KABAKLAAN ENTRY #52

19 5 11
                                    

Hi mga baklaaa! Please don't forget to vote, comment, and share. Hihi. Enjoy reading. Salamat!

***

Dear Diary,

Diary! Kailangan ko pa rin magkuwento sa ‘yo ngayon kahit nanahihirapan ako, hihi. Ito na kasi ang pinakamasayang araw ko, eh. Hulaan mo, diary, kung bakit. Hihi. Kasi naman, diary, eh! Birthday ko na ngayon! Hihi. Almost one month din kasi akong hindi naglagay ng entry sa ‘yo kaya hind ka masyadong na-update sa happenings sa buhay ko.

By the way, bago ako magkuwento sa ‘yo, eh gusto kong humingi ng sorry kung halos isang buwan na rin no’ng huli akong maglagay ng entry. Sorry talaga, diary. Alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon, ‘di ba? Hindi talaga ako makapagsulat nang maayos dahil nga sa sitwasyon ko. Dahil lagi akong pagod at nanghihina dahil lang sa paglaban ko sa sakit na ito. Sabi ko naman kasi sa ‘yo, diary, eh! Lalaban talaga ako! Nagulat nga si Doc kasi ‘yong ibang patient raw na na-diagnose na may Acute Myelogenous Leukemia eh hindi raw umabot ng isang buwan, pero ako? Patuloy ko pa raw nilalabanan itong sakit ko, kahit na hinang-hina na raw ako. Sabi ko nga sa kanila na mahina lang ako physically, pero strong kaya ako inside.

Anyway, balik na tayo sa totoong happenings. Excited na talaga ako sa araw na ‘to, diary, kasi nga birthday ko. Siyempre tuwang-tuwa talaga ako kasi naabutan ko pa rin ang birthday ko, ‘no! Huhu! Seventeen years old na ako, diary! Sana naman eh gumaling na ako para makaabot pa ako sa legal age ko. Can’t wait na mag-eighteen tapos manood ng porn for the first time. Hihi. Charr lang, na-miss ko lang talaga manood ng porn. Matagal-tagal na rin kasi no’ng huli akong nanood.

Ayon na nga kasi, diary! Kung excited akong magising eh mukhang mas excited pa atang magising ‘tong dalawa kong kapatid. Aba’y alas sais pa lang ng umaga eh ginising na ako. Oo, tama ka sa nabasa mo, diary. Sila talaga ang nanggising sa akin, eh. Mga letseng ‘yon! Kumukuha pa nga ako ng sapat na lakas eh para may energy naman ako ngayong araw.

Hindi ko alam kung anong trip nitong dalawa at pinaligo agad ako. Nagtataka pa nga akong tinanong sila kung anong gagawin namin, pero ang mga shuta eh nagtinginan lang tapos biglang tumawa. May mga sikre-sikreto pang nalalaman ang dalawa, akala mo naman nakakatuwa.

Pinaliguan na ako ni Kuya Pocholo dahil hindi ko naman kayang maligong mag-isa. Sa loob ng halos dalawang buwan na gamutan eh si Kuya Pocholo talaga ang nagtitiyagang punasan at paliguan ako. May tinatago rin palang ka-sweet-an si Kuya, eh. Akala ko nga puro kalibugan lang ang alam niya. Noong una nga, diary, eh nahihiya pa akong magpaligo kay Kuya kasi baka makita niya ang ano ko. Nakakahiya kaya! Pero sabi ni Kuya eh huwag na raw akong mahiya dahil pareho lang naman kaming may twitwi, at wala naman daw malisya ‘yon lalo na’t magkapatid kami. Pumayag na lang din ako kinalaunan, diary, kasi ako lang naman ang mahihirapan at mangangalingasaw sa baho kung hindi ako papayag. Sorry naman, ah? Maarte lang talaga ang loka!

Matapos akong paliguan ni Kuya eh binihisan niya naman din ako. Naiinis pa nga si Pocari kasi ang tagal-tagal daw namin. Bilisan na raw namin lalo na’t hindi pa raw gising sina Mudra at Pudra. Ang mga letse, gusto pa ata akong itakas dito sa bahay! Mga shuta talaga! Pero kiber naman kasi hindi naman ako ang mapapagalitan, eh. Sila naman. Hihi.

Nang makabihis na ako ay agad silang kumuha ng face mask at bonnet upang isuot sa akin. Binuhat rin ako ni Kuya at inilagay sa wheel chair ko. Kung tatanungin mo ko, diary kung nahirapan ba si Kuya sa pagbuhat sa akin, ang sagot ko ay hindi. Gaga ka ba? Maskulado, ‘di ba, ang katawan ni Kuya, tapos ‘yong katawan ko naman eh buto’t balat. Kaya naman magaan lang talaga ako. Hihi.

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant