa akin ‘yong mga sumunod pang nangyari.

Sabi ni Mudra, lahat daw sila eh nagulat nang makitang bigla na lang akong natumba. Kahit daw wala na akong malay eh nagpatuloy pa rin daw ang pag-agos ng dugo sa ilong ko. Natakot daw sila that time kaya agad silang tumawag ng tulong para maidala raw ako sa hospital.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now