KABAKLAAN ENTRY #19

27 7 10
                                    


Dear Diary,

Alam mo ba, hanggang ngayon eh naiisip ko pa rin 'yong sinabi sa akin ni Nammy kahapon. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ginawa niyang katawa-tawa ang sarili niya sa pamamagitan ng pagpanggap na jejemon at squammy para lang mahanap at malapitan niya ako. Hindi pa rin ma-sink in sa witty kong brain na may tao pa palang handang gawin ang lahat para lang sa akin. Nakaka-touch pero nagi-guilty rin ako, diary.

Nagi-guilty ako kasi alam kong ang pagmamahal na ibinibigay sa akin ni Nammy ngayon ay hindi ko masusuklian. Siguro kung masusuklian ko man, baka kendi lang? Hihi. Pero seryoso, diary. Hindi ko talaga alam kung paano babawi kay Nammy. Siguro tama lang na hindi ko nga siya iwasan at makipagkaibigan na lang ako sa kaniya nang sa gayon ay hindi rin mapunta sa wala lahat ng efforts ni Nammy.

Iba kasi talaga kapag maganda, 'no? Oh? 'Di mo ba ma-feel, diary? Inggit ka sa akin, 'no? Choss!

Anyways, diary, ayaw kong magdrama muna sa ngayon kaya change topic na tayo. By the way, Sunday na pala ngayon, diary. Naalala ko 'yong usapan namin ni Jayson na may friendly date kami ngayon. Pansin ko rin kasi na medyo nawalan na kami ng bonding magmula nang maging busy ako at maging busy rin siya. Pero okay lang 'yon, 'no. Kahit naman kasi ilang taon pa kaming hindi mag-usap eh magkaibigan pa rin kami. Hindi ko hahayaang mahantong sa friendship over ang friendship namin ni Jayson, 'no. Siya lang kasi ang lalaking naging friend ko.

Nakatanggap na rin ako ng message mula kay Jayson, diary. Sinabi niya sa akin na sa dating tagpuan pa rin kami magkita. Hihi. Nakuwento ko na sa 'yo yorn? Sa favorite park namin ni Jayson kami laging nag-mi-meet. Since bata pa kasi kami eh lagi na kaming naglalaro do'n. Ngayon lang talaga kami hindi nagkakaroon ng time na makapunta ro'n kasi nga maliban sa may Covid eh may modules din kaming dapat pagtuunan ng pansin.

Kaagad akong naligo at nagbihis na rin, diary, para makapunta agad ako sa park. Malapit lang naman 'yon dito eh kaya kaya ko nang lakarin 'yon. Hindi naman aabutin ng labinlimang minuto papunta ro'n.

Ilang minuto pa ang nakalipas eh naglakad na ako papunta ro'n sa park. Alam mo ba, diary, na noong naglalakad ako roon sa may kabilang kanto—kasi mas madali kapag doon dumaan eh— eh may mga nakatambay pala ro'n na grupo ng mga lalaki. Tapos siyempre hindi ko naman sila ka-close kaya medyo naiilang pa ako.

Nang malapit na ako sa tinatambayan nila eh nakita ko kung paano nila ako tingnan. Parang kahit hindi pa bumubuka ang bibig nila eh alam mo na agad na hinuhusgahan ka na nila.

Pero alam mo ba kung anong mas nakakainis? Tinawag ba naman ako nila gamit ang iba't ibang uri ng salita.

Ay barbie! Psst, wampipte! Sirena! Chupacabra! At kung ano-ano pa.

Diary, gano'n na lang ba talaga kadumi ang tingin sa amin ng iba't ibang lalaki? Kapag ba bakla eh katulad na ng iniisip nila? Oo, aaminin ko. Minsan bastos ako magsalita at nakasanayan ko nang gumamit ng mga lantad na salita para magbiro pero alam ko na man ang limitasyon ko, 'di ba? May iniingatan pa rin akong dignidad.

Alam mo kasi 'yong mas masakit, kahit na wala ka namang ginagawa eh madadamay ka talaga sa pangungutya dahil nga sa nakadidiring gawain ng ibang katulad kong bakla.

Hindi ko na man sa hinuhusgahan sila, diary, pero minsan naiinis ako sa iba. Kasi ganoon na ba sila kauhaw sa lalaki para magbayad pa upang makaranas ng sex? Paano naman kaming mga inosenteng bakla na nadadamay dahil sa pinanggagagawa nila? Ito namang mga hampas-lupang mapangngutyang lalaki! Kung manghuhusga sana sila, sisihin nila 'yong tao hindi ang kasarian. Huwag nilang lahatin dahil iba-iba kami.

Naiinis talaga ako, diary, pero ayaw kong masira ang mood ko kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi na sila pinansin. Ang mga papansin na katulad kasi nila ay mas lumalaki lang ang ulo kapag pinapatulan pa. Pero kapag dinedeadma mo lang sila? Naku, sila lang ang mapapahiya.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now