KABAKLAAN ENTRY #31

12 7 8
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

Uy! May ichichika ako sa 'yo, hihi. Daliii! Ang kafal ng feys, 'no? Bungad na bungad pa lang tapos chismisan na agad. Hihi. Sornaman, diary. Alam mo namang nasa dugo na namin ang pagiging chismosa, eh. Hihi.

So yorn na nga, diary. Hindi ko kaso alam kung ano bang dapat maramdaman ko. Kung matutuwa ba ako o malulungkot? Kung iiyak ba ako o ngingiti? Kung maeexcite ba ako o manenerbiyos? Halo-halo kasi ang emosyong nadarama ko ngayon, diary. As in halo-halo talaga. Kaya ang hirap i-explain.

Pero siyempre mas mahirap pa rin ang Math, 'no! Hihi. Echoserang 'to!

Ganito nga kasi yorn, diary. Eh kasi naman, eh! Nanaginip ako, diary. Actually, sumulat nga agad ako sa 'yo kahit kagigising ko lang at hindi pa ako nakakapag-almusal o naliligo man lang. Kahit nga simpleng hilamos eh wala pa. Hihi. Na-eexcite na kasi akong magkuwento.

So yorn na nga! Letse, 'di ko tuloy maidiretso 'yong ikukuwento ko. Hihi. Ganito kasi ang nangyari. Nasa park daw ako, diary. Naaalala mo pa ba 'yong paboritong park na madalas naming pasyalan ni Jayson? Huh? Weh? Naaalala mo pa nga? Sure ka ba riyan? Kasi 'yong location ng panaginip ko kasi eh nandoon. Nakaupo raw ako sa paborito naming bench na parang may hinihintay, diary.

Tapos 'yon na nga, habang busy raw ako sa pagbubuklat no'ng magazine ng mga lalaking naka-brief lang eh may biglang tumapik sa braso ko, diary.

Tapos nagulat ako nang mapalingon ako, diary. Kasi no'ng paglingon ko, bigla kong nakita na may mahal na pala siyang iba at iniwan ka na niya! Charot!

Nagulat ako, diary, kasi nang paglingon ko eh nakita ko si Jayson, diary. 'Yong Jayson na best friend ko. 'Yong Jayson na nakasama ko simula pa noong bata pa lang kami. 'Yong Jayson na nagkagusto sa akin at....

Ni-reject ko....

Well, past is past na rin, diary. Pinatawad ko na rin ang sarili ko dahil sa nagawa ko sa kaniya. Kasi siyempre, uusigin pa rin tayo ng konsensiya natin kung tayo mismo ang hindi kayang magpatawad ng sarili natin. Hihi.

Siyempre dahil miss na miss ko na nga si Jayson ay agad akong tumayo upang yakapin siya, diary.

Alam mo ba, diary, na kahit panaginip lang 'yon eh ramdam na ramdam ko talaga 'yong mga yakap ni Jayson. Huhu. As in parang totoong-too talaga. Siguro dala lang talaga 'to nv pagka-miss ko sa kaniya at saka siyempre hindi rin ako aware that time na nananaginip ako 'no!

Gusto kong umiyak that time, diary. Dalawang emosyon kasi ang nararamdaman ko. Una, kasiyahan. Siyempre masayang-masaya ako na nakita ko ulit si Jayson—kahit sa panaginip lang. Masayang-masaya ako kasi nga nayakap ko ulit siya at nahawakan ko ulit siya. Ever since kasi na nagkaroon ng komprontahan sa pagitan namin eh hindi ko na siya nakita o nahawakan. Hindi na rin ako napapadako sa bahay nila kasi pinigilan na rin ako ni Nammy, alang-alang na lang daw sa kapakanan naming dal'wa.

Pangalawa, kalungkutan. Oo, diary, nakaramdam pa rin ako ng kalungkutan. Kasi siyempre hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung walang nagmahal at nanakit. Sa aming dalawa, siya 'yong nagmahal at ako ang nanakit. Malungkot siyempre kasi nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin at 'yong inaasam niyang relasyon sana at ang iniingatan ko namang friendship sana eh pareho ring nasira. Nakakalungkot, 'di ba? Pektusan kita, diary, kapag hindi mo na-feel. Shutanginerns 'to!

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum