KABAKLAAN ENTRY #29

19 8 11
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,


Grabe, Diary, ambilis na pala ng panahon, 'no? Naalala ko pa noong New Year lang kita sinimulang sulatan, hihi, tapos ngayon? Jusmeyo! May 10 na pala, diary. Hihi. Ambilis talaga.

Masasabi kong mabilis talaga kasi sa loob ng mahigit limang buwan ay marami akong naranasan. Grabe! Bukod sa Covid eh marami akong prinoblema ngayong 2021. Hihi. Grabe ka na talaga, 2021! Choss.

Sa sobrang bilis din ng panahon, malapit ka nang mapuno, diary. Pero owemji! Mukhang last entry ko na ata 'to sa 'yo. Hihi. Pero siyempre di pa naman dito natatapos ang story ko, 'no! Shutanginerns ka lang talaga kasi 80 leaves ka lang, hihi. Pero don't worry, after nitong entry ko eh bibili ako ng panibagong notebook para gawing diary ulit. Hihi. Tama ka sa iniisip mo, diary. May Diary version 2.0 ka na! Hihi. Unless di mo naisip 'yong inisip ko kasi wala ka ring isip. Hihi. Echoss!

Grabe, diary, 'no? Sa loob ng limang buwan eh naikuwento ko na sa 'yo 'yong mga rants ko sa buhay. Lahat ng ka-eng-engan, kabaduyan, ka-jeje-han, kalaswaan, kahihiyan, kalungkutan, basta halos lahat eh naisulat ko na sa 'yo. Hihi. Isa ka lang hampas-lupang notebook noon pero tingnan mo naman ngayon, oh! Nakasulat na sa 'yo ang kasaysayan ni Porschia, the Great! Hihi. Echoss lang.

Diary, napansin mo rin ba na parang naging masayahin na ulit ako? Hihi. Na parang wala na ulit akong problema? Hihi. Tama ka, diary, kahit papaano eh hindi na ako binabagabag ng kalungkutan ko. Ang saya-saya ko nga, diary, kasi finally eh natanggap ko na ang katotohanan. Hihi.

Actually, sampung araw pa lang naman ang nakalilipas no'ng huli naming pagkikita namin ni Howard. Sariwa pa naman kahit papaano 'yong mga nangyari sa amin, sadyang nauna lang akong mabulok—choss!

Pero nagtataka ka siguro, diary, kung bakit super-duper bilis kong maka-move-on, 'no? Hihi. Actually, di pa ako totally nakaka-move on pero tulad nga ng sabi sa akin ni Nammy, kailangan ko raw kalimutan ang mga moment na nagpapatulo lang ng luha ko. Mas karapat-dapat daw na isipin natin 'yong magpapangiti sa akin.

Kaya nga lagi kong iniisip 'yong mga model ng brief sa Avon para mapangiti ako lagi. Hihi. Ano kayang itsura ng nota nila, 'no? Ang suwerte siguro no'ng mga photographer. Hihi. Gusto ko na tuloy maging photographer. Choss!

Sabi rin sa akin ni Nammy na kung hindi raw natin maibaon sa limot ang mga masasakit ngunit nagbigay sa atin ng saya na mga alaala eh takpan na lang natin daw ito sa pamamagitan ng paggawa ng panibagong masasayang alaala.

Tama nga talaga si Nammy, diary. Sa loob ng sampung araw eh kahit papaano'y napawi ang kalungkutan na nadarama ko. Chosera kasi 'tong si Nammy, eh! Hihi. Kung saan-saan ako dinadala. 'Pag kami talaga nahawaan ng Covid, siya mananagot sa akin. Charot! Ako? Mahahawaan ng Covid? Strong kaya ako! Hihi.

Pero alam mo, diary, magiging hipokrita ako kapag sinabi kong nakalimutan ko na rin 'yong masasayang alaala namin ni Jayson. Kasi mas marami kaming nabuong masasayang mga alaala ni Jayson kaysa sa damuhong Howard na 'yon! Kaya mahihirapan din akong kalimutan 'yon, hihi. Pero tulad nga ng sinabi ni Nammy, kung hindi natin makalimutan eh gumawa na lang ng panibagong alaala.

Well, nangungulila pa naman talaga ako kay Jayson pero dahil andiyan naman si Nammy, hindi ko na kinailangan pang umiyak.

Diary, may sasabihin ako sa 'yo. Ang weird lang kasi alam mo yorn? No'ng sabihin sa akin ni Howard na hindi niya ako gusto eh nasaktan naman ako kahit papaano, pero hindi 'yong super duper sakit. Nasaktan lang ako nang sobra no'ng pinagmukha niya sa aking walang karapatan ang mga bakla na mahalin. Hihi. Pero deadma na lang.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Onde histórias criam vida. Descubra agora