KABAKLAAN ENTRY #22

24 8 13
                                    


Dear Diary,

Diary, kung itatanong mo sa akin kung kumusta ako, well hindi pa rin. Huhu. Malungkot pa rin ako kasi hanggang ngayon eh hindi pa rin kami magkaayos ni Jayson. Si Howard naman eh tuluyan na akong in-ignore. Hindi na talaga niya ako pinapansin at kahit online naman siya eh hindi na talaga siya nag-rereply sa akin. Ang sakit pala, diary, 'no? 'Yong tipong lahat ng importanteng tao sa 'yo eh iniiwasan ka at iniiwasan mo rin.

Pero alam mo ba, diary, kahit papaano eh naiibsan na man ang pangungulila ko sa kanila. Nakahanap na kasi ako ng bagong kaibigan, at si Nammy 'yon. Hindi naman sa kinalimutan ko na si Jayson, ah?! Pero siyempre kailangan ko rin ng makakausap ngayon. Buti na lang at nandiyan si Nammy.

To be honest, diary, noong una eh ayaw ko talaga kay Nammy. Saksi ka naman 'di ba kung paano ko ipagtulakan at paano ako mandiri kay Nammy. Pero na-realize ko na hindi naman pala siya gano'n kasama tulad ng iniisip ko. Hindi rin siya gano'n ka-jeje tulad ng iniisip ko. Ginagawa lang talaga niya 'yon para pasayahin ako.

Nakonsensiya tuloy ako, diary. Sa pang-iiwas, pandidiri, at pangungutya na ginawa ko sa kaniya noon. Akala ko kasi eh wala siyang maidudulot na mabuti sa akin. Pero akala ko lang 'yon.

Napansin ko nitong mga nakaraang araw, lalo na no'ng nagsimula akong mamroblema, nandiyan lang siya sa tabi ko. Or kung wala man, lagi niya akong chinachat para kumustahin ako.

Napaka-caring niya, diary, bilang kaibigan. At huwag ka! Marami talaga siyang datung! Hihi. Kapag pumupunta kasi siya rito eh laging may dalang foods. Kaya ang loka-loka kong kafatid at armalite-mouthed na Mudra eh tuwang-tuwa. Si Pudra naman eh masyadong malisyoso. Tinanong ba naman kung straight na ako?! Wadapak!

Si Kuya Picollo namarn? Hmm? Mukhang type din ata si shibuling Nammy. Sabagay, sabi ni Nammy eh magkasing-edad lang sila ni Kuya. Oo, tama ang narinig mo, diary. Eighteen na ang shibuli niyo at ako naman eh sixteen. Hihi. Napapaisip tuloy ako, nag-gown ba siya no'ng debut niya? Matanong nga later. Hihi.

Pero siyempre ayaw ni Nammy kay Kuya 'no! Ewan pero siguro nafi-feel na ni Nammy ang kamandag na taglay ni Kuya. Baka raw kasi mamaya eh tuklawin siya nang patalikod. Mahirap na raw.

Hayst! Pansin mo na rin siguro, diary, ang paggaan ng pakiramdam ko 'no? In fairness, hindi masyadong madrama 'tong entry ko. Ilang araw na kasi akong binibisita ni Nammy rito so naaaliw rin ako minsan. Nagdadala rin siya ng mga board games pampatanggal daw ng boredom at stress. Hayst, buti na lang talaga at hindi ko totally pinagtabuyan ang shibuling 'to. Dahil kung nagkataon? Well, hindi ko alam kung sinong kakapitan ko. Baka kumapit na lang ulit ako sa lubid at mag-swing. Hihi. Charot.

In fairness din kay Nammy, diary. Akala ko talaga shushunga-shunga siya tapos jejemon pa. Akalain mo 'yon?! President pala siya ng Math Club sa dati niyang school. At saka don't judge the dick by its boxer ah! Private pa! Oo, diary! Pero ngayong first year college na siya, hindi ko na alam kung saan siya nag-aaral. Hihi. Hindi ko na kasi inusisa.

Ang laking tulong ni Nammy, diary. Natapos ko rin kasi ang modules ko. Sinagutan niya kasi 'yong iba eh. Hihi. Hindi naman gano'n kashufal ang mukha ko 'no para ipasagot lahat 'yon sa kaniya. Siyempre may sinagutan namarn ako. Anong akala mo sa akin? Boba? Well, tama ka sa inaakala mo. Hihi.

Bilib din talaga ako, diary, kay Nammy pagdating sa Math. Aba'y bagay lang pala sa kaniya na maging president sa Math Club eh. Parang calculator kasi ang mata niya. Nagagawa niyang sagutan at intindihin 'yong mga problems gamit ang mata niya lang then shwalaaaa! May sagot na ang Vaklang Porschia. Hihi.

Hayst. Pansin mo rin, diary, na puro pampupuri lahat ng sinasabi ko kay Nammy, 'no?! Well, mas okay na siguro 'yon. Mas okay nga na mas nauna ko siyang laitin kaysa puriin. Kasi ako 'yong napahiya sa first impression ko sa kaniya. Hihi. At saka hindi na rin siya nagpapaka-jejemon, diary. Sinabi ko kasi sa kaniya na hindi niya na kailangang makibagay sa environment namin. Ang sagwa kasing tingnan eh. Isipin mo, maykaya siya sa buhay pero jejemon siya? Wadahel!

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon