KABAKLAAN ENTRY #40

5 5 14
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***



Dear Diary,

Ang weird lang, diary, pagka-gising ko kasi eh may nakita akong pasa sa braso at binti ko. Hindi ko alam kung bakit, basta ang sakit lang talaga ng pasa na ‘yon. ‘Yong feeling na hindi mo na man sure kung saan galing ‘yon. Kung may nanghampas man sa akin no’ng natutulog pa lang ako, eh ‘di sana nagising na agad ako.

Pero sabagay, manhid na pala ako kaya kahit siguro hampas-hampasin ako eh hindi ako magigising. Hayst! Ayoko na nga munang magdrama, naiirita lang ako.

To be honest, diary, napapansin ko na rin ang pagbabago ng katawan ko. Alam mo ‘yon? Napansin ko kasi nitong nakaraang araw na pumuputla na ‘yong balat ko.

Noong una, akala ko eh pumuputi lang ako, pero iba kasi ‘yong kulay ko sa natural na maputi, eh. Parang bampira ako na kulang sa dugo. Hayst! Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Ang dami ko na ngang problema tapos dumagdag pa ‘to. Letse talaga!

Napansin ko rin, diary, ‘yong pamumutla ng labi ko. Medyo natutuyo na rin siya. Hindi ko alam kung bakit nagda-dry ‘tong labi ko. Siguro kulang lang talaga ako sa laplap, hihi. Pero siyempre echoss lang yorn. Kinakabahan pa rin ako kahit papaano. Baka kasi may something na sa akin, eh. Mahirap na, ayaw kong mamatay agad nang hindi man lang nadidiligan. Hihi. Huwag kag pa-inosente, diary. Masyado na ring laspag ‘yang utak mo, ‘no!

Kaysa problemahin pa itong mga nararamdaman ko eh napagdesisyunan ko na lang na bumangon. Kaso alam mo ba, diary, no’ng pagtayo ko eh feeling ko dumilim ang buong paligid. Huwag kang echosera, diary. Hindi ako Eraserheads pero feeling ko talaga dumilim ang paligid. Pero mga five minutes lang naman ta’s back to normal na. hihi.

Ayoko namang mag-alala sa akin sina Mudra kaya nagsuot na alang ako ng sweater para matakpan ‘yong mga pasa ko sa katawan. Nagsuot din ako ng pajama para matakpan naman ‘yong mga pasa ko sa binti. Mahirap na, alam ko namang once na makita nila ito eh magtatanong at magtatanong lang ang mga iyon. Lahi pa naman namin ang mga chismosa.

Nang makababa na ako ay agad akong dumiretso sa lababo upang magmumog. Nagulat pa nga ako nang makita ko na may kasamang dugo ‘yong tubig na iminumog ko nang iluwa ko ito. Medyo kinabahan talaga ako pero ayaw ko namang maging overacting. Baka may sira ng talaga ang ngipin ko kaya dumugo. Hahanapin ko na lang mamaya sa google kung ano itong nararamdaman ko.

Nang makamumog na ako ay agad akong nagtimpla ng kape. Siyempre bitter na ako ngayon eh kaya hindi ko na nilagyan ng creamer. Hihi. Bahala na si Satanas. Charr.

Pero dahil mga dakilang chismosa nga talaga itong mga magulang at kapatid ko ay napansin nga nila ang outfit ko. Parang hindi naman sila sanay na makakita ng maganda. Hayst! Nakakaloka talaga sila!

“Oh, bakit balot na balot ka? Dinaig mo pa niyan ang mga Muslim, ah?” tanong sa akin ni Mudra pero dineadma ko na lang siya. ‘Pag balot na balot eh Muslim agad? Sabagay, maganda nga ‘yong mga outfit ng Muslim eh kaysa sa mga iba ngayon. Msyadong revealing. Hayst!

“Oh, Kuya, ‘di mo naman sinabi na may pajama party pala,” pambubuwisit din ni Pocari. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Ang aga-aga eh binubuwisit niya na agad ako. Letse siya!

Dineadma ko na lang sila at nagpatuloy na lang sa pag-aalmusal. Wala akong time makipagchismisan sa kanila ngayon.

Nang matapos na ako sa pag-aalmusal eh agad din akong naligo. Nagtaka pa nga sila kung bakit daw ang aga kong maligo. Tinanong pa nila ako kung may lakad daw ako ngayon.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now