KABAKLAAN ENTRY #45

11 5 8
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***



Dear Diary,

Diary, pasensiya ka na, ah? Ngayon lang ulit ako nakasulat sa ‘yo. Hindi kasi ako makagalaw o makakilos nang maayos, eh. Ang sakit-sakit ng buong katawan ko, eh.

Noong isang araw kasi, bigla na lang din akong natumba nang sinubukan kong lumabas ng kuwarto ko para magbanyo. Gagi, hindi ko alam kung bakit, pero no’ng pababa na kasi ako eh biglang nandlim ang paningin ko. Kaya ayon na nga, natalisod ako tapos namali ako sa paghakbang kaya nagpagulong-gulong ako sa hagdan. Pagkatapos no’n, hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Nagising na lang ako na nasa loob na ako ng kuwarto ko, tapos nandoon din sina Mudra na parang hinihintay na magising ako. Tinanong ko sila sa nangyari at ‘yong kinuwento ko nga sa ‘yo ‘yong naging sagot nila.

Nakita ko sa mga mata nila na nag-aalala talaga sila sa akin. Tinanong nila ako kung may masama ba sa pakiramdam ko, pero nagsinungaling na lang ako. Sinabi ko na lang sa kanila na natalisod lang talaga ako, kahit na ang totoo eh masama naman talaga ang nararamdaman ko. Nararamdaman ko talaga na nanghihina na ang katawan ko.

Alam ko na rin naman ang rason ng panghihina ng katawan ko, eh. Sinabi ko naman sa ‘yo, ‘di ba? Nawawalan talaga ako ng gana sa pagkain. Ni hindi ko nga maubos ‘yong hinahain sa akin ni Mudra na pagkain, eh.

Hindi ko talaga alam kung bakit nawawalan ako ng ganang kumain. Alam kong kailangan ng katawan natin ang kumain, pero hindi talaga ako makaramdam ng gutom sa ngayon. Sa dami ba naman ng iniisip ko, sigurado akong busog na busog na ang utak ko. Sa sobrang dami kasi eh halos sumabog na ang utak ko. Kaya siguro hindi ko na talagang magawang kumain kasi nakakalimutan na rin ng isip ko na maramdaman ang gutom.

Pero siyempre, wala namang sikretong hindi nabubunyag, diary. Kahapon lang kasi, sumama talaga ang pakiramdam ko. As in sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Bigla akong nagsusuka at halos tubig lang naman ang naisuka ko. Nagtatae rin ako, diary, pero halos tubig lang din lahat ng nailabas ko.

Tinanong ako ni Mudra kung bakit gano’n ang mga inilalabas ko. Magsisinungaling pa sana ako pero napasabi pa rin ako ng totoo. Nang sabihin ko kay Mudra na hindi naman talaga ako kumakain at puro tubig lang ang iniinomko, nagalit siya bigla sa akin. Sinermunan niya ako. Tinanong niya kung balak ko raw magpakamatay. Wala na akong nagawa kundi tanggapin na lang ‘yong mga sermon nila. Alam kong may kasalanan naman talaga ako dahil pinababayaan ko ang sarili ko.

Sinabi nila sa akin na huwag koraw hahayaang kinin ako ng kalungkutan. Problema lng naman daw ‘yon. Kailangan ko lang daw hanapin ang solusyon.

Hanapin. Ang dali lang naman talagang sabihin na puwede nating hanapin ang mga solusyon, pero paano? Hindi naman ganoon kadali ‘yon, eh! Nasasabi lng naman nila ‘yan dahil hindi sila ang nahihirapan. Ako kasi ‘yon! Ako ‘yong nahihirapan! Kung ganoon lang kasi kadaling hanapin ang solusyon at kalimutan ang problema, matagal ko na sanang ginawa ‘yon.

Pinipilit na tuloy ako nina Mudra na kumain at uminom ng gamot kahit ayoko naman. Ano ba kasing magagawa ng gamot na ‘yan? Oo, matatanggal niyan ang sakit ko, peero hindi niyan matatanggal ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Kahit turukan pa ako ng bakuna para sa covid, hindi pa rin maaalis itong kirot sa puso ko. Kahit tapalan pa ng ilang band aid ang mga sugat sa puso ko, mahihirapan lang itong pahilumin ito. Wala, eh, masyadong matindi ang nararamdaman ko. Ramdam ko ‘yong sakit, pait, hinanakit galit, hinagpis, inis, dalamhati, at pighati, o kung ano pa mang term ‘yan!

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now