KABAKLAAN ENTRY #13

32 8 2
                                    

Dear Diary,

Oh? Kumusta na, Diary? Hihi. For sure nabitin ka na naman sa entry ko? Sus, kunwari ka pa! Hambalusin kota sa table ko eh! Oo, you heard it right. May study table na ako. Nagrequest kasi ako kay Fudra noong isang araw, kaya kahit maliit ay ayos na. Hihi. Gusto ko lang maranasang magkaroon ng study table kahit hindi ako nag-aaral 'no! Fucky mo ba? Charr.

Diary, parang feeling ko may gumagalaw sa tiyan ko. Huhu. Bulate kaya 'to? Pero kakainom ko lang ng pamurga eh. Bakit kaya?

Nagsimula 'tong nararamdaman ko pagkatapos kong bumisita kay Howard sa bahay nila noong isang araw. Nakakainis nga, eh! Akala ko pa naman eh ipakikilala niya na talaga ako sa mga magulang niya. Hayst, pinakilala nga niya ako pero bilang tutor lang daw. Tutor amfotanginers eh nagpapaturo lang namarn siya sa akin kung paano mag-callig eh.

Alam mo ba, Diary, noong bumisita ako kina Howard, grabe! Ang sherep-sherep niya. Hihi. Eh pa'no ba namarn kasi! Naka-boxer lang siya pagpunta ko roon. Pero that time, mukhang tulog ata ang alaga niya kaya hindi bumabakat sa boxer niya. Pero oks lang 'no! Naniniwala kasi ako sa kasabihang ' don't judge the dick by its boxer ' .

Taray, 'di ba?! Pero yarn ang pinaniniwalaan ko. Hindi mo masusukat sa pamamagitan lang ng bukol ang laki ng ti—tiwala mo sa isang tao kung hindi niya ipinapakita na karapat-dapat talaga siya sa tiwala mo. Hayst, matanong ko nga, Diary. Puwede ko bang sukatin ang tiwala ni Howard? Ilang inch kaya? Abot kaya sa lalamunan ko? Charr! Eto namarn! Di mabiro. Che!

Pumasok na kami sa kuwarto ni Howard, Diary. Kinakabahan nga ako eh. Hindi pa kasi ako ready na isuko ang bataan. Ipaglalaban ko ang karapatan kong pangalagaan ang aking brilyante! Charot!

Nang pumasok na kami sa kuwarto, Diary, kinabahan pa ako nang marinig ko ang pag-click ng lock ng pinto niya. Jusko, Diary! Makakatikim na ba ako ng mahiwagang talong? Ano kaya ang lasa? Ano ba ang dapat na position? Handjob ba muna bago blowjob? Komportable ba ang missionary position or magdodogstyle na lang kami? Eh kung helicopter? Cowboy kaya? Hays, nakakahiya naman kasi makipagsixty-nine.

Pinaupo niya na ako sa kama niya, Diary, tapos may kinuha lang siyang bagay sa cabinet niya. Ano kaya 'yon? Condom kaya? Ano kayang flavor? Sana chocolate or strawberry. Hihi. Mukhang masarap kasi. Charr.

Pero mukhang hindi naman condom ang kukunin niya eh. Hmm, lubricant kaya?  Siguro para hindi masakit. Hihi. Di na rin masama sa first time. Charr.

Pero siyempre echoss lang yorn, Diary, 'no! Alam mo namang disente akong bakla. Hihi. Di lang halata pero ganorn talaga ako 'no! Wag ka nang umangak kundi isusungalngal ko sa 'yo tong ballpen ko. Sige, gusto mo yorn?

So yorn na nga, akala ko kung ano na ang kinuha niya sa cabinet niya eh puro papel lang pala. Nagtaka nga ako eh. What if kasunduan pala yorn? Tapos once na pinirmahan ko eh naka-arrange marriage na kami? Owemjii! Ayoko! Ayokong tumanggi! Hihi. Charot.

So yorn na nga, Diary, pinakita niya sa akin kung anong nakalagay ro'n tapos nakita ko 'yong mga calligraphy niya. Napansin kong medyo gumagaling na siya sa pag-callig niya, Diary. Puwede na siguro siyang maging taga-ukit sa lapida. Hehe. Charr lang 'no! Ako na lang akitin este ukitin niya gamit 'yong ano niya. Hihi. Basta! Ang dirty-dirty mo talaga. Friendship over na tayo, Diary! Charot.

“ Porschia, paki-rate nga, ” saad sa akin ni Howard. Diary, pasensiya na ah pero this time hindi ako nakatingin sa ginawa niya. Sa bukol sa boxer niya ako nakatitig. Hihi. Sornaman. Dinedemonyo ako ng mata ko eh.

“ Ha? A-Alin? ” nauutal kong tanong, Diary. Siyempre sino bang di mauutal kapag nasa harap mo na ang kalangitan, di ba? Cheret.

“ Rate mo from one to ten. ” Mas inilapit niya sa akin 'yong papel, Diary, kaya mas natitigan kong mabuti 'yong bukol sa boxer niya. Siyempre, wala nang nakaharang eh. Hihi.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon