KABAKLAAN ENTRY #36

8 4 11
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***


Dear Diary,

Diary, huli na ba ang lahat para sa pagmamahalan namin ni Nammy? Sana naman eh hindi pa huli ang lahat. Hindi   alam ang gagawin ko kung sakaling mawala na nang tuluyan sa akin si Nammy. Hinding-hindi ko talaga kakayanin na mawala siya sa kin. Siya na ang naging pahinga ko, at hinding-hindi ako mapapagod na maghintay basta ba’y magparamdam na siya sa akin. Matagal ko nang hinahanap ang yakap at pang-aasar niya.

Halos dalawang linggo na akong walng balita kay Nammy. Sinubukan kong i-search ang name niya sa iba’t ibang social media accounts gamit ang account ni Kuya Picollo, pero wala talaga akong nakita. Hindi lang pala niya ako blinock, tuluyan niya na atang dineactivate lahat ng mga accounts niya. Mukhang tuluyan niya na ata akong iniwan.

Pero ayokong mawalan ng pag-asa. Hahanapin ko pa rin siya, kahit na nagmumukha na akong katawa-tawa dahil desperado na talaga akong makausap siya.

Ipapangako kong hindi ako magagalit sa kaniya, basta ba’y ipaliwanag niy nang maayos sa akin ang dahilan niyia kung bakit bigla-bigla na lang siyang hindi nagparamdam. Makikinig ako sa paliwanag niya at lalawakan ko ang aking pang-uunawa. Basta’t bumalik lang siya, hinding-hindi ko na siya pakakawalan at aaminin ko na sa kaniya ang nararamdaman ko.

Kaagad kong kinuha ang cellphoneko at tinawagan si Jayson. Susubukan kong humingi ng tulong sa kaniya. Medyo natatawa pa nga ako nang ma-realize kong si Nammy ang katulong ko para hanapin si Jayson, pero tingnan mo nga naman ngayon. Kay Jayson na ako humihingi ng tulong para hanapin naman si Nammy. Ang buhay talaga ay parang bulbol, napakagulo!

Nang sinagot na ni Jayson ang tawag ko ay agad kong sinabi sa kaniya ang pakay ko. Sinabi ko sa kaniya na kailangan ko siya at ang motor nila dahil balak kong mang-holdap na lang para malibang ako. Hihi. Siyempre, charr lang ‘yon! Magpapahatid lang ako sa kaniya papunta ro’n sa bahay nina Nammy.

Nagreklamo pa nga ang gago sa akin kasi wala raw gasolina ang motor nila. Buti na lang talaga’t may extra pa akong pera sa loob ng wallet ko. Letseng Jayson yorn! Hihi, charr lang! Siyempre kailangan ko ring mag-ambag sa kaniya ng pampagasolina dahil ako ang humihingi ng pabor sa kaniya.

Pumayag naman si Jayson sa deal namin, at sinabi niya sa akin na maghintay lang daw ako ng sandali na papunta na siya. Pumayag na lang ako at ibinaba na ang cellphone ko.

Kaagad akong lumabas ng bahay upang doon na lang hintayin si Jayson. Naabutan ko pa si Mudra na nagdidilig ng mga halaman niya. Sana all dinidiligan, ‘di ba?

Habang naghihintay ako kay Jayson ay panay dasal ko na sana ay magkita na kami ni Nammy sa pagkakataong ito. Kating-kati na ang dila ko na aminin sa kaniya ang feelings ko. Kating-kati na rin ang kamay ko na muli siyang mahawakan. Pansin mo, diary? Palagi akong nangangati? Hihi. Makati kasi ako!

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin