KABAKLAAN ENTRY #20

21 8 12
                                    

This chapter is dedicated to @AllenRoseGarcia . For appreciation lang po. Hihi. Natutuwa po kasi ako na bawat update ko eh binabasa niya agad and nagcocomment din siya kaya mas ginaganahan akong magsulat kasi alam kong may naghihintay ng update ko. Nakaka-overwhelm po huhu. As long as binabasa niyo po 'to, hindi po ako titigil sa pag-update hanggang matapos hihi. Salamat po. Ika nga ni Porschia, stay positive maliban sa Covid.*[/ Winks /]*

***

Dear Diary,

Ilang araw na rin magmula nang mangyari ang aminan sa pagitan namin ni Jayson pero hindi pa rin ako maka-move on. Ginugulo pa rin ako ng isip ko. Nakokonsensiya na rin ako sa nagawa at nasabi ko. Pero masisisi mo ba ako, diary? Ginawa ko lang naman ang pinakamabisang paraan eh. Sa tingin ko, ito na lang ang puwede kong gawin para hindi na siya umasa pa. Kailangan ko munang layuan siya hanggang sa mawala na ang nararamdaman niya para sa akin.

Naguguluhan nga ako, diary, eh. Feeling ko nga prank lang 'to. Alam mo naman 'di ba na may pagka-siraulo ang isang 'yon. Baka pinagtitripan niya lang ako.

Pero mukhang hindi eh. Imposible. Kitang-kita ko sa mga mata niya na totoo lahat ng sinasabi niya. At sa kung paano tumulo at nangilid ang luha niya? Hmm, ramdam na ramdam mo talaga, diary, na malungkot siya.

Ihh! Ano ba yarn! Nagi-guilty na naman tuloy ako! Nakakainis ka, diary! Naiinis din ako sa sarili ko. Alam mo yorn, diary? Matagal ko na talagang problema 'to eh pero mas lalo ko pang pinoproblema magmula nang umamin sa akin si Nammy at Jayson.

Bakit kasi ipinanganak akong may taglay na kagandahan? Bakit kasi super ganda ko? Bakit napaka-flawless ko? Bakit napaka-witty ko? Bakit kailangan ko pang magmukhang diyosa sa mga mata ng tao? Nahihirapan tuloy ako kasi andaming nagkakandarapa para lang makuha ako.

Huhu. Diary, may isang wish lang ako. Gusto ko maranasang maging pangit! Kahit isang araw lang! Nakasasawa nang maging maganda! Ayoko na! Ayoko—aray! Shutanginerns ka, diary, ah! Ikaw ba 'yong nambato? Shuta! Masama bang managinip nang gising? Huh? Masama ba?! Chosera 'to! Minsan na nga lang makapag-moment eh.

Ilang araw na talaga akong ginugulo ng mga problema. Napupuyat na rin ako, diary, kaiisip. Nagkakapimples na nga ako eh. Huhu. Why kasi kailangang may aminan pang naganap?!

Malas ba ako o suwerte ngayong 2021? Malas ba ako kasi lahat puro problema ang inaabot ko o masuwerte ba ako kasi maraming nagkagusto sa akin ngayong taon. Uhm, baka isipin mo, diary, na dalawa lang naman 'yong umamin sa akin. Liek dzUh? Bolang ka bhi33? Kapag lumagpas na sa isa, ibig sabihin marami na so marami na rin ang nagkakagusto sa akin. Che! Inggit ka lang, bleh!

Diary, isang tao lang naman ang gusto ko na umamin sa aking gusto niya rin ako eh. Hulaan mo, diary, kung sino. Hihi.

Huh? Anong sabi mo, diary? 'Yong tindero noong birthday ni Lola? Sapak, you want?! Gargang thwo! Ayaw ko na ngang makita ang pagmumukha ng hinayupak na yorn. Letsugas ka!

Siyempre, diary, si Howard lang ang gusto kong makapiling 'no. Siya lang ang lalaking tinitibok ng kepyas ko—charr, wala pala ako no'n. Puso lang pala ang meron ako kasi kahit utak wala raw ako. Hihi. Sornaman, huh?

By the way, diary, may itatanong ako sa 'yo. Hindi naman siguro ako magiging harsh 'no kapag iniwasan ko nang tuluyan si Jayson? Eh kasi naman eh, tinatawagan niya ako at tinetext. Hindi ko naman alam kung anong isasagot o sasabihin ko.

Ano bang sasabihin ko? Huh?

Jayson, nakamove-on ka na ba? Jayson, di mo na ba ako gusto? Jayson, sisingilin mo na ba ako sa mga utang ko? Jayson? Jayson? Basilio? Crispin? Mga anak— oa na, ghorl ah!

Porschia's Diary ( Diary Ng Bakla )Where stories live. Discover now