KABAKLAAN ENTRY #44

11 5 12
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***









Dear Diary,

Masyado rin ba akong makasarili kung pipiliin ko na lang talaga na mapag-isa? Alam mo ‘yon? ‘Yong feeling na kahit ang mismong pamilya ko eh ayaw ko na ring kausapin. Gusto ko lang talaga maglagi sa kuwarto ko. Ayaw ko na rin munang lumabas at makihalubilo sa ibang tao. Feeling ko kasi, may sinasabi silang lahat sa akin. Feeling ko eh piinagchichismisan lang nila ako.

Naiinis na rin naman ako sa sarili ko, diary. Feeling ko kasi eh nagiging masama na rn ako sa paningin nila. Pero wala naman akong magawa, eh. Kahit ako eh nahihirapan na rin sa sitwasyon ko ngayon.

Gusto ko na rin bumalik sa dating ako. Kahit ako eh nauumay na rin sa kasalukuyang ako. Gusto kona ulit tumawa nang totoo. Gusto kong maibalik ‘yong dating ako na walang ibang ginawa kundi tumawa lang nang maghapon. Nahihirapan na rin ako sa tuwing umiiyak ako. Minsan nga eh iniisip ko na baka water bender taaga ako, kasi hindi maubos-ubos itong mga luha ko.

Naiinis din ako, diary, kasi sa tuwing nagiging okay na ako or iisipin kong magiging maayos na ang pakiramdam ko, lagi na lang may umeeksena na magpapabago sa mood ko. Alam mo yorn? ‘Yong tipong tatawa ka na sana, pero bigla kang makakarinig o makakakita ng mga bagay na magpapaiyak o magpapabigat lang ng loob mo.

To be honest, diary, hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang magagawa ni Jayson lahat ng iyon. Kasi kung titingnan, lagi niya nga akong sinasamaha at lagi niyang pinapalakas ang loob ko. Lagi niya ring sinasabi sa akin na mag-move on na raw ako. Hindi ko akalaing sa likod pala ng pakikisimpatya niya, siya pala itong may pakana kung bakit hindi kami magkasama ni Nammy. Naiinis ako! Mali, hindi lang pala ako naiinis. Nagagalit ako! Galit na galit ako sa ginawa niya. Hindi ko alam kung karapat-dapat pa ba siyang pagbigyan at pagkatiwalaan. Hind ko talaga alam, diary, kung anong gagawin. Hindi ko talaga matanggap na ang best friend ko pa ang may gawa nito. Siya ang unang taong pinakatiwalaan ako. Siya ang unang taong napagsabihan ko ng mga problema ko. Sa kaniya ko sinasabi lahat ng mga nararamdaman ko simula pa lang noong mga bata pa kami. Sabay kaming lumaki. Sabay kaming nagpatuli. Halos sa lahat ng bagay eh sabay naming ginagawa ito. Kaya hindi ko talaga alam kung bakit kailangang humantong sa ganito.

Diary, sabihin mo nga sa akin. Saan ba ako nagkulang? Nagkulang ba ako sa pagiging kaibigan niya, o nagkulang ba ako dahil hindi ko siya mapagbigyang maging higit pa kami sa kaibigan? Kasalanan ko bang hindi ko man lang masuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya, o kasalanan niya bang masyadong makitid ang isip niya at hindi niya matanggap na hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya? Sagutin mo naman ako, diary. Kasi hindi ko talaga alam kung ano rin ang naging kasalanan ko para gawin niya ito.

Diary, magiging masama rin ba ako kung hindi ko pagbibigyan si Jayson na magpaliwanag sa akin? Kasi kung hahayaan ko siyang magpaliwanag sa akin, sure naman akong hindi ko pa rin maiintindihan ang sinassabi niya. Masyado akong nadadala sa nararamdaman kong galit sa kaniya. Hindi ko talaga sigurado kung magagawa ko pang buksan ang isip ko para lang mapakinggan ang paliwanag niya.

Bakit naman kasi sa dinami-rami ng puwedeng manakit sa akin, bakit siya pang kaibigan ko? Isa rin ‘yon sa dahilan kung bakit hindi ko talaga matanggap lahat ng nangyayari ngayon. Alam kong masakit mawalan ng minamahal, hindi ko na maitatanggi ‘yon. Pero ‘di ko rin maitatangging masakit talagang mawalan ng kaibigan. Si Jayson ang pinakamalapit na kaibigan ko, eh. Masyado ko siyang pinagkatiwalaan. Kaya napakasakit sa akin nang sirain niya ‘yong tiwalang ibinigay ko sa kaniya. Ubos na ubos na ako. Hindi ko na alam kung may maibibigay pa ba ako.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now